~120k + reads
Chapter 31: Giver and Receiver
Jeena's POV
Isang araw na ang nakalipas. At simula noon, nangyari ang hiniling niya sa akin. I'm now out of their life.
"Have you seen it girls?"
"Kayaaah! Ang gwapo ni Armour!"
"OMG! Bagay sila ni Empress!"
Napantig ang tainga ko sa narinig ko. Armour and Empress? Agad akong napaupo sa isa sa mga upuan sa cafeteria at binuksan ang isang Gossip Site ng eskwelahang ito. A site for an exclusive news and rumors covered worldwide.
Napataas naman bigla ang aking kilay nang makita ko ang isang picture. Empress and Armour's cover. Magkaharap at parehong lumuluha. Is this good or bad? Mukhang parehas.
"OMG! Ayan na ang The Royals at si Miss Fuschia!"
"Kayaaah! Si Empress lang talaga ang kulang!""Nerd na pacool? Eeew."
Rinig kong bulungan, pasalamat sila at malayo sila kaya hindi nila iyon narinig. Pero may isang hindi tumakas sa paningin ni Fuschia. Ako.
Nakatitig siya sa akin habang naglalakad, hindi ko maiwasang kilabutan sa tingin niya lalo na nang bigla siyang ngumiti. Oh hell, she creeps me out.
Ms. A's POV (refer to Chapter 29)
"You're such a good brat in hide and seek!" puna sa akin ng isang taong tumutulong ngayon sa plano ko.
Hide and seek? Laro iyan ng mga bata at doon ako magaling. Hide the truth and seek for justice. Simpleng napalingon ako sa katabi kong manika. Masasabi kong umaayon ngayon sa akin ang lahat.
Hanapin man niya ako ay mahihirapan siya sigurado. Hindi madaling mahanap ang isang tao lalo na kung nagtatago. And that's me, the living proof.
Ethan's POV
Madaming namamatay sa akala. Buti na lang at hanggang ngayon ay buhay pa ako. Alam ko na siya pa rin ang laman ng puso ni Fuschia pero sa hawak kong bagay ngayon, malabong hindi magkatuluyan ang dalawang ito. At ako? Hindi ko na alam kung saan pa ako lulugar.
Kung sakali bang malaman niya ang ginawa ko para sa kanya, mamahalin niya din ako? Kung sabihin ko bang ako dapat at hindi siya ang nakilala niya noon, may magbabago kaya? Paano kung sabihin ko ang lahat ng katotohanan? But damn. I know na wala din akong pagasa.
Mananatili na lang rin ako paulit ulit sa kanyang tabi at pagmamasdan sa malayo tulad ng ginagawa ko ngayon.
Pero sana sa mga gagawin ko simula bukas ay sana hayaan niya ako.
Klaio Satara's POV
"Fuschia. Want to explain something?" asar na tanong bigla ni Lexine kay Fuschia.
BINABASA MO ANG
EMPIRE HIGH
Mystery / ThrillerEmpire High was built for the Empire Society: Reapers, Gangsters, Assassins and Mafias. And as the classes starts, a nerd girl named Fuschia will enroll. A lady who has the key of secret about Three Personas; The Legendary Gang Leader, The Queen and...