Chapter 14

892 67 14
                                    

"SO how's the girlfriend?"

Natigilan siya sa kanyang ginagawa ng may magsalita mula sa kanyang likuran.

Tumayo siya mula sa kanyang pagkakaupo dahil pakiramdam niya minamaliit siya nito sa uri ng tingin na ibinabato nito sa kanya.

"Happy." Nakangising sagot niya.

Mula sa sulok ng kanyang mga mata ay kitang-kita niya ang pananahimik ng mga kasamahan niya habang nakatingin sa kanila.

"Bitch! Just enjoy your moment being with him... you will never know when it last. He's mine from the very start and he will be back in my arms begging and kissing my ass." Mataray na sabi nito.

Sinadya niyang tumawa bilang pang-aasar kahit na gustong-gusto na niya itong sapakin. Hindi na ito nadala sa ginawa nilang dalawa ni Dale dito noong huling kita niya dito.

Mukhang napikon ito sa ginawa niyang pagtawa. Akmang sasampalin siya nito ng maagap niyang sinalag.

"Bitch! Don't you know me?! I can ruin your life! Stay away from Edward! I'm Suzy Hidalgo the daughter of..."

"Ala akong pake bitch!" Sabat niya sa babae.

"Kristina!"

Napalingon siya sa tumawag ng kanyang pangalan. Sa pangatlong pagkakataon ay naligaw muli ito dito.

"Baby buti nandito ka na. She's insulting me baby. Did you heard what she said? I'm bitch daw? Baby please huwag mo na siyang paasahin..." sumbong ni Suzy dito.

Nakaramdam siya ng kirot sa huling salitang binanggit nito. Madalas ganoon ang nararamdaman niya, umaasa sa binata.

"You're bitch Suzy so what's the problem with that? And what the heck are you doing here?" Galit sabi ni Edward sabay lapit sa tabi niya. "Are you okay? Did she hurt you again?" Nag-aalalang tanong naman nito sa kanya.

"Okay lang ako." Sagot niya sa binata.

"Ganoon ba ang tingin mo sa akin Edward?!" Singit ni Suzy.

"Shut up Suzy just leave this office." Mariing sabi ni Edward dito.

Stupid Cupid (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon