LUTANG ako habang patungo sa next subject ko. Hindi ako maka-get over sa ginawa ni Louie. Ikaw ba naman ang pasundutin sa ilong ng Corps Commander, 'di ba? I swear, hindi na ako makikisabay sa ka-abnormalan ng mga Taga-Nevros! Kung alam ko lang sana na ito ang kahihinatnan ng lahat. Hindi na ako sumigaw ng ganoon!
Nakakahiya iyon sa part ko kasi maraming taga-Nevros ang nakasaksi sa pinaka-embarrasing moment ko na 'yon!
Kanina pa nakabuhanglit ng tawa itong kasama ko. Halos hindi na makahinga si Edchelle sa kakatawa niya.
"Bw*sit! Ang priceless ng mukha mo kanina, Vera." Tiningnan ko nang masama si Edchelle.
Pinagtatawanan niya lang ako. Napahiya na nga ako kanina nang dahil sa walanghiyang Corps Commander na 'yon! 'Tapos tatawanan pa ako ng isa rito.
Sira na talaga ang araw ko.
Hindi ko alam kung anong espirito ang sumapi sa akin, kung bakit ko inamoy ang hinliliit ko.
"Mabango ba?" curious na tanong ni Edchelle habang inaabangan kung ano ang magiging reaksiyon ko.
"A-amoy...amoy kulangot!" ismid ko. Pero ang totoo, mabango talaga. Nag-i-ispray ba iyon ng perfume sa ilong?
Ang bango kasi.
"Ay, weeh? Paamoy nga." Hindi na ako nakasagot pa kasi kinuha niya na ang kamay ko at inilapit sa ilong niya.
Dahil sa inis mahina kong dinutdot ang hinliliit ko sa ilong niya. "Aray, huh!"nakanguso niyang reklamo.
"Para mas amoy mo," sabi ko.
"Ay, infairness naman, ang bango nitong daliri na galing sa ilong ni Corps."
Agad kong binawi ang mga kamay ko kay Edchelle.
Huminto na kami sa harap ng classroom ko. Habang si Edchelle naman ay dumiretso na sa classroom niya.
Pumasok ako ng classroom ko. Nakayuko lang ako kasi alam kong kalat sa buong Nevros Occidental High School ang nangyari kanina.
"Girl, papansin ka rin, eh, 'no?" harang sa akin ni Milky.
Hindi ko na lang pinansin ang sinabi niyang iyon tungkol sa akin. Ayaw kong patulan si Milky, kasi mas gulo lang ang magiging epekto kapag pinatulan ko pa siya.
"Tama! Silent bitch! Akala mo kung sinong Maria Clara may itinatagong kalandian din pala," ungot pa ng isang babae na sa tingin ko ay bagong recruit niya.
Nilampasan ko na lang ang mga babaeng humarang sa akin. Grabe ang ginawa kong pagpipigil na pumatol sa kanila.
"Vera, totoo bang ginawa iyon ni Corps Commander Percigal?" tanong ni Jayvee nang makaupo na ako sa aking silya.
"Ang tungkol sa kulangot?" pangongompirma ko. Alam kong umabot na sa lahat ang nangyari kanina.
Tumango si Jayvee. "Oo," simpleng sagot ko. Bahala na sila sa kung ano ang iisipin nila sa akin. Wala akong pakialam.
Napanganga siya. "Seryoso? Ginawa niya 'yon?" Tumango ulit ako. Hindi na muling nagsalita pa si Jayvee.
Natahimik ang lahat nang pumasok si Ma'am Terrona. Bumati kami sa kanya at pinaupo niya kami pagkatapos.
"We have here the Corps Commander of our C.A.T Organization. May announcement siya para sa inyo. Lend your ears, dahil magkakaroon ng quiz after niyang mag-discuss," announced ni Ma'am.
"Please come in." Pumasok naman si Corps. Commander Percigal. Nasa likod niya ang kanyang kamay. Tumayo siya sa gitna nang may poise. Napalibutan yata kami ng kanyang charm kaya halos lahat ay nakatingin sa kanya nang mabuti.
BINABASA MO ANG
The Corps Commander's Girl ✔️ (Available on DREAME for FREE)
Teen Fiction"Cadet Artilleza asking permission to enter your heart, Sir!" -Vera Artilleza "Carry on." - Corps Commander Louie Miguel Percigal -Written by: V E V S O R A R E (Corps is pronounced as Kor)