PAALALANG MULI

456 74 7
                                        

Kumusta po mga kaibigan sa panulat? Ilang araw na lamang po ang nalalabi. Ang pagpasa para sa Filipino Your Choice Award 2018 ay nalalapit nang magsara. Hanggang kailan na lamang po? Hanggang ika-30 ng Marso, 2018. Kaya bilisan po natin sa pagsali!

Bakit po ba palaging may mga paalala? Dahil po sa dinami-rami ng mga kalahok, ganoon din kadami ang mga hindi sumunod at hindi sumusunod sa mga ALITUNTUNIN. Pagpasensiyahan po dahil masusi naming sinusuri ang inyong bawat profile upang mapabilang sa mga kasali.

Bakit hanggang ngayon ay wala pa rin akong Special Entry Number? Dahil po sa maraming kadahilanan:
1. Hindi nag-follow ng account na ito.
2. Hindi nag-follow ng lahat ng admins.
3. Hindi tamang chapter nag-fill up ng form.
4. Hindi tama ang taggings.
5. Hindi kumpleto ang bilang ng tags.
6. Isinama ang pangalan ng mga admins sa invites tag.
7. Hindi tama ang sinalihang kategorya.
8. Hindi inilagay sa Reading List ang aklat na ito.
9. Dalawa o higit pang aklat ang isinali mo.
10. Nanalo na noong isang taon ang aklat mo.

At napakarami pang ibang kadahilanan kung bakit hindi ka natanggap!

Nakakalungkot pong isipin na marami pa rin ang mga hindi tunay na nagbabasa ng mga patakaran. Paano po tayo magwawagi kung simpleng batas ay hindi natin masundan? Ang ilan ay gumagawa pa ng mga dahilan o palusot ngunit nalalaman naman ng mga admins ang kanilang kakulangan.

Kaya pinaaalalahanan po namin ang mga hindi matatanggap na sumali na lamang po sa susunod na taon kapag handa na kayong sundin ang aming mga simpleng alituntunin.

Maraming salamat po at sundan ang mga susunod na UPDATES para sa FIRST ELIMINATION ROUND.

Follow and vote this chapter upon reading and understanding.

With Loves, 💚💜💛
Admins

FILIPINO YOUR CHOICE AWARDS 2018Mga kuwentong kahuhumalingan mo. Tumuklas ngayon