TCCG: 2

5.1K 157 20
                                        


PAGKATAPOS ng klase ay hinintay ko si Edchelle sa may cafeteria. Dito namin napag-usapan na magkita after ng klase. 

Natanaw ko na siya sa hindi kalayuan. May kausap siyang lalaki na nakatalikod sa gawi ko, kaya't hindi ko makita ang mukha nito.

Ilang minuto lang nang umalis na ang lalaki at papalapit naman sa gawi ko si Edchelle.

"Sino 'yong kausap mo?" tanong ko sa kanya nang makalapit na siya sa harap ko.

"Ah, 'yon ba? Si Vinjie Hedroso, siya ang Platoon Leader ng Bravo which mean na siya ang magha-handle sa amin," paliwanag niya.

"Close na kayo? Ayieee." Sinundot-sundot ko pa ang bewang niya. Alam ko kasing may kiliti siya doon.

"Masyado kang malisyosa, Vera. Nagkasalubong lang kami."

"Buti ka pa nga kilala mo na mag-ha-handle sa inyo. Ako kasi walang idea kung sino ang magha-handle sa amin, e." 

Tumango naman ako. Nagdesisyon na kaming kumain muna. Gutom na rin kasi ako. Hindi ako nakapag-breakfast kanina sa kadahilanang late na akong nagising at ayaw kong ma-late sa first day of class ko. Naniniwala kasi ako sa kasabihang: First impression, lasts.


MUNTIK ko nang mailuwa ang kinakain kong manok nang pumasok ang mga nagu-guwapohang C.A.T Officers ng NOHS. Lahat sila nakasuot ng C.A.T Uniform; kulay maroon na polo at maroon din na pantalon. They are all wearing the same design of black combat shoes. Mas lalo pang dumagdag sa appeal nila ang suot nilang maroon na sumbrero na may black and white na feather sa ibabaw. Nang tuluyang makapasok sa Cafeteria ay sabay din nilang hinubad ang sumbrerong suot nila.

"Kyaaah! Ang guwapo talaga ni Lieutenant Iqor!" tili ng babae sa gilid namin.

"My gosh! Akin lang si Sir Alvaren!" singit naman ng babae sa may unahan namin na tinalo pa yata si Mc Donald sa kapal ng make-up.

"Off limits na si Sir Hedroso! Akin na siya!" pahabol pa ng isa, sabay taas ng paa ng manok na ulam yata nito.

"Ipapatapon ko sa truck ng basurahan ang aagaw kay Corps Commander Percigal!" sigaw ko.

Doon na tumahimik ang lahat sa isinigaw kong iyon. Lahat sila napatingin sa gawi ko. Parang may dumaan pa ngang mga kuliglig dahil sa katahimikang naghari sa loob ng cafeteria.

Tiningnan ako nang masama ng mga kababaihan. May mga umirap sa gawi ko, sabay taas ng gitnang daliri nila sa akin. 

Napangiwi ako sa inasal nila. Ganito sila mag-react sa mga humahanga sa idol nila? Without thinking na parehas lang naman silang fangirl. Bakit sobra naman yata? Maka-react parang pagmamay-ari na nila 'yong tao.

Hindi na ako tumingin sa mga C.A.T Officers, dahil sigurado akong nakatingin na sila sa akin ngayon.

Hindi ko alam kung anong nagawa ng manok na ulam ko at ng putopao na kinakain ko, kung bakit ako sumigaw ng gano'n!

Pinabayaan ko na lang sila. Pinagpatuloy ko na lang ang pag kain ng kanin at ulam ko. Makakalimutan din naman siguro ng mga estudyante 'yong isinigaw ko kanina. No need to worry this much.

"Nakisakay ka naman sa trip nila, Vera. Kita mo na, oh, nakatingin na sa iyo ang lahat— maliban na lang kay Corps Commander. Wapakels lang siya, e," sabi ni Edchelle habang nginunguya ang pork chop na ulam niya.

Napatigil ako sa pagsubo ng pagkain ko. "Nagulat nga ako sa ni-react nila. Hindi ko alam kung ano ang nakita nila kay Corps, eh. Bakit? Nakakasigurado ba silang wala iyong kulangot sa ilong?" bored na sagot ko.

The  Corps Commander's Girl ✔️ (Available on DREAME for FREE)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon