CHAPTER 6: Team Respond

5 1 0
                                    

TETSUYA'S POV:

Bigla akong nagising dahil may basang bagay na nagtataas baba at dumudulas sa aking pisngi, napatalon ako sa sobrang kaba dahil dinidilaan ako ng aso! Bat may aso dito? Pero ang cute nito at isang maliit na Chihuahua. Nagmamakaawa ito na para bang gusto niyang magpa-ampon, hinawakan ko siya at idiniin ulit ang aling pisngi na agad naman nitong dinilaan muli. Kinuha ko na siya at inilagay sa aking bisig.

Ano kaya ang ipapangalan ko sa asong ito? Tiningnan ko siya sa mata at nagtwinkle-twinkle ito sa akin. Uhhhm "Tetsuki!" oh diba maganda na yung pangalan mo!

"Arf! Arf!" tahol nito na parang nagsasang-ayon.

Very good Tetsuki, magpahinga kana muna at ipapakita kita sa iyong mommy Satsuki..

Nandito ako ngayon sa isang gubat na pinapalibutan ng napakalaki at napaka-taas na punong kahoy, isa itong creepy kung pagmamasdan pero maganda ito kapag madilim dahil sa napakaraming alitaptap na nagbibigay ilaw.

Flash-back:

Nakarating ako dito dahil sa isang kasamahan ng napatay kong ninja, habang ako'y nagpapahinga sa kastilyo kagabi ay may narinig akong yapak sa labas kayat nakapagpwesto ako sa ilalim ng sofa, maya-maya'y may nakita akong pares ng paa at lima silang naglalakad papasok sa amin, na iwan ang dalawa nilang kasamahan at derecho namang pumasok ang tatlo. Habang sila'y nagmamasid ay agad ko namang tinutok ang sniper na hawak-hawak at agad na pinaputok sa ulo ng isang ninja pagkatapos nun ay lumabas na ako at pinaputukan din ang kasamahan niya pero mabilis itong naka-ilag, walang tunog na madidinig sa putok ng akong baril kasi nilagyan ko ito ng silencer na huli kong nakita sa drawer, nakita ko na lamang na tumatakbo ang kasamahan nito papalayo kaya't hinabol ko ito at sinundan, mabilis siyang tumakbo at tumatalon-talon pa sa mga puno kaya nahirapan ako sa paghabol hanggang sa nakarating ako dito sa enchanted forest na kinalalagyan ko ngayon, nakawala ang ninja sa aking paningin at nahihilo na rin ako sa kakatakbo ng boung gabi kaya naman nagpahinga na ako dito sa ilalim ng malaking puno.

End of the Flash-back!:

Habang ako'y naglalakad sa loob ng Enchanted Forest kasama ang aking alaga ay napahinto ako at agad na nagtago sa itaas ng puno, nakakita kasi ako ng grupo/team na naglalakad papalapit sa amin at may dala-dalang dikalidad na armas, mabuti nalang at nakatulog ng mahimbing si baby dog Tetsuki.

"Captain dito ko lang huling nakita ang lalaki kagabi!" sabay turo sa puno kung saan ako nakatulog kagabi.

"Eh bat mo naman kasing hinayaan na makalayo pa! Dapat ay pinatay mo na kaagad." sigaw ng Capt. Nila sabay tulak sa lalaking nagpapaumanhin sa kaniya.

"Hindi na po mauulit, natakot lang po kasi ako!" wika nito sabay luhod sa harapan ng captan.

"Wala akong kasamahan na katulad mong bakla at lampa!" pang-aapi nito sa kaniyang kasamahan at tinutukan ng baril.

"Waaag po! Gagawin ko ang lahat ng gusto nyo!" sigaw nito na parang nawawalan na ng pag-asa.

Napahinto na lamang ang capitan at ibinalik ang baril sa kaniyang bulsa at nagpatuloy na silang lumakad at parang may ipapagawa ang sila sa inaabuso nilang kasamahan.

Ilang minuto ang nakalipas ay may narinig akong putukan malapit sa dina-anan ng isang team kanina, sunod sunod ang putukan na parang bang limang team ang naglalaban.

Maya-maya'y may isang ninja ang dumaan sa ilalim ng punong pinagtataguan ko at may hawak na shuriken atsaka samurai, nagmamasid siya sa paligid habang kumikilos ng maliksi na kahit yung mata mo ay mapapagod kakatingin.

Agad ko naman akong bumaba at itinago si Tetsuki sa loob ng makapal na damuhan na masarap parin ang tulog, agad kong sinundan ang ninja na direderecho ang pagtakbo papalabas sa kagubatan, lumingon ito sa likod at mabilis naman akong nakatago pero hindi ko alam kung nakahalata ito dahil mas bumilis pa ang kaniyang pagtakbo hanggang naka-abot ito sa Ancient Ruins na dalawang kilometro lang ang layo sa kastilyo kung saan narorooon ang aming location site. Napahinto ito sa kalagitnaan ng Ancient Ruins at nahuli niya ako dahil sa malapad na space ng lugar kaya't hindi ako nakatago,nakangisi siyang nakatingin sa akin at may pinaplanong gawin.

Ngayon ay nagkaharapan na kami at nakatutok na sa kaniyang mukha ang lazer ng aking sniper. Inilantad niya pa ang kaniyang katawan na parang handa na siyang mamatay, maya-maya'y humalakhak siya at itinaas ang hawak na samurai.

Lumabas ang sampung ninja na nakapalibot ngayon sa akin, yung isa nilang kasama ang nakaagaw sakin ng pansin dahil sa gold niyang kasuotan, lahat sila ay may hawak na samurai at handang aatake sa akin anumang oras.

"Tetsuya! Tama ba?" tanong ng kulay gintong ninja.

Nanindig ang aking balahibo dahil sa takot at kabang aking nararamdam! Bat niya nalaman ang aking pangalan at isa pa eh hindi naman ako gaanong sikat sa University, kumbaga ako lang yung hindi famous sa aming magbabarkada.

"Oo, ako nga! Bat mo ako kilala!" naiilang tanong ko sa kaniya.

"Ako lang naman ang Master ng isang daang ninja dito sa isla at nasaakin ngayon ang pinakamamahal mo!"

"Huh! Edi 101ninja kayo?" sigaw ko na may halong pagiinsulto. "At isa pa walang ako minamahal!" dagdag na pagsisinungaling ko.

"Ilabas nyo siya!" tanging utos nito sa kaniyang kasamahan.

Lumabas ang isang babae na may takip sa mukha at punong-puno ng tali ang kaniyang katawan, unti-unti nilang binuksan ang isang tela na tumatakip sa kaniyang mukha pero alam ko na kong sino siya!

"Meet your teamate, Satsuki Momoi!" sigaw ng kanilang Master na naka-ipon sa akin ng galit.

Nanghihina ang katawan ni Satsuki na parang inabuso pero nakatingin siya sa akin at may ipinapahiwatig.

"Pakawalan mo siya! Ako nalang ang kunin nyo at lahat ay aking gagawin!" pagmaakaawa ko sa kanila habang mahigpit na hinawakan ang handle ng aking sniper.

"Ibaba mo muna yang hawak-hawak mong sniper!" pag-uutos nito sa akin.

Agad ko naman itong inilagay sa sahig at itinaas ang buong kamay.

"Pakawalan nyo na siya!"sigaw ko ulit sa kanila.

Agad niyang itinulak si Satsuki sa aking harapan at bigla may putok akong narinig, isang putok na nanggaling lng sa likod ng pader na tumama sa balikat ng kanilang master kaya't nakakuha na ako ng pagkakataon at dali-dali kong hinablot ang aking sniper at binaril ang ibang ninja.

May sumabog ding granada at isang sunod-sunod na putok ng machine gun, lumabas si Taki at habang nakipagbakbakan gamit ang kaniyang kalasag at espada. Agad akong lumapit kay Satsuki para protektahan ito pagkatapos ay lumapit din si Mitsuha para gamutin ang galos at sugat nito.

Nahagilap ko ang tatlong ninja kasama ang kanilang master na tumatakas at papalayo sa Ancient Ruins, hahabulin ko pa sana sila pero hinawakan ni Satsuki ang aking kamay.

"Tama na!" mahinang hiling nito sa akin.

Agad ko naman siyang niyakap sa sobrang pag-aalala, nabigla nalang ako nang may tumahol sa aking likod na dumagdag sa aking saya. Si Tetsuki ang asong nakita ko sa Enchanted forest at si Satsuki na mahal ko ng palihim! What a big happy family.







MIKASA'S POV:

Flash-back:

Nagising kami sa Ancient Castle at pagkalabas namin papuntang sala ay madaming basag na gamit at dugong nakakalat sa sahig, nabigla kaming lahat sa nangyari. Wala sina Tetsuya at Satsuki sa kanilang kwarto kaya nandun na kami na taranta, umalis kami kaagad sa kastilyo at nilibot ang kalapit na location site hanggang na-abutan namin si Tetsuya na nasa Ancient Ruins at pinapalibutan ng mga nija. Doon na kami gumawa ng plano at kung anong dapat gagawin.

End of the flash-back:

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Mar 28, 2018 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

 ISLAND INLOVE: (Secrets Reveal)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon