A Wolf's Love To The Moon
by MeasMrNiceGuy/MysteriousCharm27Kabanata Siyete: Ang mga Tagapagbantay
SA ISANG bayan ay pupunta si Selena upang hanapin si Lovell. Hindi pa man siya nakakahakbang ay may lumitaw na limang kakaiba na namang nilalang na may mga hawak na kakaibang sandatang pamilyar sa kaniya. Ito ay hugis-kidlat na sandata. Sa unahan ay isang hindi pamilyar na hitsura na naman ang nagsalita at sinambit ang kaniyang pangalan.
"Diyosang Selena. Ikinagagalak ka naming makadaupang-palad! Ako nga pala si Galaxia, kaliwang kamay ni Panginoong Tore, mula sa mundo ng Bolta."
Hindi sumagot si Selena, patuloy lang niyang pinagmamasdan ang limang nilalang na nasa kaniyang harapan. Nakipagtitigan ang kanyang mga mata sa nilalang na panay ang bigkas ng mga salita sa harap niya.
Hindi naman napigilan ni Galaxia ang kaniyang naramdaman na pagka-inis. Para sa kaniya ay isang insulto iyon at napahiya siya sa pagsasawalang-kibo ni Selena.
Ang hindi alam ni Galaxia ay sadyang nag-iisip at naguguluhan si Selena sa mga nangyayari mula nang siya ay bumaba sa lupa nang mga oras na iyon.
Naningkit naman ang mga mata ni Galaxia at inalala ang pait at galit na nadarama ng kaniyang puso dahil kay Selena.
*****
“Ayos lang po ba ang iyong kalagayan, Panginoong Tore?” nag-aalalang tanong ni Galaxia.
Lumingon lamang si Tore sa kaniya, ngunit bumalik din agad ang paningin nito sa buwan.
“Si Selena na naman po ba ang nasa isipan mo?”
Hindi pa rin sumagot si Tore sa kaniya. Titig na titig pa rin ito sa buwan. Malungkot ang mga mata niya. Ngunit hindi tumigil si Galaxia para pansinin siya nito.
“Panginoong Tore, ako ang iyong kaliwang kamay. Ako ang isa sa pinagkakatiwalaan mo sa lahat. Maaari mong sabihin sa akin ang nararamdaman ng iyong puso o kung ano man ang sumasagi sa iyong isipan. Maaaring makatulong ako sa ‘yo,” patuloy na wika ni Galaxia at hinawakan niya ang balikat ni Tore. Mabilis na lumingon si Tore sa kaniya pero matatalim na tingin ang iginanti nito sa kaniya.
“Sinong nagsabi sa ‘yo na kailangan ko ang tulong mo pagdating sa aking nararamdaman? At wala kang karapatang hawakan ang anumang parte ng aking katawan, Galaxia! Totoong ikaw ang aking kaliwang kamay, pero ‘wag mong kalimutan na ikaw pa rin ay isang alagad. Isa sa aking mga alagad! Matuto kang lumagay sa dapat mong kalagyan dito sa aking kaharian!”
Huminto ang tibok ng puso ni Galaxia sa mga nasambit ni Tore sa kaniya. Nanginginig ang kaniyang kamay habang tinatanggal niya ito sa balikat ni Tore. Gustong lumuha ng kaniyang mga mata, ngunit pinigilan niya lamang ito. Agad siyang tunalikod sa pinuno ng Bolta.
“Huwag mong pasukin ang pribadong buhay ko, Galaxia. Kung ano lamang ang aking utos sa ‘yo, iyon lamang ang susundin mo. Manahimik ka na lang habang wala akong pinapagawa sa ‘yo na trabaho. Umalis ka na rito at iwan akong mag-isa. Ayoko ng istorbo habang nag-iisip ako. Alis!” sigaw ni Tore.
Napaurong ang mga paa ni Galaxia. Sinakmal niya ang kaniyang mga palad. Bumagsak na rin ang mga luhang naipon kanina pa sa kaniyang mga mata. Wala siyang pakialam kung umagos na ito sa kaniyang pisngi. Mabilis niyang nilisan ang silid ng ToreBabel at matulin na tumakbo palayo sa lugar na kinaroroonan ng iniibig niya.
Ang hindi alam ni Galaxia, alam at ramdam ni Tore ang pag-ibig nito para sa kaniya. Sinasadyang saktan ni Tore ang damdamin niya upang ito ay hindi na umasa pa.
Iisa lamang ang tinitibok ng puso ni Tore--- si Selena. Walang sino man ang makahihigit kay Selena sa kaniyang puso.
Dumiretso si Galaxia sa isa sa mga silid ng ToreBabel. Tinunton niya ang kaniyang pahingahan at doon siya nagmukmok.
BINABASA MO ANG
A Wolf's Love To The Moon
Fantasy"Dumaan man ang napakahabang panahon, makakalimot ba ang puso sa taong kay tagal nitong pinanabikan at hinintay?" A Wolf's Love To The Moon is a collaboration novel written by MeasMrNiceGuy and MysteriousCharm27