Part 2: Her Life

9.2K 235 0
                                    

Two years later...

THIS way to Corazon.

Ilang minutong nakatayo lang si Yarra at nakatitig sa signage, particular sa arrow na nakaturo sa direksiyon ng lugar na sadya niya. Niyuko niya si Shelly, o baby Elle para sa kanya, ang limang buwang gulang na sanggol na nasa poder niya ngayon dahil sa aksidenteng pumatay sa stepsister niyang si Shalani. Nawalan ng kontrol ang sasakyan nito at bumangga sa poste ng kuryente.

Payapa ang tulog ng sanggol na karga niya sa buong oras na nasa biyahe sila.

"Corazon..." usal ni Yarra habang iniikot ang tingin sa paligid. Hindi niya alam kung ano ang naghihintay sa kanya sa bagong lugar pero umaasa siyang makahanap ang katahimikan ng loob.

Tama pala ang nakilala niyang wanderer na si PJ, tahimik ang lugar. Ayon rito ay ang Corazon daw ang lugar na kailangan niya. Manatili raw siya sa lugar ng ilang linggo at sa pagbabalik niya sa siyudad ay maiiwan sa Corazon ang lahat ng bigat sa dibdib niya. Magagandang alaala na lang daw ang iuuwi niya pabalik. Hindi kilala ng personal ni Yarra si PJ kaya nag-research siya tungkol sa lugar—na magandang feedback naman ang mga nakita niya, Hindi na siya gaanong nag-isip. Itinuloy niya ang biyahe bago pa siya mabaliw sa pag-iisip kung paano niyang haharapin ang mga susunod na bukas ngayong iglap ay nag-iba na bigla ang buhay niya.

Dati, siya si Yarra Leron, nineteen years old college student na walang ibang pamilya kundi ang stepsister niyang si Shalani, na kasama nga niyang nakatira sa iisang bahay pero halos isang beses lang niyang makita sa loob ng isang buwan. May ibang bahay ito na inuuwian. Sa financial aspect ay hindi nagkulang sa kanya  ang stepsister pero iyon lang ang tanging naibigay nito. Hindi niya naramdaman na may oras ito sa kanya. Hindi niya naranasan kahit minsan ang magkaroon ng bonding moment kasama nito. Hindi rin ito naging kapatid sa kanya sa tunay na kahulugan ng salita pero dahil si Shalani na lang ang tanging pamilyang mayroon siya ay hindi na nagreklamo si Yarra. Pinilit niyang maging sapat ang kung anumang naibibigay nito. Sinabi niya sa sariling hindi siya maghahangad ng higit sa kaya nitong ibigay. Sapat nang hindi siya nito itinaboy matapos silang mawalan ng magulang may dalawang taon na lumipas.

Ngayon, siya na si Yarra Leron na twenty years old, nahinto sa unang semester sa huling taon niya sa kolehiyo para maging ina sa limang buwang gulang na sanggol na naiwan sa pangangalaga niya. Maraming bagay ang itinuro sa kanya ng aksidente ng Ate Shalani niya—ang kawalan ng katiyakan ng buhay, na kung anuman ang nais niyang gawin o sabihin sa isang tao ay sabihin na agad dahil walang nakakaalam kung sa susunod na bukas ba ay nasa tabi pa niya ang taong iyon.

Tulad nang naging karanasan niya. Namatay ang stepsister niya na hindi man lang siya nakapagpasalamat sa mga naibigay nito sa kanya. At namatay ito na wala man lang siyang alam na kahit ano tungkol sa ama ni baby Elle kaya heto siya ngayon, sa isang iglap ay naging ina ng sanggol. Iniisip pa lang niya kung gaano kabigat ang naiwang responsibilidad sa kanya ay naiiyak na si Yarra. Pinipilit na lang niyang maging matatag dahil wala naman siyang pagpipilian. Kinailangan din niyang baguhin ang mga naunang plano niya sa hinaharap para kay baby Elle.

Ang paghinto sa pag-aaral ang unang mabigat na pagbabagong iniyakan niya. Isang taon lang naman, iyon ang pangako niya sa sarili. Kapag mahigit isang taon na si Elle ay mapapanatag na siyang iwan ito sa ibang tao. Maghahanap na siya ng yaya tutal ay sapat naman ang perang iniwan sa kanya ni Ate Shalani. Ang mga properties naman nito ay inangkin lahat ng iresponsableng ama nito na nang-iwan noon, na naging dahilan kaya naging bahagi ng buhay ng ama niya ang mag-inang Carolina at Shalani. At ngayong may makukuha ng pakinabang sa namatay na anak ang iresponsableng ama ay saka iyon nagpakita—dalawang linggo matapos ang libing ni Ate Shalani. May kutob siyang matagal na nitong hinuhuthutan ang anak.

EX (PREVIEW ONLY)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon