CHAPTER 5: The Start

9 2 0
                                    


Ginising ko na sila at binigyan ng sarili nilang parachute,agad kaming pumunta sa area na kung saan kami tatalon. Hinanap ko ang first location site namin, sa mount calvary at agad kung sinenyasan ang aking kasama, tumalon ako at sumunod silang lahat. Nag uumpisa na talaga ang bakbakan dahil kahit nasa ere kami ay may kalabang nagpapatayan, yung iba naman ay sinisira ang mga parachute para mahulog sila sa isla. May lumapit sa aming team na aatakihin sana kami pero mabilis din kaming lumayo, hindi na kami sumali sa labanan kasi dapat namin sundin ang plan A-safety first. Malapit na kami sa mount calvary ng mahagilap ko na naunahan kami ng dalawang team at may hawak na silang baril at equipments.

"Guys! Change location! Sa ancient castle tayo!" sigaw ko sa kanila. Malapit lang naman kasi ito sa mt. Calvary.

"Bilisan nyo!" sigaw ni Taki.

"Pinapaputukan tayo ng ibang team!"

Mabilis kaming naglanding sa rooftop ng castle pero si Taki naman ay nahulog sa labas dahil tinamaan ang kaniyang parachute.

TAKI'S POV:

"Sh*t! Malas talaga!" napamura nalang ako.

Huminga ako ng malalim at nagmasid sa lugar, madaming puno sa labas ng kastilyo at mayayabong na damo. Gumapang ako papasok sa Ancient Castle ng biglang may humawak sa aking paa. Isang member ng team na hahampasin na sana ako ng kahoy pero mabilis ko itong naiwasan, inagaw ko sa kaniya ang pamalo at pinalo ang kaniyang ulo ng sobrang lakas. Nakita ko ang kaniyang kasamahan na dumating kayat tumakbo ako ng mabilis papasok sa kastilyo. Tumingin ako ng isang saglit sa aking likuran at nakita kung nakatutok ang isang pistol sa akin, naphinto na lamang ako at binuhusan ng kaba.

Boom!

Isang putok ang narinig ko! Pero hindi ito sa kalaban nanggaling kundi sa itaas ng kastilyo, nakita ko na lamang na nakahandusay ang kalaban at sunod sunod ring putok ang narinig ko ulit na tumapos sa buhay ng kaniyang kasamahan.

Pumasok ako at nilock yung gate, agad akong umakyat at bumungad sa akin ang napakadaming equipments at mga matataas na kalibre ng baril. Bigla nalang may yumakap sa akin ng mahigpit.

"Taki! Tinakot mo ako dun! Magpasalamt ka kay Tetsuya kasi siya ang nakaligtas sayo. Paano kung nawala ka!"

Hinalikan ko na lamang siya sa noo at niyakap!

"Hindi na mauulit Mitsuha!" sabi ko habang napaluha ng hindi inaasahan.

Pumunta na kami sa itaas ng kastilyo at humanap ng kagamitan, kumuha ako ng bullet shield at isang espada, kumuha din ako ng dalawang dessert eagle na pistol at bala, inilagay ko ito sa aking bewang, nagsout rin ako ng armor at helmet!

TETSUYA'S POV:

Hawak ko ngayon ang class A na Sniper na nakapatay sa ibang team, ito din ang  nakaligtas sa buhay ni Taki. Ito na talaga ang pag uumpisa ng role ko bilang Ranger.

Yung iba ay kumuha din ng kagamitan na ayon sa kanilang role, si Satsuki ay may shuriken at mahabang blade, sout nito ang hood na itim.

Si Mikasa naman ay may hawak na scope at malaking backpack na may lamang trap at bomba.

Si Mitsuha naman ay may dalang health kit, Rifle at backpack din na may lamang supply goods.

Si Eren naman ay may sout na jacket at hawak hawak ang machine gun nito, pinapalibutan ang katawan niya ng bala at bomba.

Si Taki naman ay may mahabang espada at makapal na shield, may sout itong armor at helmet.

Halatang ready na sila, nag masid ako sa paligid at kalmado ang lugar maliban lang sa Mt Calvary dahil sa narinig ko na putukan. Dumidilim na rin ang paligid at malapit ng gumabi, mabuti nalang at maganda ang location site na napuntahan namin.

"Guys! Magpahinga na muna tayo sa loob ng kwarto." utos ni Eren.

"Sige! Eh tatlo lang ang rooms dito?" tanong ko.

"Edi matulog tayo ng magkapares diba Taki!" sagot ni Mitsuha habang ngumingiti.

Agad naman silang pumasok at sumunod din sina Eren at Mikasa.

"Abaaah! Anong tinitingin-tingin mo diyan!" aniya ni Satsuki.

"Hindi ba pwede! Tara na."

Pumasok na din kami ni Satsuki at agad siyang tumalon sa kama na may malaking foam.

"Diyan ka nalang sa sahig matulog!" sabi nito.

"Eh kung ayaw ko!"

"Edi humanap ka ng matutulogan!" agad niya akong inikutan ng mata bago humiga.

"Sungit naman nito! Edi ikaw na lang matulog jan."

Wala itong kibo at hindi na nagsalita, lumabas na ako sa kwarto at humiga sa labas ng sala. Hawak-hawak ko ang aking sniper at isang 45 na pistol.

Magbabantay nalang ako dito para sa kanilang kaligtasan. Pero sa hindi inaasahang pangyayari ay nakatulog ako ng mahimbing.

SATSUKI'S POV:

Hindi ako makatulog na para bang may gumugulo sa aking isipan, tiningnan ko ang orasan na sumasabit sa pader, hating gabi na at parang tulog na ang lahat ng aking kasama pero ang iniisip ko ay si Tetsuya na natutulog sa labas! Hindi ako mapakali kasi may mga kalaban sa buong isla na nag-iikot at isa pa na mas delikado ay ang mga Ninja na kumikitil din ng buhay.

May narinig akong kaluskos sa labas at maya-maya'y bumasag ang isang vase at dun na ako nag panic! Lumabas ako hawak-hawak ang aking weapon at dahan dahang lumakad sa pwesto kung saan nahulog ang vase,medyo madilim na rin ang lugar dahil pinatay ni Eren ang ilaw dito, agad kung binuksan ang ilaw at nakita ko kaagad ang isang ninja na dumidikit sa kisame ng kastilyo na mala spider man at may hawak na katana.

Sinugod nya ako at agad ko naman itong nilabanan,tunog nalang ng aking mahabang blade at katana ang aking naririnig sa bawat atake naming dalawa. Nagulat nalang ako ng may tumakip sa aking ilong, isang makapal na panyo at may matindi itong amoy na hindi maipaliwanag.

Lumaban ako pero unti-uti akong nahihilo at bigla nalamang akong natumba sa sahig, naramdaman ko nalang na may pumasan sa akin na dalawang kalalakihan at alam ko na yun yung ninja na aking nakatunggali.

Gumising ako habang nakatali ang aking kamay sa malaking bato. Madilim ang paligid at maraming paniki ang lumilipad, nandito ako ngayon sa hidden cave! May narinig akong yapak na papalapit sa akin at may hawak na torch, nang nakalapit na siya ng ilang metro ay inihagis niya ito sa aking ulo, mabilis ko naman itong naiwasan at tumusok ito sa pader ng kuweba na nag bigay ilaw sa loob.

"Ano ba talaga ang pakay mo sa akin!" sigaw ko.

"Ikaw! Ikaw talaga ang pakay ko, ikaw ang magiging kabayaran sa nagawa ng iyong kasamahan!" galit na tinig ang kumawala sa kaniyang bibig.

"Ano ba ang kasalanan namin sa inyo!"

"Pinatay ng ranger nyo ang kasamahan namin!"

Napaisip nalang ako bigla, buhay si Tetsuya! Ang akala ko ay pinatay na siya ng mga ninja o hinuli, ang galing talaga ni Prince Charming ko.

"Eh kayo din yung may kasalanan! Kayo yung lumusob sa amin!"

Lumapit siya ng bahagya sa akin at susuntukin na sana ako ng bigla may bumukas na secret door sa gilid ng malaking bato. Lumabas ang isang ninja na nakatakip ang mukha.

"Anong ginagawa mo ninja-45, alam mo naman kung anong gustong gawin ni master sa kaniya diba?"

"Gusto ko lamang ipaghiganti ang kasamahan natin!"

"Maghintay ka lang dadating din ang tamang panahon, uubusin natin sila at itong babe ay ang susi ng ating tagumpay." hukalakhak ito habang pinapag-pag at inakbayan ang kaniyang kasama.

Tumingin sila sa akin sa huling pagkakataon habang nakangisi at tuluyan ng umalis papalayo. Napasandal ako sa pader at pilit na tinanggal ang lubid na nakatali sa aking kamay, bigla na lamang ako'y nagulat ng may sumigaw sa loob ng secret door na para bang nasa bingit ng kamatayan. Bumukas ulit ang secret door at iniluwal ang isang babae na maraming sugat at walang saplot sa kaniyang katawan. Napatingin ito sa akin at para bang nagmamakaawa, gumagapang ito at akmang lalapit na sana sa akin ng biglang may lumapit na ninja sa kaniya at tinadyakan ang kaniyang ulo bago hinila ang kaniya katawan papalabas sa kuweba.

 ISLAND INLOVE: (Secrets Reveal)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon