To Chase 2

3 0 0
                                    

"He's the first born of the Atayde. Unang apo. Panganay." Ani Josiah at pinapakita sa akin ang mga litrato noon. "Chivas Ram Atayde." Aniya.

Isang batang lalaking nakasakay sa kabayo. Mahaba ang buhok at nakayakap sa likod niya ang Tatay ni Josiah. So it's true? It is really his brother.

"Paanong nangyari? Di ko pa rin gets." Tanga kong sagot.

"Issues in the past. Ayokong ibalik. Pinalayas siya ng Mommy ko three years ago. Wala kaming balita sa'kanya. Sinubukan naming makibalita pero sineryoso niya ang pagtatago. Hindi siya nagpakita. Walang Ram Atayde ang naka enrolled sa mga School kaya naisip naming nanahimik siya. Mom and Dad was so depressed. Kuya Thunder is mad, me and Tracey is scared. Walang nagawa.. Hanggang kahapon.." aniya at umiling iling.

"He's in distress again. My Mom even accused him he's on drugs." Aniya na nagpalaglag ng panga ko. "But no, kahit gaano kasama ang tingin sa'kanya ng pamilya namin. I am not. Alam kong hindi niya magagawa iyon. He's just mad." Iyon ang paulit it na sinasabi sa akin ni Josiah. Iyon lang. Hindi ako masyadong nagtanong dahil ayokong manghimasok.

Noong nasa Library ay usapan ang tungkol kay Chivas Ram Atayde.

"He's back!"

"I'm so scared. Delubyo."

"He's still a hottie."

Napairap ako nang sinabi ang huling salita. Tumunog ng malakas ang pinto.

"This is a Library! Kung mag iingay kayo ay sa labas kayo!" Ani ng isang Librarian. Ram Atayde with his usual looks arrived. Nanlilisik ang mata. Tahimik ang lahat noong pumasok siya.

"Bakit hindi ikaw ang lumabas? Kayo itong pag nag aaral ang mga estudyante rito kung sino sino ang pinag tsitsismisan niyo! Pinto lang ang tumunog nag iinaso ka na diyang matanda ka!" Napapikit ako sa sinabi niya lalo na noong malapit na ang boses na iyon sa table na inuupuan ko. "Ikaw! Alis! Ako ang uupo riyan." Aniya sa isang nerd na nakatapat sa akin. Tumingin ang nerd sa akin nang nakayuko. Napapikit ako.

Walang sagot ang Librarian. Siguro dahil si Delubyo ang nagsabi noon. All of the students keep calling him Delubyo. Pati si Josiah ay iyon ang tawag sa'kanya.

I want to glance at him, pero masyado akong natatakot. Naaalala ko ang dugo sa polo niya kahapon sa waiting shed. I mean, paano kung nakadrugs nga siya?

"Where's Josiah?" Nagulat ako sa mahinahon niyang pagtatanong sa akin.

"I don't know." Kibit balikat ko. Hindi ko talaga alam.

"Where's my brother? You'll answer it or you'll be dead?" Seryoso niyang tanong na nagpanginig sa akin.

"Wala kang makukuhang sagot sa akin." Di ko alam kung saan nanggaling ang lakas ng loob ko. Gayong nakakatakot pa ang pinapakita ng mga kaklase kong natatakot yata para sa akin.

Sumunod na subject ay ang History kay Mrs. Dolorita. Noong pumasok si Ram Atayde ay nakanganga siya at napahinto sa pagkakabit ng projector.

"You are back?" Tanong ng Teacher sa'kanya. "I hope it's for good." Ngumiti ang teacher at umirap.

Lumilipad ang isip ko patungo kay Ram Atayde. Okay, I know he's a bad man! A very bad man! Hindi siya itatakwil ng mga magulang niya kung hindi diba? But if only you can see the way he look. Nakakaawa. All I can feel is pity.

Gusot na damit. Hindi maaliwalas ang mukha niya dahil puno ito ng pasa. I wonder how many times he go for a fight? Araw araw ba at ang mga pasa niya sa gilid ng mga mata ay parang nangingitim na? Ang hikaw niya sa kanang tainga ay kumikislap tuwing gumagalaw siya. Dalawa iyon at wala ni isang sumisita sa'kanya. Ganoon din ang bibig niya na may nakalitaw na silver na hikaw. Ano ba talaga siya? Is this for a show? No..

Hanggang sa bahay ay iyon ang iniisip ko. Napawi iyon nang may nagtext sa akin.

Ang lahat ng takot ay nawala noong nakita ko ang pangalan noong nagtext! Edward Atayde..

Edward:

Hi Ingrid. How are you?

Me:

Fine, ikaw? Hindi kita masiyado napagkikikita ngayong araw?

Habang magkausap kami ni Edward ay pinagkaabalahan ko ang pagsearch kay Ram Atayde.

Isa lang ang lumabas doon. Chivas Ram Atayde. Nakaprivare lahat at tanging ang display picture lang ang makikita mo.. Wala kaming mutual friends. Well, I'm friends with the Ataydes.. Josiah, Edward, Thunder and Tracey at iyong mga magulang nila. But this Ram Atayde is different. Sino ba siya talaga? The school knows everything! Bakit ngayon ko lang nalaman ang tungkol sa kapatid nila Josiah? Siguro ay kinalimutan nila ito? O ayaw ng pagusapan? Ano ba?

Edward:

Heard from Josiah na kaklase niyo si Chivas?

Napataas ang kilay ko sa reply ni Edward na iyon. Siguro ay kaya siya nagtext para makibalita sa pinsan niya? Oo nga pala! Paano nakapasok iyong si Ram Atayde kung walang sumusuporta sa'kanya? Maybe it's true that he's on drugs? Or a dealer? Leader? Sindikato ba siya? No! Hindi pwede! Pero hindi na namin siya kaedad! I am just in Third Year High School!

Kung si Thunder ay nasa College na, at first born si Ram Atayde ay dapat College na rin siya kaya matanda na iyon! Hindi malayong hindi niya kayang gawin ang mga iyon! He's disgusting!

Me:

Uh, yes. Why?

Edward:

Well, I just want to warn you.. Stay away from him.

Kumalabog ang puso ko sa reply na iyon ni Edward! Why? Is he that dangerous? Talaga bang grabe siya? Lahat ng tao ay may goodness! Hindi pwedeng ijudge lang si Ram Atayde nang ganoon. Pero paano kung totoo? If he's on drugs, pwede niyang saktan ang mga nakapaligid sa'kanya.

Now, I'm stunned. It's dangerous.. He's dangerous. Edward's warning. Josiah's scared eyes and stories.. Mukhang kailangan kong iwasan ang lalaking iyon. I don't want to put myself in danger! Hell no!

Iniscroll ko pa ang Facebook ni Ram Atayde. Bukod sa picture ay may mga post siya. Puro 'listening to' ang nandoon. I looked like a stalker pero hindi ko maiwasan! Why would I? I am not creepy as I stalked. Gusto ko lang malaman ang mga taong nasa paligid ko. If they're harmless or not..

Chivas Ram Atayde.. What's up on you?

To ChaseWhere stories live. Discover now