Chapter 22 - Visitor

37.3K 693 17
                                    

POV Ruri


Sa loob ng ilang buwan, masaya kami naninirahan dito ni Rafael sa mansion ni Big Boss sa Baguio City. Tahimik dito dahil malapit sa bundok at may malawak na garden.

Katatapos lang namin mag lunch ni Rafael nang biglang may mag doorbell. Rafael frowned at me dahil wala siyang ineexpect na bisita. Tulad ng bahay ni Rafael sa Manila, nilagyan niya ng state-of-the-art security system ang buong property. Ginamit niya ang phone niya para makita sa security camera kung sino ang nag doorbell.


"Rafael, sinong bisita mo?"

"Si Nika ang nasa labas. Anong ginagawa niyo dito? May schedule siya with Hunter for food tasting para sa kasal nila."

"Baka may LQ sila ni Hunter?" nakangiti kong sagot sa kanya.


Lumabas si Rafael at sumunod sa kanya ang aso na si Copper para salubungin si Nika. Mukhang biglaan ang pagpunta niya dito dahil wala siyang kahit anong dala na bag or pasalubong. Madalas kasi may pasalubong ako kay Nika pag pinupuntahan niya ko dito.


"I missed you, Ruri. Kamusta ang baby boy ko?" sabi niya sabay halik sa pisngi ko at haplos sa tiyan ko.

"Sobrang lakas na sumipa. Hindi niya nga ko pinapatulog madalas."

"Nika, I don't mean to sound rude, pero bakit ka nandito? Alam ba ni Hunter na nandito ka?" seryosong tanong ni Rafael as he motioned us to go to the living room.

"He does not know that I am here. Tumakas talaga ko sa kanya. Ayoko makita ang pagmumukha ng kupal na yun. Do you know na nabuntis niya yung manager niya?" tanong sa akin ni Nika habang nakaupo kami sa sofa.

"Nabuntis niya si Davien?" natatawa ko na tanong sa kanya.

"Kung di ka lang buntis, sinabunutan na kita. Rafael, did you already tell her about that ugly looking ogre? Yung malandi at karengkeng na babae na inakit si Hunter kahit may lagnat?"


Tumango lang si Rafael kay Nika. Nabanggit na nga ni Rafael ang tungkol sa ang ex-manager ni Hunter na si Reese Salvacion. She is claiming to be pregnant at si Hunter ang ama.


"I am asking you, Nika. Why are you here?" tanong uli ni Rafael in his serious tone.


Sabagay, bago ko naging asawa si Rafael, palagi siyang seryoso. May mga times nga noon na natatakot ako sa kanya dahil parang kakainin niya ko ng buhay.


"Rafael, ikaw ba ang buntis or Ruri? Bakit ang sungit mo na naman?" naiiyak na sabi ni Nika.


Inirapan ko lang si Rafael dahil obvious na may problema si Nika kaya nandito siya, pero masungit pa din ang approach niya. I bet dahil ito sa isang lalaki at itago natin ito sa pangalan na Hunter Robson.


"Hindi naman sa ganun. Hunter will be worried dahil bigla ka nawala ng di nagpaalam. You are a fucking royalty now and a fiancee of a celebrity. Lahat ng kilos mo ay bantay sarado ng mga tao," mahinahon na paliwanag ni Rafael.

"Nika, ano ba kasi ang problema? Ano maitutulong namin ni Rafael sayo?"


Biglang humagulgol ng iyak si Nika at yumakap sa akin. Veronika is a strong willed woman. Ngayon ko lang nakita ang babae na ito na umiiyak.


"Ruri, anong gagawin ko? Buntis si Reese at si Hunter ang ama?"


My eyes widened as I looked at Rafael. He just flashed his devilishly handsome smile. Kung wala si Nika dito, baka kung saan na naman nauwi ang ngiti na yun.

Mukhang may idea na rin ako sa mga nangyayari kung bakit andito si Nika. Bago umalis si Davien papuntang Maldives, kinausap nila si Reese at dinala sa isang doctor. It is true na nagkaroon ng delayed menstruation si Reese, pero hindi dahil sa pregnancy kundi dahil sa irregularity with her thyroid gland. She is not pregnant and Nika does not have any idea about it.


"What do you mean si Hunter ang ama?" tanong ko kay Nika habang yakap ko siya.


Si Rafael naman ay mukhang nag-eenjoy sa mga nangyayari. Kung tama ang hinala ko, hindi sinabi ni Davien at Hunter kay Nika na hindi totoong buntis si Reese.


"They went to the doctor a few days ago para ipacheck-up si Reese. After that, hindi na sa bahay umuuwi si Hunter. We are meeting our wedding coordinator from time to time, pero iniiwasan niya ko! It only means na buntis si Reese!"

"Calm down, Nika. Baka naman busy lang si Hunter? Celebrity siya di ba?"

"I asked him about Reese pero di niya ko sinasagot. Araw araw ko siya kinukulit kung anong sabi ng doctor, but he is not saying anything. Buntis si Reese, anong gagawin ko Ruri?"


Sabi ni Nika noon, si Rafael ang first love niya pero alam ko na iba ang pagtingin niya kay Hunter. Special lang siguro sa kanya si Rafael dahil tinuturing siya nito bilang isang nakababatang kapatid.


"Panget ba ko Ruri? Nakakasuklam ba ang hitsura ko?"

"What? No! You are pretty and sexy. You may be a bitch, but you are beautiful."

"Rafael rejected me. Big Boss does not want to marry me. At ngayon, nahulog na ako sa isang tarantadong tulad ni Hunter, saka ko malalaman na nakabuntis ang kiking-inang lalaki na yun!"

"Ssshhh. Wag ka na umiyak. Halika sa dining room. Tikman mo yung cake na binake ko para di ka na malungkot."


Rafael is silently laughing. Alam namin pareho na pinagtitripan ni Hunter at Davien si Nika dahil hindi nila sinabi ang tunay na kalagayan ni Reese.

F5 - The Official F Buddy | Hunter and VeronikaTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon