Chapter 6

930 68 6
                                    

PARANG gusto niyang singhalan ang babaing katabi dahil sa ginagawa nitong pagkalabit sa kanya.

"Ano na naman?" May pagtitimping tanong muli niya.

Kanina pa siya nito kinukulit mula nang dumating sila dito sa restaurant para makipagkita siya sa kanyang kliyente.

"Tignan mo 'yong bagong dating." Turo nito sa kakapasok lang na babae. "Ang ganda niya noh?" Dagdag nito.

"Will you shut your mouth woman? Can't you see I'm working?" Mariing sabi niya dito.

Tumingin naman ito sa kausap niyang hapon na para bang ngayon lang nito napansin.

Nakita niyang tumango-tango pa ito bago muling bumaling sa kanya.

"Bakit? Kausap ko ba siya? Mister ngayon ang simula ng paghahanap natin ng the one mo. Pakial…"

Agad niyang tinakpan ang bibig nito bago pa nito tapusin ang sinasabi nito. Nakakaintindi ng Tagalog ang hapon na kausap niya at ayaw niya ng gulo.

"Dale…" may pagbabanta sa boses niya.

"Are you sure she isn't your girlfriend Mr. Co?"

Napatingin siya sa nagsalita. May panunudyo ang tingin nito sa kanila ng dalaga.

Binitawan niya si Dale at umayos ng upo.

"Yeah. So back to our conv…"

"You look good together." Sabat muli ng hapon.

"She's just my personal assistant and…" pasimpleng tumingin siya sa dalagang may pagkainis ang mukha. "and nothing…"

"Hoy Edward kapag hindi ka pa nakipag-cooperate sa akin pepestehin ko ang buong linggo mo!" Sabat naman ni Dale sa kanya.

"I'm working." Mariing sabi niya sa dalaga. Inilapit niya ang tenga niya dito. "This cost million dollars woman. If you don't want me to send you in heaven in an instance better shut your mouth first."

Tinaasan siya nito ng isang kilay at lumayo ng konti sa kanya.

"And so? Nagtatrabaho din naman ako para sayo!" Mataray na sabi nito.

Pakiramdam niya tumataas ang presyon niya dahil dito. Bakit nga ba niya ito isinama? Dahil ba lagi nitong sinasabi sa kanya ang paborito nitong dialogue na kung saan saw siya, naroon din daw ito.

Stupid Cupid (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon