Part 1: Wounded Heart

11.2K 223 7
                                    

LUMINGON ang babaeng sinusundan niya ng tingin. Mabilis na ikinubli ni Alexander "Ex" Del Mundo ang sarili. Wala na siyang balak magpakita rito. Napaniwala na niya ito na okay na siya, na wala nang dapat pang isipin kundi ang maging masaya sa pinili nitong buhay kaya walang dahilan para ipakita pa niya ang sarili.

Nasa airport siya nang sandaling iyon para Makita ang babae sa huling pagkakataon. Hindi niya alam kung paano niya haharapin ang mga susunod na bukas pero kailangan niyang sumulong...

Nakita niyang kinabig ng lalaking kahawak-kamay nito ang babaeng kahulugan ng buhay niya—naglapat ang mga labi ng dalawa.

Pakiramdam ni Ex ay tumigil sa pagtibok ang puso niya. Kung may masakit man kaysa sa kamatayan, iyon ay ang sandaling iyon. Ang puso niyang nawasak nang sabihin ni Haley na nagmamahal ito ng iba at hindi na masaya sa kanya, ay nadurog na nang tuluyan. Kung paano niya pupulutin at bubuuin ang mga pirasong iyon ay wala siyang ideya. Ni hindi nga niya alam kung posible pang mabuo uli iyon—may kutob siyang hindi na.

Ibinigay niya kay Haley lahat ng kaya niyang ibigay.

Pero hindi pa rin naging sapat.

Alam ni Ex, mananatili ang napakalaking puwang na iyon sa puso niya.

Binawi niya ang tingin  at sumandal siya sa matigas na dingding. Hindi pa rin normal ang paghinga ni Ex. Tila may mabigat na bagay na nakadagan sa dibdib niya. Mariin niyang hinagod iyon, ang mabagal na mga  habang ay naging lakad-takbo na. Kailangan na niyang makalayo sa lugar.

Pagkalabas ni Ex ay hindi kapayapaan ang hatid ng hanging sumalubong sa kanya kundi lungkot. Pakiramdam niya ay sobrang tahimik ng paligid. Na-realize rin niya mismo nang sandaling iyon na ang pinakamiserableng pakiramdam sa mundo ay ang pakiramdam nang maiwang mag-isa.

Mas binilisan niya ang lakad. Sa isip ni Ex ay lihim niyang nahiling na sana, katulad ng paglayo niya sa lugar ay ang pagkawala rin ng sakit na tumutupok sa kanya nang sandaling iyon. Hiling din niya na sana sa bawat pagsilip ng bagong umaga ay mabawasan ang sakit na iyon sa kanyang dibdib.

Tumingala siya bago ang mariing pagpikit.

Sana...


EX (PREVIEW ONLY)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon