To Chase 7

3 0 0
                                    

Tulala ako sa simbahan. Homily ng pari ay ni hindi ko maintindihan. Damn his smile! Damn his laugh! Dalawang bwan simula noong sumulpot siya sa harap ko at ngayon ko lang siya nakitang ngumiti man lang o tumawa.

Damn all his gestures! Ang sarap titigan! Napailing ako. Para yata akong lalagnatin. Mas magtutuloy yon kung uulan ngayon. Ayoko na ng ulan! Pero mukhang mapaglaro ang tadhana.

Sa Villares pagkatapos magsimba, doon kami tumuloy nila Daddy. Hindi sa Thai Restaurant, pero nakita ko si Delubyo na nagtatapon ng basura. May katawagan siya sa cellphone at mukhang aburido.

"My, labas lang ako. Tingnan ko lang yung ibang kainan.." Tumango siya sa akin. Nakanganga lang ako habang papalapit kay Delubyo.

"Manahimik ka, ikaw ang sumunod sa akin bago ako ang pumunta sa iyo." Aniya sa mariin na tono. "You know me, Thunder.." Nagtago ako sa malapit na puno malapit sa basurahan. Si Kuya Thunder ang kausap niya. "Drop it, pupuntahan kita riyan." Aniya at binaba ang telepono. Tumingin siya sa puno na malapit sa akin. "Huwag ka nang magtago." Aniya.


Tamad akong lumabas. Inalis niya ang panyo sa ulo at ang apron.

"You stalking me?" Aniya at nagtaas ng kilay sa akin. Mabilis akong umiling. "Eh anong ginagawa mo rito?"

"Family Date." Simple kong sabi. "Ikaw ano ang ginagawa mo rito?" Malakas na loob kong tanong.

"You don't need to know." Aniya.

"Tinanong mo ako, sumagot ako. Noong ikaw na tatanungin ko kung anong ginagawa mo rito ayaw mong sagutin?" Tumaas ang kilay ko.

"Feeling free to bitch me, huh? Little girl?" Aniya at lumapit sa akin. Nakatingala ako sa'kanya. Hindi naman sa sobrang liit ko pero matangkad talaga siya.

"Babalik na nga lang ako sa loob." Sabi ko at akmang aalis na doon.

"Wait." Nagulat ako nang bigla niya akong hatakin. Napatingin ako sa kamay niyang nakahawak sa braso ko. "Uh," Binitawan niya rin yon. "Yung thesis. We should work it out together. Naisip ko na, marami akong gagawin kaya hindi ko iyon kayang gawing mag isa." Aniya habang nagtatanggal ng apron.

"Okay." Iyan lang ang naisagot ko. "Sige.."

Pagkatapos noon ay umalis na ako.

Sa school ay ganoon pa rin ang trato sa akin ni Delubyo. He's always yelling at me. Sa iba ay ganoon din siya. Minsang tiningnan siya ng mga babae ay sininghalan niya ito.

"Ingrid!! I am so excited!" Ani Josiah sa akin isang Lunch time sa St. Thomas. May inabot siya sa aking kulay itim na papel. "Birthday ni Thunder! Sa Sabado. Iniinvite kayong lahat. Isama mo ang Mommy mo."

Thunder Atayde is turning 21. Wear your best suit and gowns! See you!

"Surprise birthday iyan para kay Kuya! Ataydes will all be there! Namimiss ka na ni Farha kaya dapat ay pumunta ka." Aniya. Napatango na lang ako. Biglang may kumuha ng invitation sa kamay ko.

"What's this, Josiah?" Tanong ni Ram Atayde habang umiinom ng tubig.

"Uh! Birthday ni Thunder! Nakalimutan mo?" Aniya at nagawa pang ngumisi. Napataas pa ang kilay ni Ram Atayde. Gusto ko talagang makita ang bawat reaksyon niya..

"Really, huh? I almost forgot. Hindi ko naman kayo naaalala tuwing Birthday niyo." Malamig niyang sabi. Pagkatapos noon ay binagsak lang niya ang invitation sa harap ko.

Napairap si Josiah sa sinabi ng kapatid. Hindi ko talaga maintindihan iyong lalaki na 'yon! Monster talaga siya. Tama nang Delubyo ang pangalan niya! Daig pa niya ang pinagsama samang bagyo, baha, lindol at kidlat dahil sa ugali niya..

"Pupunta ka?" Nagkita kami ni Edward sa waiting shed noong pauwi ako. "Sa Birthday ni Thunder?"

"Ah, oo. Syempre!" Napangisi pa ako. Paano.. pinagtitinginan kami ng mga estudyante.

"It's his debut. Siguradong maraming tao at bongga iyon. Knowing Tita Alex and Tito Russ. Bongga talaga sila magcelebrate." Napatawa ako dahil sa sinabi niya. "Why?"

"Natutuwa lang ako sa pagkakasabi mo ng 'bongga', parang bading!" Pang aasar ko sa'kanya.

"Stop it , Ing. Hindi ako si Josiah.." Aniya at kumindat sa akin. "Malamig." Aniya at inakbayan ako.

Tumibok  na naman 'tong puso ko. Grabe talaga magpakilig ang isang 'to eh?

Nagkwentuhan kami saglit ni Edward Atayde. Nagtawanan habang binabalikan ang lahat ng kalokohan na pinag gagagawa ni Josiah.

"By the way, may binugbog nga pala si Doncha kahapon." Kwento sa akin ni Edward. Nagkibit balikat ako dahil hindi na bago sa akin ang pambubully ni Doncha. "I'm just wondering.. Paano kung si Delubyo ang makasagupa niya ngayong taon?" Aniya at napangisi.

"Why? Is Delubyo that dangerous?" Tanong ko. Nagkibit balikat siya at ngumisi. "Is he on drugs or something?"

"Uh, better not comment on that, Ing. Basta stay away from him. We don't know he can do. Marami pa namang gustong patunayan ang-"

"Tulad ng ano, Edward?" Sa isang iglap ay nasa likod ni Edward si Delubyo? Ni hindi ko man lang nakita na papunta siya rito. Napalunok ako nang nagtama ang tingin ng dalawa. Ngayon ko lang sila nakitang magkasama at ang balita ko kay Josiah ay nagsuntukan ang dalawang ito nang umuwi si Delubyo.

"Oh, please Chivas. Stay away from us." Ni hindi ko nakitaan ng takot si Edward kay Delubyo. Kaya talagang hinahangaan ko 'tong si Edward eh! "Let's go, Ing!" Ani Edward at hinila ako papalayo.

Lumingon pa ako sa pwesto ni Delubyo. Nandoon pa rin siya. Nakatingin sa amin. Yung tingin na papatay. Hindi ko iyon madala kaya tinigilan ko dahil sa kaba. Iba talaga ang tingin ni Delubyo. Creepy!

"You should stay away from him. Wala dapat kaibigan ang isang iyon." Ani Edward habang pinagbubuksan ako ng pinto.

Iyon ang tinatak ko sa utak ko. Dahil ang paniniwala niya ay dapat paniniwala ko rin.

Delubyo is a monster. He's an evil. Sa kwento pa lang ni Josiah ay siguradong high nga itong si Delubyo dahil iba iba ang ugali niya kahit madalas namab talaga ay nakasinghal o di kaya naman ay galit.

Naalala ko noong first day niya rito? Nanghingi siya ng pera kay Josiah. Siguro ay para bumili ng drugs. O kaya lusotan ang lahat ng gulo na ginaawa niya. Paano niya nagagawa iyon?

Ataydes are very wealthy! Hindi niya kailangan mamuhay mag isa dahil sa mga walang kwenta niyang paniniwala.

Kung sana ay hindi ko siya Thesis Partner! Sana medyo tahimik ang buhay ko!

"Nasaan sila Mommy?" Tanong ko sa kasambahay namin noong nakauwi ako galing sa pagkukwentuhan namin ni Edward.

"Hi Ing! How's school?" Tanong niya.

"I'm kinda exhausted, Mom." Gusto kong alam niya lahat ng nangyayari sa akin para hindi siya magdududa.

"Dahil?"

"Well, I have this thesis partner. He's kinda rough at me. Magaspang ang ugali niya at hindi kami magkasundo." Paliwanag ko.

"Why? Is he hurting you? Nako! Ayoko ng inaabuso ang anak ko." Aniya.

"No, Mom. He's just! Ah! Mysterious? I don't know!" Pinagkibit balikat ko iyon at napahilamos sa mukha.

"Hmm, akala ko ba si Edward ang gusto mo?" Nanlaki ang mata ko sa sinabi ni Mommy. "It looks like you're too preoccupied by him?" Aniya at tiningnan ako ng sobrang tagal.

I am not preoccupied because of that boy! No, I am not!

Hindi pwede..

To ChaseWhere stories live. Discover now