To Chase

6 0 0
                                    

One word, Seven letters. Hear him and you'll scream.

Blood and Scars : Hunyo, 2012.

Everything is black. Umuulan noon. May bagyo siguro? Naupo ako sa isang benches sa covered court at tiningnan ang munti munting itim na tumalsik sa aking puting medyas. Maingay dahil sa lakas ng ulan. Iyon lang ang naririnig dahil sa malakas na pagbagsak nito sa bubong ng covered court ng St. Thomas Aquinas.

Sumasabog ang buhok ko na madalas na nagpapairita sa akin. Samahan mo pa ng malakas na kulog at malakas na ulan. Dapat kasi ay hindi na ako dumaan doon! Kalandian nga naman...

"Eh ako naman kasi eh! Sa sobrang gusto mong makita si Edward ay susubukin mo lahat ng putik!!" Para akong baliw na kinakausap ang sarili ko at pinapagpag ang natuyong talsik sa laylayan ng aking skirt.

Malabo na ang mga mata ko sa sobrang panlalamig.

"Hey Ingrid! Going home?" Bati sa akin ni Doncha habang naglalakad ako palabas ng School. Nakakotse siya at nakababa ang bintana.

"Oo sana, pero papatila pa akong ulan!" Sigaw ko dahil hindi na masiyadong magkarinigan sa sobrang lakas ng buhos ng ulan.

"What? Sabay ka na sa akin!" Aniya at nakita ko ang pagkislap ng relo niya sa kaniyang kamao.

No way! Alam ko ang halukay ng bituka ng isang 'to eh? Hindi siya titigil hangga't di niya ako naiuuwi sa bahay nila.

"Uh! Hindi na! Baka itext ko na lang ang Daddy ko para magpasundo!" Sigaw ko pa. Nagkibit balikat itong si Doncha at humarurot na.

Napailing ako at naupo sa isang waiting shed malapit sa school. Pinagmasdan ko ang mga estudyanteng nagtatampisaw at nagbabasaan gamit ang tubig ulan. They look so happy. Natawa ako nang tuluyan na silang nadapa sa putik.

"They say that rain is a very romantic moment.." Nagulat ako nang may nagsalita sa tabi ko. Ang magulo niyang buhok ang sumalubong sa akin. Mapupula ang mga mata niya at mga ilong. "But it's not. Hindi talaga.. Umiiyak ang langit. Umiiyak ang Diyos, paanong magiging romantic iyon?" Aniya at ngumiti sa akin.

"Uh? Kasi baka umiiyak dahil sa saya?" Tanga kong sagot. Lumitaw ang dimples niya.

"Hindi totoo ang tears of joy. Ang mga taong umiiyak ay iyong mga nalulungkot lang. Hindi lalabas ang luha kung masaya ka.." Aniya at iniwan na ako.

Damn that boy! Ang hilig mambitin! Pero worth it ang paghihintay ko rito dahil nakausap ko siya.

Edward Atayde. The handsome and good looking boy from the Star Section! Gwapo, matalino, masipag, may direksyon sa buhay at mabait! His unique principles makes him more attractive. Iyong ang sarap gustuhin, ang sarap mahulog, ang sarap mahalin. Kung may salitang perfect ay siya na iyon... That's my perception.

Iyon ang pananaw ko noon... Pero nagbago iyon... Same time, same place. Iyon ang paniniwala ko. Naniwala ako sa lahat ng prinsipyo niya sa buhay at isinabuhay rin iyon. Pero mali...

Hindi dapat umulan. Hindi dapat kami nagkausap. Okay lang na hindi. Hindi na dapat ako tumambay ng waiting shed. Kung ginawa ko iyon ay sana hindi dumating ang Delubyo.

Delubyo?

One word, seven letters, hear it and you'll scream? It's oh so true. Dahil napasigaw ako sa oras na iyon nang sumulpot siya sa harap ko. Basa ang buhok at may dugo ang polo. Ang dugo sa'kanyang labi ay nagsasabing sariwa pa ito..

"Miss? Baka may panyo ka naman!" Aniya at ginalaw galaw ang ulo para tumulo ang munting basa roon. "Hoy! Sabi ko panyo!" Aniya at inilahad ang kamay. Nalaglag ang panga ko dahil sa inakto niya sa harap ko. Hindi pa ako kinakausap ng kahit sino ng ganto at pasigaw!

"Excuse me? I don't even know you?" Sabi ko at itinaas ang kilay. Nakapolo siya na St. Thomas kaya sigurado kong schoolmate ko lang siya.

"Aba't nanghihiram lang ako!" Aniya at pinandilatan ako. Ang pula sa'kanyang mata ay ang mas nagpalaki rito. Nakakatakot. Nakakapanginig lalo na noong nagdugtong ang mga kilay niya. Naramdaman ko ang tuhod kong unting unting nalulusaw dahil sa nakakatakot niyang mata at hubog! He's creepy!

Taranta kong hinanap ang extrang panyo sa aking bag. May nakaukit doon na pangalan ko. Inabot ko sa'kanya iyon at mabilis niya itong dinakma.

"Bibigay rin pala eh! Kailangan pang takutin?" Aniya at pinunasan ang buhok at ang mukha. Ilang beses siyang umirap.

"S-sorry. Uh, may dugo itong labi mo." Sabi ko at tinuro ang gilid ng labi niya. Hinawi niya ang kamay ko kaya nalaglag ang panga ko. Nanginginig ako sa takot dahil sa hindi alam na kadahalinan.

"Dugo lang 'yan! Bakit ka nanginginig?" Aniya at patuloy na pinunasan ang labi gamit ang aking panyo.

Ang nakaukit na 'Ingrid' doon ay nabahiran ng dugo na mas nagpatakot sa akin. Nakanganga ako at nanginginig sa takot at hindi sa lamig! Hindi ko alam pero ramdam na ramdam ko ang balahibo kong unti unting tumataas nang tumama ang tingin sa akin ng lalaking nasa harap ko.

"Lalabhan ko ito. Isosoli ko sa'yo bukas. Hindi pwedeng gantong may dugo. Isosoli ko ng maayos." Aniya at iniwan ako roon.

May naramdaman ako na kung ano sa tyan ko habang pinagmamasdan ang lalaking papalayo sa akin.

What was that? Sino siya? Bakit ganoon siya umasta? I'm scared. I'm so scared. The way he stares, the way he speaks.

What an exhausting day! First day of school at ganoon ang nangyari? Who's that boy? Nakatulog ako kakaisip doon.

Malungkot si Edward tuwing umuulan. Siguro ay may nangyaring kakaiba sa'kanya noong umuulan. Ang iba ay nagtatampisaw, masaya dahil umuulan.

And me? Ingrid is scared when rain drops. Dammit!

To ChaseWhere stories live. Discover now