Chapter 17

923 63 4
                                    


Pa-epz si Totz!

Naligaw din ako sa wakas dito. Tinopaks cp ko pati ako nagkatopak na rin.

Pagpasensyahan niyo na mga mali-mali ko. Alam niyo naman ang bobo ko lang talaga.

Saka nagkasakit din ako kaya mas lalo akong natagalan. I hope magustuhan niyo ang nakayanan ko.  Salamat pong muli.









"I'M crazy Dale! Damn you cupid! Why so stupid?!"

Nanlaki ang mga mga niya ng bigla nalang nitong sakupin ang mga labi niya.

Para na siyang maduduling sa pagtitig dito habang magkahinang ang mga labi nila. Nakapikit ito samantalang bukas naman ang sa kanya.

Hindi niya alam kung ilang minuto ba nagtagal na magkadikit ang mga labi nila basta ang alam lang niya at naghahabol siya ng hininga.

Tulala pa rin siya habang nakatitig dito. Malakas ang pagtambol sa dibdib niya. Pakiramdam niya lalabas na ang puso niya.

"Now tell me Dale what's wrong with me?" Tanong nito habang matamang nakatitig sa kanyang mga mata.

Hindi pa rin siya nito binibitawan kaya mas lalong nagwawala ang puso niya sa pagkakalapit nilang dalawa.

Gustuhin man niyang umiwas ngunit parang nakadikit na ang paningin niya sa binata.

"A …anong giginawa mo?" Nauutal na tanong niya sa binata.

Nginisihan lang siya nito bago muling sakupin ang labi niya sa ikalawang pagkakataon. Mas dumoble ang pagkabog ng dibdib na halos hindi na siya makahinga.

Unting-unti pumikit ang kanyang mga mata at hinayaan niyang namnamin ang halik na iginagawad nito sa kanya.

"Dale…"

Nagmulat siya ng mga mata at sumalubong sa kanyang paningin ang nakangiting mukha ng binata.

"Edward…"

Medyo lumayo ito ng konti sa kanya. Ngunit naguluhan siya ng hawakan nito ang kanang kamay niya at dalhin sa dibdib nito.

Napatanga siya dito.

"Did you feel it Dale?" Tanong nito habang matamang nakatitig sa kanyang mga mata.

Wala sa sariling napatango siya.

Niyakap siya nito at buong pusong tinugon ang yakap ng binata.

Unti-unting gumuhit ang ngiti sa kanyang labi. Pakiramdam niya para siyang lumulutang sa alapaap.

"D..dale we're flying??"

Agad siyang napabitaw ng yakap dito.

Stupid Cupid (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon