Prologue

91 2 0
  • Dedicated kay Czarina Jean Guting
                                    

(Salamat po. Para po kasi iyon sa inyo. Malaman nyo ang nararamdaman nilang lahat. May POV po sila isa isa kaso lang po limited edition. Minsanan lang. Kaya po please bear with it. Bear with me. Slow update din pero kung kaya ko naman po eh bibilisan ko po ang pag-update.Every weekends lang po due to studies. Kamsa!!)

Kirstine's POV

"Kirstine.." tawag sa akin ni mama. Tumingin naman ako sa kanya at ngumiti.

"Bakit po?" sagot ko. 

"Pa, ikaw na lang magsabi." sabi ni mama kay papa. Bigla nalang nawala yung ngiti ko. Seryoso si Mama at Papa. Pinag-iisipan ko tuloy kung bumagsak ba ako. Ay mali. Summer pala kaya impusible yun. May nagawa ba akong masama? Baka naman itatakwil na nila ako?! OMO! Hindi yun pwede!

"Bakit Pa? Ano po ba yung sasabihin nyo ni Mama sa akin?" Tanong ko kay Papa. Halata naman sa boses ko yung takot, kaba, pag-aalala, at gutom. Gutom na talaga kasi ako eh.. Huhu!!

"Nak, hwag ka magugulat ah." Sabi pa ni Papa. Tumango na lang ako. Ayoko maubusan ng energy. Nagtitipid ako ngayon. Mahirap na. 

"Binili ka namin ni Mama mo ng condo." sabi nya. Hindi naman ako nagulat. Sabi nila eh. Wag daw ako magugulat. Baka mapalo ako sa pwet nito. Ayoko nga. Huhu!! Atsaka Energy Saving mode ako ngayon. 

"Ok." yung lang yung sagot ko. Mahirap na talaga!

"Hindi mo ba nagustuhan?" tanong ni Mama sa akin. Syempre naman nagustuhan ko. Eh Bawal lang talaga ang magulat. Sabi ni Papa eh.. 

"Nagustuhan ko po." Walang gana kong sabi. Eh!! Bawal magulat, syempre bawal na-excite. Ba't kasi sinabi iyon ni Papa eh! Alam naman nyang takot ako sa kanya!

 "Sa tono ng pananalita mo, parang hindi." Sabi naman ni Papa. Dun ako nagulat.

"Eh.. ano.. Uhmm.. Kasi po.. Ano... Sabi nyo kasi... uhm... ano.. .'wag magugulat.." sabi ko tapos napapikit na lang ako.. Haist!! Ba't ba ganito?

"Pwede ka na magulat ngayon." sabi ni papa. Nagbunyi naman ako.. Kating kati na ako kanina pa eh.. 

"YES! MAY CONDO NA AKO, SA WAKAS! YEHEY! BINILI AKO NILA PAPA AT MAMA NG CONDO! YEHEY! AKO NA PINAKAMASAYANG BABAE SA BALAT KO AT NG LUPA. SALAMAT SA LAHAT. THANK YOU LORD! MATAGAL KO NANG HINIHILING ITO! SA WAKAS AT NATUPAD NA! THANK YOU DIN SAYO SANTA CLAUS! YUNG 5 YEARS KONG PAGHINGI SAYO NG REGALO BAKA MATAPOS NA! NAIBIGAY NA NILA PAPA AT MAMA. INUHAN KA NILA. PERO KAHIT NA! IKAW PARIN ANG SANTA KO!! WHOA!! SALAMAT PO NG MARAMI!! I LOVE YOU MA! I LOVE YOU PA!" Sigaw ko tapos may palakad lakad pa, patalon-talon, paluhod-luhod. Meron din yang hand gestures na kunwari na para bang nagdadasal kay Lord. Tapos yinakap ko si Mama at Papa sa huli. Tapos nun, umupo na ulit ako sa couch namin. Hay. Sakit sa lalamunan ng magsigaw. Bakit kasi ako sumigaw?

"Nak, ang ingay mo!" Sabi ni Mama. At nagtakip ng tenga nya. 

"Bayaan mo na sya." Sabi ni Papa at humaraop agad sa akin. 

"Doon ka na titira at hindi ka pwedeng umuwi sa bahay natin dahil gusto mo lang. Makakauwi ka lang sa bahay na ito kung pinapatawag kita. Wag ka mag-alala. Araw araw may makakasama ka dun. Gusto ka namin turuan kung paano mabuhay ng wala kami ng mama mo. Gusto ka naming maging independent. Kaya sana, galingan mo. Lahat ng hindi mo pa alam, natututunan mo doon sa mga kasama mo. Sana makaya mo anak." Speech ni papa. Galing nya umacting noh?

*clap clap clap* "Pa! Ang galing mo talaga! Bagong project ba yan? Kasali pa si Mama dyan?" tanong ko at nabigyan naman ako ng sagot agad agad. ISANG MALAKAS NA BATOK MULA SA AKING INAY. 

"Ma naman! Over the bakod na yang acting nyo ah!"

"Seryoso kami at.." Sinumulan na akong itulak ni Mama, sumunod namin si Papa. "... aalis ka na ngayon. Kaya sige na! Tsupi! Mahal ka namin anak! Wag ka na dito babalik. Pagpinatawag ka lang namin! Bye!! Annyeong!! Tandaan mo wag ka nang babalik! Sige na! Dalhin nyo na yan sa condo nya!" sabi ni mama habang tinutulak ako papasok ng van namin. Nakasakay na dun si kuyang driver. Pagkapasok ko naman, sinara nung butler yung pinto. 

PAANO NA AKO NGAYON? 

ANO IBIG SABIHIN NI MAMA NA WAG NA AKONG BUMALIK?

SERYOSO BA SILA?

TITIRA LANG AKO SA CONDO NA BINILI NILA SA AKIN?

KAILANGAN KO DAW MAGING INDEPENDENT?

BAKIT? 

BAKIT?

ANG GULO NAMAN OH!

ETO YUNG ORAS DUN SA SINASABI NILA EH.. 

ANO BA YUN?

AH AYUN!

BIGTI NA, FRIEND!

12 Drop Dead Gorgeous MenTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon