Chapter 4

1K 68 2
                                    


"WHAT are you doing?" Naka-kunot-nuong tanong niya kay Dale ng mapansing nakasunod ito sa kanya papunta sa elevator.

"Sasama." Tipid sagot nito.

Napakamot siya sa kanyang kaliwang kilay at matamang tumitig dito.

"Look Miss Cu…"

"Dale." Sabat nito.

"Okay Dale. Hindi ka pwedeng bumuntot ng bumuntot sa akin lagi. See, I am a busy person. May mas mahahalagang bagay akong dapat unahin at pagtuunan ng pansin." Paliwanag niya.

"Paano ang napag-usapan natin?" Tanong nito.

"I'll talk my secretary first for my schedule." Nakangiting sagot niya.

"Secretary? Schedule? Para saan naman ang mga iyon?" Naguguluhang tanong nito.

Napangisi siya.

"As I said, I am a busy person. My time is precious. Ayaw kong nagsasayang ng oras lalo na kapag hindi makabuluhan. Yeah? So bye." paalam niya sa kupidong nakatanga pa rin.

Hahakbang na sana siya papasok ng elevator ng hilain nito ang suot na damit mula sa kanyang likod.

"Teka nga, iniisahan mo ba ako? Baka nakakalimutan mong na kung…"

"Nasaan ako naroon din ka." Pagtatapos niya sa paulit-ulit nitong pinapaalala sa kanya.

"Alam mo naman pala eh. So tara na baka malate pa tayo." May malapad na ngiting sabi nito.

Nauna pa itong naglakad kaysa sa kanya. Pinandilatan pa siya nito ng mga mata ng hindi pa siya gumalaw para pumasok na rin sa loob ng elevator.

Tsk! Ibang klase..

Pakiramdam niya ito na ang simula ng pagkasira ng araw niya at sa mga susunod pa na mga araw.

"Alam mo Miss Kupido hindi mo kailangang sumama pa sa opisina ko. Bumalik ka nalang sa unit ko at hintayin ako para hindi ka mapagod." Sabi niya nang sumara ang elevator.

Stupid Cupid (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon