TCCG: 11

2.7K 94 56
                                    


SINAMAHAN ako ni Louie na bumalik sa classroom ko. Pasalamat lang ako dahil wala pa ang teacher namin. 

"Vera!" Lumingon ako. Nakita kong humahangos papunta sa akin si Dhana.

"H-hi," nauutal kong sabi.

"Hi, Best friend!"sabi niya na para bang close kami sa isa't isa. At saka kailan ko pa siya naging best friend? Sa pagkakatanda ko, si Edchelle lang ang nag-iisang best friend ko. 

"So, you're best friend, now?" ani Louie sa seryosong boses.

"Oo, best friend na tayo 'di ba?" pagpapa-cute ni Dhana. Kunapit pa siya sa kaliwang braso ko.

 Kanina lang inaway-away niya pa ako. 'Tapos ngayon, best friend na kami?

"Ahmm..." Hindi ako makasagot. Ayaw ko namang magsinungaling kay Louie. 

"Sa pagkakaalam ko, ang best friend. Hindi namamahiya ng sariling kaibigan." Si Corps na ang nagsalita.

Her jaw dropped. Hindi siya nakapagsalita. Parang napahiya ang mukha niya. "I hate you, Vera!" naiiyak na sabi nito bago tumakbo paalis. Nagkatinginan kami ni Louie. 

Napabuntung-hininga na lang ako. Ilang babae na ba ang nag-walk out dahil lang sa akin? Mga tatlo na nga yata. Ang babae sa cafeteria, si Milky at ngayon naman si Dhana.

"It's alright," ani Louie.

"Papasok na ako, Corps." Tumango lang siya.

"Bumalik ka na sa coordinator niyo. Nag-ditch ka pa sa C.A.T formation."

Kinuha ko na ang kamay ko at saka ngumiti sa kanya ng matamis.

"Alright. No boys, Vera," pahabol niya pa. 

"Yes po, Tatay number 2," natatawa kong sagot. 

Hinintay ko munang makalayo si Corps bago tuluyang pumasok na sa classroom namin. 

"May relasyon ba kayo ni Corps?" biglang tanong ni Jayvee.

"W-wala. Magkaibigan lang kaming dalawa," ang sagot ko kay Jayvee. 

"Ah, napapadalas kasi kayong magkasama, e." Nagkamot siya ng kanyang ulo. Samantalang ako naman ay nakayuko lang dito sa upuan ko.

"S-sigurado ka? So, walang magagalit kapag niligawan kita?" aniya na siyang ikinanlaki ng mata ko. 

I didn't see that coming! Bakit ako? 

"Jayvee, sorry. Hindi pa ako handang pumasok sa isang relasyon. At saka hindi pa ako puweding magka-boyfriend," agad na paliwanag ko.

"G-gano'n ba? Sige, okay lang. Maghihintay ako, Vera. Handa akong maghintay sa 'yo."

"Jayvee, walang kasiguraduhan. Maghanap ka na lang ng iba. Hindi ako ang babaeng para sa 'yo. You deserve someone better."

Alam kong laos na ang linyang 'yon. Pero, ayaw ko siyang paasahin sa wala. 

"I'm sorry talaga, Jayvee." Ang naisagot ko na lang sa kanya. Hindi ko alam kung paano ko papagaanin ang loob niya. 

Tumango lang siya at tipid na ngumiti. "Ayos lang, Vera. Naiintindihan ko..." 

Marami namang ibang babae diyan na bagay sa kanya. At kayang masuklian ang pagmamahal niya. 

Naging tahimik kami ni Jayvee matapos ang pag-amin niya. Hindi ko alam kung ano ang gagawin. Ma-text nga si Edchelle. 

To Edchelle: 

The  Corps Commander's Girl ✔️ (Available on DREAME for FREE)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon