"Happy Birthday Thunder!!" Bati ko sa'kanya noong dumating siya kasama ang girlfriend niya.
Bumeso siya sa akin at ipinakilala ang isang babaeng morena at matangkad bilang girlfriend niya. Bumeso rin ako rito at hinanap na ang iba pang kaibigan.
"Hi Ingrid!" Bati sa akin ng grupo nina Doncha. Kumaway ako roon at bumeso na rin.
Nakita ko sila Farha, Tracey, at Josiah sa kabilang table. Imbitado rin ang iba kong pinsan na kabatch ni Thunder, kaya sila ang kasabay ko sa pagpunta rito. Bumati rin ako sa mga oldies ng Atayde. Malapit talaga ako sa pamilya nila dahil kay Josiah na lagi akong dinadala sa bahay.
"Alam mo naman ang mga bata! Siguro sa susunod na party na ganto. Engagement na ng Thunder namin." Narinig ko ang usapan sa kabilang table. Nakita ko si Tita Alex na inaasikaso ang mga Atayde.
"Thunder is a good man. No wonder maganda ang mga napupunta sa'kanyang babae." Tango tango pa ng Mommy ni Farha.
"Ofcourse! I am proud of him. So proud of him." Ngumiti si Tita Alex habang iniinom ang wine. Maraming bisita at marami naman silang tiga silbi. Si Tracey ay nakita kong nakikipaglandian ngunit hindi ito si Bryan.
Ataydes! Mabilis silang magpalit ng babae o lalaki. Kaya nagulat ako nang may ipinakilala si Thunder ngayong special ang okasyon..
"Kamusta naman yung isa mo, Alex?" Napakachismosa ko talaga. Nakinig pa talaga ako. Nasa kabilang table lang kasi at maaga pa. Wala pang boost at mga hard liquors na sineserve.
"Who? Josiah or Tracey?" Tanong ni Tita Alex. Napalunok naman ako.
"Uh, Chivas Ram?" Ngumisi ang Tito nina Josiah. Nakita ko ang pagsinghap ng mga tao sa table na iyon. Naging maasim ang mukha ng Lola nila. "Balita ko kay Edward ay umuwi siya noong nakaraan."
"Uh, Yes. I don't know what he's up to now." Ani ng Mommy nila. Buti na lang wala ang Dad nila sa table na iyon kundi baka mawala sa mood iyon. "Wag natin sirain ang gabi. Please.." Seryosong tugon ng Mommy ni Josiah.
Ano kayang ginagawa ni Delubyo ngayon? Hindi ba siya maiinggit dahil nandito lahat ang pamilya niya? Siguro nagtatrabaho na naman yon. Dapat kasi umuwi na lang siya eh!
My God! Bakit ko ba iniisip yon! Napakatok tuloy ako sa ulo ko.
"What's that for?" Tanong ni Juliet na kaibigan namin galing St. Anthony de Padua.
"Ah wala! May lamok!" What a lame excuse! Ingrid? Really?
Napagplanuhan naming magkakaibigan na mag overnight sa bahay nina Josiah. Marami silang guestroom at sure na marami rin ang makikitulog ngayong gabi dahil sa kalasingan. Lalo na at mga college na ang kaibigan ni Thunder.
Hindi rin naman nakasama sila Mommy dahil pagod sa trabaho parehas. Nagpadala na lang sila ng regalo.
"Ano ang binigay mo kay Thunder?" Tanong sa akin nina Farha. Nasa iisang table kami kasama ang iba pang kaibigan at mga Atayde. Ang mga lalaking Atayde naman tulad nina Edward ay lumilibot. Maingay na at medyo nagiinuman na ang mga kaibigan ni Thunder. Si Josiah lang ata ang lalaki rito.
"Libro. Iyong matagal na niyang inaawit sa akin!" Napangisi ako. Noong High School ay may kinalokohan si Thunder na babae. Mahilig iyon sa libro na niregalo ko kaya gusto ko lang siyang inisin kaya iyon ang binigay ko.
"I gave him two plane tickets to Bali. Magsama sila ng Girlfriend niya." Ani Josiah.
"Binigyan ko naman siya ng Sunglass! Mahilig siya roon eh?" Ani naman ni Farha.
Nagtawanan kami lalo na noong uminom si Josiah at hindi nagustuhan ang lasa noon.
"Ano ba 'to Kuya?!" Hinampas niya si Thunder. Pinalibutan siya ng mga kaibigan at magpipinsang Atayde dahil vinideo ang unang pag inom ni Josiah Atayde!
"Para maging lalaki ka!" Sigaw ni Thunder.
"Lalaki na ako!" Pagmamaktol ni Josiah. Hindi alam ng mga magulang ni Josiah ang kabaklaan niya. Even Thunder and Tracey. Ako lang talaga ang nakakaalam kaya medyo naoffend siya sa sinabi ni Thunder. Nagtaka nga lang ako bakit alam ni Delubyo na bakla siya?
Nagkasiyahan lang kami. Ngunit nahinto iyon nang tumungtong ang 12 Midnight. Maingay dahil sa music pero rinig ko pa rin ang pagsigawan ng mga tao.
"Get out! Umalis ka rito!" Maraming umusisa roon.
Delubyo with his usual outfit. Faded Jeans and tee shirt came out. Nakangisi siya habang tumatayo dahil sinuntok siya ng Daddy niya.
"Please! Stop it! Stop them!" Humagulgol ng iyak ang Mommy nila habang pinipigilan ang galit na Daddy nina Josiah. Even their Titos are moving out. Nakikiawat.
"What's your problem? Bakit ka nagpunta rito?" Sigaw ng Daddy niya kay Ram.
"Oh My God! Where's Thunder!" Tarantang hagilap ni Josiah sa kapatid.
"Bakit ba kasi nagpunta pa iyan dito? Is he invited?" Narinig kong sigaw ng Mommy ni Farha.
Katahimikan ang bumalot sa lugar na iyon habang nagtititigan ang mag ama. May dugo na naman ang labi ni Delubyo..
"What's the problem, Dad?" Napawi lang iyon ng dumating si Thunder kaakay ang girlfriend. "What the? Anong nangyari?" Halos nahawi ang mga tao nang nakita na nga ni Thunder ang nangyayari.
"Please! Thunder! Paalisin mo na siya!" Ani ng Daddy nila na namumula na sa galit. Si Delubyo ay panay ang ngisi. May nakahawak sa'kanyang dalawang security guard at hinayaan niya iyon. "Bakit ka ba kasi nagpunta pa rito?" Tanong ng nang gagalaiti na Daddy nila kay Delubyo. Kinwelyuhan niya ito ngunit nginisihan lang siya ni Delubyo. "Ang kapal mo."
"Dad! Please!" Sigaw ni Tracey.
"I just want to greet my brother! Anong problema ron?!" Sigaw ni Delubyo na nagpatahimik sa lahat. Napalunok ako habang tinitingnan ang mukha niyang hindi na nakangisi ngayon.
Pumagitna si Thunder sa mag ama. "Dad please! Stop it."
"Hindi siya pwedeng tumungtong sa papamahay ko!" Galit na sigaw ng daddy nya.
"I just want to greet Thunder! Anong problema ron?" Pagkasigaw ni Delubyo ay mas umingay ang katahimikan. Namumula ang mukha niya sa galit at mukhang nakainom pa. "I just want to greet him.." Paulit ulit niyang sinabi iyon. This is so heartbreaking.
"Kuya.. Please? Let's just talk outside." Ani Thunder at inakay na si Delubyo.
"No! Bakit! Bakit ako aalis ha!" Tulak niya kay Thunder. "This is also my house!" Nagwala na ng tuluyan si Delubyo. "Bahay ko rin 'to! Putangina!" Aniya at sinaboy ang mga mesa sa gilid.
"You're such a shame for this family, Chivas!" Sigaw ng Daddy ni Edward.
"I'm not talking to you!" Duro ng galit na galit na si Delubyo dito. Tumingin siya sa banda namin. Nakita niya ang pag iyak ni Tita Alex at Tracey dahil sa gulong nangyari.
Napalunok siya at ibang reaksyon na naman ang nakita ko sa'kanya.
Lumapit siya rito at hinayaan iyon ng Daddy niya. "I'm sorry, Mom." Yakap niya sa kaniyang ina at kay Tracey. Nagtama ang paningin namin. Ngunit umiwas rin siya. Wala na siyang reaksyon. Blanko.
"Sorry Thunder, Happy Birthday!" Aniya at niyakap ang kapatid.
Pagkatapos ng gabi na iyon ay hindi siya nagpakita. Maraming tsismis sa school na nagdrop na ito ngunit enrolled pa rin siya.
Nag aalala si Josiah. Even Thunder. Nakikita ko ang mga College na Atayde na panay ang bantay sa school kung may magpapakitang Delubyo pero wala.
Isang linggo na ang lumipas simula ng birthday ni Thunder. Isang linggo nang hindi nagpapakita si Delubyo.. Hanggang sa araw na ito, nagintay ako baka magpakita siya. I just want to know if he's okay. Ayoko namang puntahan sa pinagtatrabahuhan niya dahil masyadong obvious.