Part 14: Move in? What?

6K 198 7
                                    

PAGKATAPOS ang saglit na pagkawala sa huwisyo dahil sa titig ni Ex ay nakabawi rin Yarra. Nakagat niya ang lower lip at biglang pumihit para talikuran si Ex pero bago pa man niya nagawa ang ikalawang hakbang pabalik sa silid nila ni Elle, napigilan na nito ang braso niya.

"Kung gagawin 'yan--ang iwasan ako, mas aagahan ko na lang ang alis ng Corazon para maging komportable ka."

Hindi nakaimik si Yarra. Nanatili siya sa harapan ni Ex at nakatungo. Hiyang-hiya siya sa kagagahan niya.

"Ano ngayon kung mas guwapo ako sa paningin mo? Totoo naman 'yon. Mas nadaragdagan pa nga ang kaguwapuhan ko sa bawat araw, eh. Huwag kang mahiya, Yarra. Guwapo naman talaga ako at hindi ikaw ang nag-iisang may alam niyan." Kasunod ang exaggerated na pag-ubo.

Natawa si Yarra, sumubsob sa dibdib ni Ex para itago ang nag-iinit niyang pisngi. Alam niyang sinasabi lang nito iyon para maging komportable uli siya rito.

Tumawa rin si Ex, magaang niyakap siya at hinagod ang buhok niya. "Okay na 'yon, huwag na nating pag-usapan."

"'In crush' lang ako sa bagong gising mong looks, 'wag kang mayabang!" aniya nang sa wakas ay nakabawi na. "Mukha ka kasing maamo. Hindi ka mukhang beast—uhm, I mean, ninja...ninja turtle."

"In crush ka sa lagay na 'yan, ha? Na nilalait mo ako?"

Natawa na naman siya, hindi pa rin siya nag-aangat ng tingin dito.

"Compliment 'yon!"

"Compliment? Wow!"

"Oo nga!"

Pareho na silang tumatawa mayamaya. Tuluyan nang nawala ang hindi komportableng pakiramdam ni Yarra pagkatapos nang ilang minutong tawanan nila.

"Okay na ba tayo? Hindi ko na kailangang umalis nang mas maaga?"

"Hindi na. Mami-miss ka namin ni Elle kung aalis ka na agad, Ex."

"Ako rin naman. Buong araw ko nga kayong na-miss ni Elle." sabi nito bago siya mariing hinagkan sa gilid ng sentido. "Kanina pa ako naghihintay na lumabas kayo."

Hindi na niya itinuloy ang balak na pag-alis sa yakap nito.

Nagtapos silang humingi siya ng kiss sa cheek pero nang pinagbigayan siya ni Ex, ipinaling niya ang mukha niya kaya sa lips nito naglanding ang halik niya—na talagang balak ni Yarra para mas patunayan ang 'in crush' feeling niya rito. Napahiya na rin siya kaya sinakyan na niya ang sitwasyon.

Tagumpay naman ang maitim niyang balak.

Natulala nga lang si Ex. Tumatakbo na si Yarra palayo rito ay hindi pa rin ito nakapagsalita. Pinagtawanan niya ang lalaki habang patakbo siyang bumababa sa hagdan. Nasa level ten yata ang kilig ni Yarra. Naisahan niya ito. Hindi nito sinasamantala ang sitwasyon nila kaya siya na lang ang magsasamantala sa sitwasyon.

May one point na siya. Yarra one, Ex zero!

Bakit ba hindi niya agad naisip iyon? Ah, hindi na siya mahihiya ngayon. Mag-iipon siya ng maraming maraming maganda at nakakakilig na alalala kasama ito.



NAGISING ang naidlip na diwa ni Yarra nang maramdaman niyang may taong pumasok sa silid. Ang natutulog na si Elle ang unang nahagip ng mata niya pagmulat ng dalaga.

Bumangon siya, hindi alintana ang sumabog na buhok sa mukha. "Ex?" ito lang naman kasi ang kasama niya sa bahay.

"Nakatulog ka na pala," boses ni Ex mula sa isang bahagi ng silid. Kaagad siyang lumingon sa pinanggalingan ng boses. Awtomatiko ang pagngiti niya nang magtama ang mga mata nila. Naisip kaagad ni Yarra ang mga kapilyahang pinaggagawa  niya sa mga makalipas na araw—na nag-umpisa lahat sa nakaw na halik niya rito. Ngiti at tawa lang ang reaksiyon ni Ex sa 'pananamantala' niya. Hindi nagbago ang pakikitungo nito sa kanya. Hindi rin siniseryoso ang mga advances niya kaya panatag pa rin siyang ituloy ang mga inosenteng padikit-dikit at pagyakap-yakap niya rito.

EX (PREVIEW ONLY)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon