Chapter 3: The Stranger Turned to a Royal Knight

2.7K 28 7
                                    

Naimbitahan si Mayor Tan sa kabilang bayan para maging guest speaker nito sa kanilang festival. Actually, proxy lang siya ng kanyang ama na gobernador. Pinababango na nila ang pangalan ni Mayor sa buong lalawigan dahil siya ang magiging manok ng pamilya sa susunod na halalan sa pagka-Gobernador ng lalawigan.

-Sa Festival-

Naglalakad-lakad at nagpapatrol ang tatlong bodyguard ni Mayor ng may isang morena, sexy at kaakit-akit na babae ang tumawag sa kanila.

“Pwede ba kong makipagkilala sa inyo?”, pang-aakit ng dalaga.

"Wow. Mga tol, chicks...!" at Tuluyan ng nalimutan ng tatlo ang kanilang trabaho at nag-unahan pa sa pag-entertain sa magandang dalaga.

Di kalayuan ay nakaupo si Mayor Tan at namimilipit dahil ihing-ihi na dala siguro ng kaba. “Nasan na ba yung tatlong yun?”, tanong niya sa sarili.

‘Di na nakapagpigil ang alkalde at mag-isa na lamang pumunta sa C.R. Akma ng papasok ang alkalde sa C.R. ng may tatlong lalaki ang humarang sa kanya.

Ang isa ay mataba, ang isa ay payat at ang isa naman ay pandak. Hindi mo mamumukaan ang tatlo dahil lahat ay nakatakip ang ulo ng isang itim na tela at mata lamang ang may butas.

“Matagal naming hinintay ang pagkakataong ito Mayor.hahaha”, pagbati ng mataba.

“Sino ba kayo? Te… tek.. teka lang. Ano bang atraso ko sa inyo?”

Sumabat ang pandak. “Wala kaso isang Milyon……. awww.”

Sabay batok sa kanya ng payat at sumabat, “Malaki Mayor! At magbabayad ka ngayon.”

Akmang tatakbo na si Mayor ng hinawakan siya ng dalawang lalaki sa magkabilang braso.

“Tu.. tut… tulong. tulungan nyo ko.” sigaw ng alkalde na mangiyak-ngiyak sa takot.

“Kahit mawalan ka pa ng boses kakasigaw, walang makakarinig sa’yo dahil tayo lang ang tao dito.hahaha” pananakot ng mataba.

“Bitiwan nyo siya!” isang binata ang lumabas mula sa C.R.

 Binitiwan nila ang Mayor at agad itong tumakbo sa likuran ng binata na parang bata.

“Teka sino ka ba ha?” tanong ng payat.

The Princess and The Stranger (Romantic Comedy Novel) ℐ.ℳ.ℬ - OnGoingTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon