Chapter 19: The Stranger Turned to a Private Tuitor

1.5K 15 1
                                    

0MG! What to do? Epal pa kasi eh. Ako na nga yung pinapagalitan sumabat pa. Pano na yan. Pano na ko kapag nawala sya. T.T

Biglang sumabat si Kisha.

"Pero Dadi! Ako naman yung may kasalanan. Wala po syang kasalanan. Wala nga syang kaalam alam na. . . ."

"STOP! Sinabi nang ayokong marinig ang paliwanag mo diba? At isa pa, akala mo ba nakaligtas ka na? Eto tandaan mo! Kapag may binagsak ka kahit isang subject, ipapadala kita sa America. Dun ka nalang mag-aral. Para wala ng mapintas pa ang ibang tao sakin. Mabawas-bawasan ang problema ko."

"Fine. Pero pano kung wala akong failing grades? Pano kung lahat maipasa ko?"

"Edi maganda. Yun ay kung magagawa mo. But I doubt. P.E. na nga lang last year binagsak mo pa. Pano tamad kang pumasok."

"I said what if maipasa ko lahat ng subjects ko.?"

0.0

"Ok! Kapag naipasa mo lahat, I will give you what you want!"

"Ok. Dare! Kapag may binagsak ako kahit isang subject, patapon mo na ko kahit san mo pa gusto. But! Kapag wala akong binagsak na subject, kapag lahat naipasa ko, mananatili ako dito. . . . . .

At mananatiling bodyguard ko si Randel."

Napatitig si Randel kay kisha.

Tama ba tong naririnig ko? Gusto nya na manatili akong bodyguard? Nya? Mag aaral sya ng mabuti para manatili akong bodyguard? Nya?

Si Mayor naman sandaling napatingin kay Randel ngunit binaling muli ang paningin kay Kisha.

"You mean? Hindi ko pa pwedeng tanggalin si Ramirez hanggat hindi natin nalalaman ang resulta ng mga grades mo?"

"Yes Dad!"

"Hmm. Fine! I said I will give you what you want. Sige! Pareho ko kayong bibigyan ng second chance. Pero goodluck na lang sa inyong dalawa! For the meantime I want the two of you to get out of my room. Bago pa magbago ang isip ko."

At nagmadali ngang lumabas ang dalawa.

Paglabas ng pinto biglang hinga ng malalim ni Randel habang nakahawak ang isang kamay sa may bandang puso.

"Haaay! Grabe pala yung dadi mo kapag nagalit. Nakakatakot. Parang malalaglag yung puso ko kanina. Ni hindi nga ko makahinga ng ayos."

"Ssssh. Wag ka maingay baka marinig ka pa nun. Sanay na ko dun. Araw-araw ganun yun sakin."

"Sanay daw kaya pala kung makaiyak ka wagas!"

"lol."

"Anong lol ka dyan." sabay batok kay kisha.

"Aray ha! Napakamakaluma moh! Lol di mo alam? Laugh out loud!" sabay ganti ng kurot si Kisha sa tagiliran ni Randel.

Sa sobrang sakit ay napahiyaw si Randel.

"ArAaAaAaAaAay!"

"Sssh! Wag kang maingay!"

Pero huli na ang lahat. Biglang nag unahan sa pagbaba ang dalawa ng marinig nila ang sigaw ni mayor.

"Kisha!!!!!!!!!"

Pagkababa ng hagdanan. Nagkatinginan ang dalawa at sabay na tumawa. ^_^

"Haha. Tara?" pag-aaya ni Kisha.

The Princess and The Stranger (Romantic Comedy Novel) ℐ.ℳ.ℬ - OnGoingTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon