Highest Rank #2 in Random May 6, 2018
#6 in Random April 20, 21, 2018
#8 in Random March 10, #9 in Random March 8, 19, 2018
Amateurs to experts. All writers are very much welcome to participate in this year's 2018 YOUR CHOICE AWARDS Club. Give yours...
Kumusta po ating mga kagalang-galang na manunulat?
Sa bawat parangal ng paligsahan ay puno ng tagumpay at karangalan. Ngunit sa lahat ng paligsahan ay dapat pantay-pantay. Makatarungan lamang para sa lahat ang makatanggap ng isang bagay na kasiya-siya! Kaya, ganito ang napagdesisyunan ng ating Admin Board dahil ang bawat kalahok ay pantay na mahalaga sa amin. Ang dalawampu't-limang (25 Entries) mapipili ay pagkakalooban ng natatanging BADGE.
Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.
Kung mapapansin ninyo, karamihan sa mga napiling aklat (ACCEPTED) ay may nakadikit nang badge na tulad nito sa kanilang book cover, bukod pa sa #Yourchoice2018.
Mayroon pa po tayong mas magandang balita. Ang lahat ng mga kalahok ay gagawin nang pantay para sa isang espesyal na award, ang Readers Choice Awards 2018 (EVERGREEN TREE AWARD). Basahin kung paano sa "GANTIMPALA".
Sapagkat lahat tayo ay mga manunulat na hindi lamang ang pagsusulat na abilidad ang taglay, inaari rin natin ang mga mahahalagang bagay katulad ng pagiging malikhain at husay magpahayag. Kaya't tayo ay magkakaroon ng Elimination Rounds.
Tatlong eliminasyon po ang magaganap:
First Round-25% mula sa 25 entries ang matatanggal.
Second Round-50% mula sa nalalabing entries ang matatanggal.
Final Round-65% mula sa natitirang entries ang matatanggal.
Kailangang gawin ng mga kalahok ang napakaliit na gawain. Para dito magkakaroon din tayo ng deadline. Malinaw na hindi natin ibubunyag kung ano iyon... sa ngayon!
Ang mga kalahok na napili mula sa mga round na ito ay susulong upang tawagin bilang mga nominado (nominees) ng YOUR CHOICE AWARDS 2018, kalakip ang isang natatanging BADGE at CERTIFICATE.
Ang lahat ng mga nominado ay makakakuha at mananatili sa kanila ang Badge at Sertipiko kahit na natapos na ang paligsahan.
Mula sa mga napiling nominado (THE FINALIST) tatlo (3) lamang ang makakakuha ng mga gantimpala sa:
1. The Grand Winner (Gold Award)
2. 1st Runner up (Silver Award)
3. 2nd Runner up (Bronze Award)
Sa huli, ang mga naiwan na finalist ay muling susuriin upang pumili ng isa mula sa lahat upang igawad sa kanya ang The Hall Of Fame Awards 2018 (DIAMOND CROWN). (Basahin ang "GANTIMPALA" para sa iba pang detalye)
Kaya hawakan na ang inyong mga lapis, papel at humanda na. Abangan ang mga susunod na update. Ugaliing magbasa. Ilagay din ito sa inyong Reading list. Sundan kaming lagi at iboto ang bawat kabanata.