Mabilis ang pangyayari.
Ang alam ko lang ay sinigawan ako ni Mommy kaninang umaga. Tamad akong tumayo dahil nakita ko ang madilim sa labas ng bintana. Umuulan na naman.
"Ma, parang masama ang pakiramdam ko." Panimula ko at tinusok ang hotdog. Nagbabasa si Dad ng dyaryo at seryosong kumakain. Tinitingnan niya ito sa ibabaw ng kaniyang salamin.
"Ha? Wala naman ah?" Aniya habang sinasalat ang noo at leeg ko.
"Grabe na talaga ang mga kabataan ngayon, ano?" Sabat ni Daddy habang tinitingnan maigi ang nasa Diyaryo.
"Ano meron, Dad?" Tanong ni Mom.
"Student from St. Anthony de Padua, stabbed six times by Unknown student.." Ani Dad at tumingin sa akin. "Malapit sa St. Thomas Aquinas.." Aniya at inilapag ang Dyaryo.
"Student from St. Anthony de Padua, stabbed six times. " Kahapon lang ito, ah. Unknown ang media na nagpublish na balita. Nabahala ako nang nabasa ko iyon. It feels like danger. It's scary! Creepy!
"Maybe some outsiders in that school." Ani Dad habang tinitingnan ako. "Ingrid, dapat ay magiingat ka, anak.," aniya sa akin na parang nababahala rin.
Nang hinatid niya ako sa school ay napatingin ako sa waiting shed kung nasaan ako kahapon. Nanginig ako sa takot. Napawi lang iyon nang medyo tanghali na dahil umaraw na.
Ibabalik kaya sa akin noong lalaki ang panyo ko? Nako! Kahit wag na! Ayokong makita siya at baka manginig na naman ako!
"Hi Josiah!!" Bati ko sa aking kaibigan na bakla. Nag aayos siya ng buhok sa salamin at inirapan ako. Humagikgik ako at kumandong sa'kanya. "Ano na namang kaartehan 'yan?"
"Usapan natin ay magcocoffee tayo kahapon!" Aniya at umarteng nagtatampo. Yumakap ako sa leeg niya at bumulong.
"Sorry na! Kasi pinuntahan ko pa si Edward sa room niya!" Sabi ko.
"Hay nako Ingrid! Kung gusto mo ay dapat sabihin mo! Hindi iyong pasilip silip ka lang! Baka gusto ka rin ng pinsan ko na iyon." Aniya at niyakap rin ako.
Nagtawanan kami ni Josiah pero napawi iyon nang kumalabog ang pintuan. Dali dali akong tumayo sa pagkakakandong at nanginig na naman.
Iyong lalaki kahapon.. nasa harap ko na naman siya.
"Anong kalandian 'yan?" Sigaw niya na nanlilisik ang mata. Nagsigawan ang mga kaklase ko sa pagkwelyo niya kay Josiah. Biglang kumidlat noong tumama ang mata niya kay Josiah na akmang susuntukin.
"Hey!! Stop it!!" Awat ko sa nagmamaktol na lalaki habang tumitingin sa labas dahil bumuhos ang malakas na ulan.
"Ayokong may naglalandi dito sa Teritoryo ko!" Aniya at binitawan ang takot na takot na si Josiah. Nagusot ang polo ng aking kaibigan at mangiyak ngiyak ito. And anong teritoryo?
"Ano ang problema mo?" Sigaw ko sa lalaking nanlilisik ang nga mata ngayon. Biglang nawala ang takot na nararamdaman ko dahil sa nakitang takot sa mga mata ng kaibigan ko! Hindi pwedeng ganoon!
"Uulitin ko pa? Tanga ka ba? Ayoko kakong may naglalandi sa lugar na ito!!" Aniya at binagsak ang panyo sa isang armchair. "Stupid, panyo mo!"
Naiwan akong nakanganga. Si Josiah ay tumakbo papalabas habang naiiyak. Ang mga kaklase ko ay nagkukumpol kumpol at kitang kita ko sa mga mata nila ang takot.
Ang lalaki naman ay kumuha ng isang upuan. May bag doon at initsa niya iyon papalabas. Kumuha pa siya ng isa at initsa ulit ang bag. Inilagay niya ang mga upuan sa likod at umupo. Nakadikwatro siya at nakapatong ang parehas na paa sa isa pang upuan habang relax na relax ang batok sa sandalan ng upuan.
Sandali kong tiningnan ang lalaking nakataas na ngayon ang kilay sa akin. Gusot ang polo na parang hindi man lang pinlantsa. Ang bag niya ay simple at may hikaw siya sa isang tenga. Ang bibig niya ay may hikaw rin at pinaglalaruan niya iyon! What the? Hindi pa ako nakakakita ng Gangster! Ngayon lang!
Inirapan ko siya. Hindi ko alam kung saan ko itinapon ang lahat ng takot. Kinuha ko ang panyo at sinundan si Josiah.
Nakita ko siyang humihikbi sa isang malaking salamin. Nakita ko ang takot sa mga mata niya.
"Sorry, ha? Nadamay ka pa." Aniya kaya napakunot ang noo ko.
"Huh? Ako nga ang dapat magsabi niyan!" Sabi ko.
"No! Sasabihin ko na sa iyo, Ingrid." Aniya at umiiling iling. "That asshole is my brother!" Aniya na nagpalaglag ng panga sa akin.
"Wh-what? Paanong?? Paanong magkapatidl kayo?" Lito kong tanong! Hindi ko alam kung anong magiging reaksyon ko.
I am friends with Josiah since last year noong nagtransfer ako rito. Ang alam ko ay alam ko ang lahat sa'kanya?
"That boy! Kuya Thunder, ako at si Tracey!" Aniya habang umiiyak. Mas lalo akong nagulat sa pagsasabi sa akin noon. Paanong kuya niya ang isang 'yon?! Pinsan siya ni Edward? So that means? That boy?!!! "Umuwi siya sa amin kanina! Humihingi ng tulong kay Dad. Matagal siyang hindi nagpakita! Ingrid! Nakakatakot siya! Mukha siyang papatay noong ayaw ni Dad na tulungan siya! Hindi ko alam kung bakit pa siya bumalik! Hindi ko rin alam kung bakit siya nang hihingi ng tulong sa amin!"
Mas nagulat ako sa mga sinabi niya sa akin.
"He's damn scary! Takot ang lahat sa'kanya! Takot ang Mommy ko sa'kanya! Even Tracey is afraid of him! Lalo na ako!" Sabi niya at yumakap sa akin. Humagulgol siya pero ni hindi ko magawang magsalita.. I'm out of words! Ni hindi ko kayang yakapin siya pabalik. He's an Atayde.
"B-bakit siya bumalik?" Tanong kong nauutal. "A-at kaya ba niyang p-pu-pumatay?" Tanong ko at napalunok.
Pinahid niya ang luha sa kaniyang pisngi. "Who knows? Matagal siyang hindi nagpakita! Say three years? Walang balita ang lahat sa'kanya! I can see him go to a fight! Talagang makakapatay siya Ingrid! I am so scared!"
"Hey!!!" Napawi ang yakap ni Josiah nang dumating ang kapatid niya. Nakapamulsa ito at ngumunguya ng gum. Nilalaro niya ang hikaw sa bibig. Magulo pa rin ang buhok niya at kumikinang ang hikaw sa kaniyang tenga.
"For your information, this school is a Catholic School. Saint. Saint Thomas Aquinas. You should know how to act properly. Hindi pupuwedeng papasok ka nang may hikaw lalo na sa bibig." Dire diretso kong sabi. Siniko ako ni Josiah.
"Is that so?" Aniya at ngumisi. Pinaglaruan pa niya ang kaniyang bibig na parang nantutuya. Bumaba siya sa amin at hinarap ako. "If that's the rules of this School, Miss whatever is your name.. I don't give a fuck." Mariin niyang sabi sa akin at akmang sasampalin ako. Napapikit ako at natakot. Nagiba ang ekspresyon niya. Parang naliwanagan nang makita ang pag lunok ko. Napatingin siya sa kamay niya at si Josiah ang binatukan niya.
"Hoy Bakla! Tinitingin tingin mo diyan?" Aniya at umalis doon.
"Ano ba kuya? Huwag kang maingay!!" Ani Josiah na nang gigigil! Hindi maipinta ang mukha niya dahil sa pagtawag sa'kanya ng bakla ng kapatid niyang lalaking lalaki.
"Takot na takot ka naman! Pahingi akong pera! Kung hindi sasabihin ko sa nanay at tatay mo na bakla ka!" Aniya at naglahad ng kamay.
Inis na humugot si Josiah ng pera at nginudngod sa Kuya niya.
"How sweet!" Aniya at naglakad papalayo sa amin.
"Huy Josiah! Okay ka lang ba?" Tanong ko sa kaibigan kong masama ang mukha ngayon.
"He's always like that.." Aniya at umiling. Hindi pa rin ako makapaniwala. That boy is an Atayde. "Hindi ka makapaniwala? Well, pinagtabuyan siya ng Mommy at Daddy ko. He's a rebel. Lahat ay kinakalaban niya. Even my Lola! Pati ang mga Tito ko. Lahat! Wala siyang sinasanto! He's scary, Ing! He's a monster! Black Sheep!"
Habang sinasabi ni Josiah ang mga iyon ay napatingin ako sa itaas ng Salamin. May railings doon. Andoon ang lalaki. Nakikinig siya sa amin pero hindi nakatingin.
I don't know. I can see guilt in his eyes. Punong puno ng kalungkutan at galit ang mga mata niya habang pinapakinggan ang sinasabi ng kapatid. Napalunok siya noong nakita ako at pinandilatan ako. Pagkatapos noon ay umalis na na parang napahiya..