Chapter 6 : Bow and Arrow
Jeena's POV
Nakakainis. Naiinis ako sa sarili ko. Sino ba namang tanga ang biglaang umakyat sa puno without even thinking kung paano siya mapapatay? Ako lang ata ang papatay ng walang kahit anong armas. Hindi na talaga ako nagiisip. Nang nakarating ako sa puno nang hindi nya napapansin ay nagsimula na akong umakyat. Well, frustragted action star na ako mula pa lang bata. I even idolized Cat woman! At mukhang ito na ang una kong paglabas sa pelikula. Huwag nga lang sana magaya sa ibang bida na namamatay agad. Gosh. Ano ba naman itong naiisip ko?
Ang naabutan ko pagakyat ay ang katawan niya na nakatayo ng pwesto habang hawak ang bow at matalim na nasa konsentrasyon sa palasong handa na niyang bitawan. Mukhang sa sobrang focus nya ay hindi na niya ako naramdaman pa. Agad akong tumakbo at inagaw ang palaso at tinapon iyon sa ibaba.
"Hell! Who are you?" Iyon agad ang sinalubong nya sa akin habang napatahimik ako sa aking pwesto. Isa siyang estudyante ng Empire High!
"I'm nobody!" At agad ko siyang sinugod. Ingat na ingat din ako sa pagapak dahil pansin ko ang kaunting lumot sa sangang aming pinagtatayuan. Agad kong hinila ang braso niya pero mabilis niya itong sinalag at agad akong sinuntok sa sikmura.
"Sht!" ramdam ko ang dugo sa aking bibig. Sht lang! Tatayo na sana ako pero napaluhod pa muli ako nang agad niyang sipain ang tagiliran ko. Pinilit kong bumangon pero nakasalubong ko ang isang suntok sa panga. Agad naman akong bumawi ng sipa na tinamaan siya sab inti pero sa tikas ng katawan niya. Ni hindi ko man lang siya maiwala sa kanyang balance. Mukhang ako ang talo sa laban na ito. Nakakainis. Basic martial arts lang ang alam ko, hindi patayan!
Bumawi agad ako muli ng isa pang sipa pero nagulat ako ng bigla niyang hinila ang aking binti at hinaklit niya ako pababa. Sht! Nasa ibabaw ko siya at maaari akong mahulog dahil pilit niya akong inihuhulog. Marahas kong hinaklit lalo ang damit niya at agad kong pinagiba ang pwesto namin. Pilit siyang nanlalaban kaya naman buong lakas ko na siyang idiniin sa sanga. Pero natigil ako nang may maramdaman na lang akong sakit sa tagiliran ko. Nahawakan ko pa iyon saglit at takot agad ang rumehistro sa utak ko. Dugo. Napatingin ako sa kanya at isang ngiting demonyo ang nakita ko habang hawak niya ang isang palaso. Hindi ito pwede. Kailangan kong iligtas si Fuschia. Napatindig ako habang hawak ko ngayon ang tagiliran ko na tuloy lang ang pagdugo. Agad akong bumangon kahit masakit pero laking gulat ko na lang nang makita kong may hawak na itong baril at nakatutok sa akin. Saan nanggaling iyon?
"Pakielamera ka." Saad niya sa akin. Katapusan ko na ba ito? If it happens, okay lang sa akin dahil kahit paano nagawa kong protektahan si Fuschia. At least, kahit minsan naging isang Guardian ako sa kanya.
"Tapos na sana ako sa trabaho ko kanina pa. Ayoko ng pakielamera." At kasabay ng pagkarinig ko sa kasa niya ay ang pagpikit ko. At sa sobrang takot ko na matapos sa ganitong sitwasyon ay napaluha na lang ako kasabay ng pagkarinig ko ng putok ng baril.
BINABASA MO ANG
EMPIRE HIGH
Mystery / ThrillerEmpire High was built for the Empire Society: Reapers, Gangsters, Assassins and Mafias. And as the classes starts, a nerd girl named Fuschia will enroll. A lady who has the key of secret about Three Personas; The Legendary Gang Leader, The Queen and...