Chapter 20: Operation Study Hard Part 1

1.5K 11 1
                                    

"ASAAARR! Bwiset na Randel yun. Hindi ako ginising. Nasayang yung isang gabi ng pag-aaral ko! I hate him. Sinasabi ko na eh. Hindi dapat ako nagtiwala dun. Wala talaga syang balak na tulungan ako, sisirain nya yung mga plano para tuluyan na kong patapon ni Dadi sa states. Para hindi ko na makita si forever crush ko. Hindi kita mapapatawad! NEVEEER!!"


Biglang may kumatok sa pintuan.

TOK TOK TOK

Hindi sumagot ang prinsesa at nagkunwaring tulog pa.

"Lady Kisha?" Tulog ka pa ba?"


Aba! Napasarap ata tulog nitong babaeng toh ah. Anong petsa na.


Hindi na nakatiis si Randel at binuksan na nga ang pintuan. Nakita nya si Kisha na nakahiga pa sa kama at nakaharap sa kabilang side.

Nilapitan nya ito para gisingin. Nang hahawakan na nya si Kisha sa balikat ay nagulat sya ng bigla itong humarap sa kanya sabay kurot ni Kisha sa tagiliran ni Randel.

"Araaay! Aw! Aw! Bakit ba? Bitawan mo ko masakit."


"Ah masakit ba? Gusto mo mas masakit? Oh eto!"


"Aww! Awwts! Teka Teka wala naman akong ginawang masama sayo, para hahawakan ka lang sa balikat eh. Tama na masakit. AraAy!."


"Ah! Nagmamaang maangan ka pa ha! Akala mo hindi ko alam yung plano mo!"


"Aray! A. . .Ano bang plano pinagsasasabi mo?"


"Plano mo na sirain ang mga plano ko. Na guluhin ang pag-aaral ko. Para mapatapon na ko ni dadi sa states. Para hindi ko na makita ang forever crush ko. Siguro inutusan ka ni dadi noh. Magkano binayad nya sayo? Huh?" sabay diin pa ng kurot kay Randel.

"AraaAayy! Ano na naman bang pinagsasasabi mo dyan! Wala akong intesyon na sumira sa usapan natin noh. Awww!" mangiyak ngiyak na si Randel sa sakit.

"Truly? Kaya pala hindi mo ko ginising kagabi! Alam ko dumating ka. Sabi mo kasi babalik ka. At ang pagkakaalala ko sa table ako nakatulog pero gumising ako sa kama. So it means dumating ka nga at alam mong nakatulog ako pero instead na gisingin mo ko eh hinayaan mo pa kong matulog! Sinayang mo yung gabi na dapat nakapag-aral pa ko. Gets mo?!" sabay diin pa sa pagkakakurot kay Randel.

"AwwWw! Oo na. Eh ano naman kung hinayaan kitang matulog kagabi eh buong araw naman tayong mag-aaral ngayon. Pasalamat ka pa nga dapat eh. AraaAy!!"

"What do you mean? Buong araw?"

"Hello? Sabado kaya ngayon! Wala kang pasok!"

Dito lang bumitaw sa pagkakakurot ang dalaga at namula dala na siguro ng pagkapahiya kay Randel.

The Princess and The Stranger (Romantic Comedy Novel) ℐ.ℳ.ℬ - OnGoingTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon