Chapter 3

31 1 0
                                    

[[I dedicate this to you kasi ikaw ang nagpush sa akin para gawin ang chapter na ito. Salamat sa pag-follow at pagbasa nito. Thanks you na din sa pag-add sa reading list mo! Mwah! :*]]

Chapter Three: Start of Something New

"We never stopped. A new start awaits us."

-- 

"Chen, bilisan mo! Kung saan-saan dumadapo yang mga mata mo! Luhan, tigilan mo ang pakikipag-landian kay Sehun! Sehun, 'wag puro milk tea! Suho, dun ka nga sa gym. Mayaman ka diba? Kris, masyado kang tamad! Bilisan mo nga! Chanyeol, tuloy mo lang yan. Good job. Kai and the rest, you did well. Kirstine, pagod ka na ba?"  Ang pagtutula ni Tao. Grabe. Kala ko siya na ang trainer ko, yun pala isa lang siya sa mga borders ko sa condo ko. Psh. 

Nandito kami ngayon sa park. Nagja-jogging. Weekend na kasi. Eh ayaw naman naming magbreakfast ng wala ang isa, edi, sumama kaming lahat kay Tao. Eh si Tao nainis sa mga kasama nya, pwera sa akin, kaya ayan. Tinalakan nya ang lahat - pwera na naman sa akin. 

"Bakit kay Kirstine sweet, sa amin harsh? Nasan ang hustisya Tao?" Tanong ni Chen. 

"Oo nga. Atsaka bakit mo ako pinapaalis dito sa park? Ikaw ba may ari nito ha Huang?" Si Suho naman ang nagsalita at dinuduro nya pa si Tao. 

"Hindi naman ako nakikipag-landian Tao! Nag-uusap lang kami! Nag-uusap! " Sabi ni Luhan tapos tumalikod din. 

"Masarap ang bubble tea hyung!" Sabi naman ni Sehun. Ang aga-aga nakabubble tea agad. Sasakit tiyan niyan mamaya. Hay.. 

"Matuto ka nga gumalang Tao. Mas matanda kami sa iyo 'no!" May pagka-asar sa tono ni Kris. 

"Salamat Tao sa papuri!" Masiglang sabi ni Chanyeol wwearing his sun bright smile. 

"Eh, bakit ba kasi kayo sumama? Ayos ka lang ba?" Tanong nya tapos bumaling din sa akin at inalalayan akong umupo. 

"Oo. Salamat." Tapos inabot nya pa yung bottled water sa akin. Umupo na din yung iba. Yung iba, nanatiling nakatayo. 

Habang nag-uusap sila- este nagbabangayan pala, eh napansin ko na madaming mata ang nakatutok sa amin. Galing pa sa iba't-ibang direksyon, edad, kasarian at para bang may kakaibang aura dito sa park. 

 Dahil ba ito sa kagandahan ko o sa labing dalawang lalaking nagbabangayan sa harap ko?

Psh. Pabayaan na nga. 

*

Pag-uwi namin sa bahay, ginawa na namin ang aming kanya-kanyang gawain. Yung iba nag-luluto na ng breakfast namin. Yung iba naman naliligo na. Yung iba, pa-relax-relax lang. Yung iba, nanonood ng Spongebob. Ako? Wala. Nakahilata sa kama ko. 

Naisip ko yung mga araw na isa-isa sila dumating sa buhay ko. Sobrang lutang ako nung mga araw na iyon. Di parin kasi ako makapaniwala na ang parents ko pa ang unang nagsabi na they are going to set me indepent. 

Ni hindi pa nga ako humihingi ng condo, eh nabigyan na ako. Tapos sobrang laki pa. Yun pala may mga kasama ako. Worst? Puro lalaki pa. Ha-ha-ha. Galing lang 'no? 

Di ko pa alam kung ano ang pakay nila sa akin eh. 

Baka mamaya, magising na lang na walang gamit dito sa condo ko. 

Siguro kailangan ko na talagang magtiwala. ULIT. 

Para na rin siguro makapagsimula ako ulit. Para naman may bagong chapter ang buhay ko. Ayoko na mag-stay sa past ko. 

12 Drop Dead Gorgeous MenTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon