TCCG: 1

9.9K 214 37
                                        


THIS is my first day of being a fourth year high-school student at required kaming makapasa bilang cadete ng C.A.T. Hindi kami makaka-graduate kapag hindi kami nag-participate doon. Real talk, ayoko talagang maging C.A.T Cadette, kasi nakakapagod daw 'yon at saka pahihirapan ka lang naman ng mga matataas na ang rank. Isa pang dahilan ay ang Corps Commander ng C.A.T namin— si Louie Miguel Percigal. Napaka-istrikto raw kasi niya at walang-awa pagdating sa pagpaparusa. Hindi lang ako sigurado kong totoo nga ba ang usap-usapang iyon dito sa Nevros.

Kaya kahit labag man sa loob ko ang pagiging C.A.T applicant ay mapipilitan akong gawin ito alang-alang sa diploma at toga ko. Mawawalan ng saysay ang pinaghirapan ko kapag hindi ako makakapag-graduate. Gusto kong maging proud sa akin ang tatay ko.

"Vera!" Napalingon ako sa aking likuran. Papalapit sa akin ang best friend kong si Edchelle.

Huminto na lang muna ako at hinintay siyang makalapit. She run towards me at niyakap niya ako kaagad. "Edch," bati ko pabalik.

"I miss you, bakit kasi ang tagal ng bakasyon natin. Hindi tuloy kita nakita ng ilang buwan," nakanguso niyang sabi.

Tumawa ako. "Magkasama kaya tayo noong nakaraang buwan. Limot mo na?"I said. Itinulak niya lang ako nang mahina at saka sumabay sa akin sa paglalakad.

She is also a fourth year student here in Nevros Occidental High School. We are best friends since first year. Pero nagkahiwalay kami ng section pagdating ng second year, naging section three siya, samantalang ako na-maintain ang pagiging honor student, kaya nanatili ako sa section one hanggang ngayon.

"Sayang, kapag naging C.A.T cadette ako, mapapabilang ako sa Team Bravo," nag-aalalang sabi niya.

"Okay lang 'yon, Edch. Mabait naman daw ang nagha-handle sa Bravo Team," pagpapagaan ko ng loob niya. Third year pa lang kami inaalala na namin ang tungkol sa C.A.T. Lalo na kaya ngayong fourth year na kami, hindi na namin maiwasang pag-usapan talaga ang tungkol doon.

"Sana nga, Vera," aniya.

"Malas ko nga, e. Siguradong pressure ang mapabilang sa Team Alpa," nag-aalala kong sabi.

Natatakot ako baka kasi mapahiya ako sa Corps Commander namin. At kung sino man ang mag-ha-handle sa Alpha Team.Marami pa namang tao sa school. Baka kung ano ang ipagawa nilang punishment sa akin.

"Kaya mo na 'yon, Ver. May disiplina ka naman sa sarili mo. Huwag mo lang pairalin ang katangahan mo minsan," walang-prenong sabi niya.

Grabeh, maka-tanga siya sa akin parang wala ako sa tabi niya at pinapakinggan ang mga sinasabi niya. But at least naging honest siya sa akin. She is a good friend of mine, indeed. Ang tunay na kaibigan kasi nakikita at ipinapaalam sa iyo ang bawat pagkukulang at mali mo, pero tanggap ka pa rin sa kabila niyon.

Hindi na nagtagal ang pag-uusap namin ni Edchelle dahil pumasok na kami sa kaniya-kaniya naming klase.

At dahil first day of school, hindi mawawala ang 'introduce yourself' na part. 

Hindi rin ako makaget-over sa C.A.T. Bakit ba kasi na-imbento pa iyon? For what? Para pahirapan ang mga forth year na maka-graduate? Hindi naman magsusundalo ang lahat ng mga graduating students. Magiging future nurse kaya ako sa isang sikat na hospital malapit dito sa amin. Gusto kong tulungan ang mga taong mabuhay ng matagal sa abot ng makakaya ko. 

"Okay, class. I want you to introduce yourself one by one. By the way, I'm your adviser, Mary Rose Villanueva. So let's start with you," turo ni Ma'am Villanueva sa babaeng nasa unahan.

"Vera?" Nagulat na lang ako ng tawagin ako ni Jayvee.

"Bakit?"baling ko sa kanya.

"Ikaw na susunod na magpapakilala sa harap." Namula ako dahil sa hiya. Ako na pala ang susunod. Kaya pala nasa akin ang atensiyon ng mga kaklase ko. Masyado akong naging pre-occupied sa pag-iisip ng tungkol sa aming C.A.T at hindi ko na namalayang ako na pala ang susunod na magpapakilala. 

Pagkatapos ng lalaking nagngangalang Kyle, agad naman akong tumayo para magpakilala sa harap. Medyo naaasiwa ako sa atensiyong ibinibigay ng mga kaklase ko. Kung puwedi lang na one sentence ang sasabihin ko, ay ginawa ko na. Pero hindi puwedi. Nakakahiya naman iyon.

"A pleasant morning to each and everyone. My name is Vera Artilleza, 16 years of age. Currently living at Bacolod City. I love to dance and sing. But I'm not quite good at it. Hope to be friends with you all," pagpapakilala ko sa harap ng klase.

"Ganda naman this girl!" sigaw ng isang bakla kong kaklase na nasa first row.

"Vera, akala ko sa puso kita nakatira," dagdag pa ng isa kong kaklase na lalaki.

Napailing na lang ako sa kanila. Boys will always be boys.

Pumalakpak sila samantalang ako naman ay bumaba na sa mini stage at bumalik sa aking silya. 

"Mahirap ba'ng maging C.A.T cadette?" I suddenly asked Jayvee. Naging aplikante rin kasi siya. Kaso hindi ko alam kung bakit siya nag-back out.

"Hindi naman, kailangan mo lang na maging determinado at mag-enjoy sa training," sagot niya.

Gusto ko sanang itanong kung bakit siya nag-quit. Pero wala ako sa posisyon para tanungin sa kanya ang bagay na 'yon.




-VEVSORARE



The  Corps Commander's Girl ✔️ (Available on DREAME for FREE)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon