"It's true. When you hear that one word, seven letters, you'll scream.." Panimula ni Josiah kinubakasan habang kumakain kami sa Canteen. "Nasa bahay siya kanina. May dalang maleta. Nandoon ang mga damit niya. He look so high, Ing. Ang sabi niya ay hindi niya na kailangan ang mga iyon."
"Ano na naman ang meron? Ginugulo niya ba kayo?" Tanong ko na medyo natatakot na naman.
"Not really. Nandoon lang siya para isauli raw ang mga gamit na ibinigay sa'kanya ng mga magulang namin. Mga relo! Mga alahas! Well, Kuya Ram's fond of jewelries way back. Ngayon ay hikaw lang ang makikita mo sa'kanya." Aniya at nagkibit balikat. "He stayed there for almost an hour. Nagulat ako dahil kinausap niya ako at si Tracey." Parang may tumusok sa puso ko habang kinekwento sa akin ni Josiah iyon nang nakangiti.
"I remember.. noong mga bata kami. When Tracey and I still not going to School. Si Kuya Ram, lagi niya akong binibilhan ng kahit na anong mga candy na nakikita niya sa School niya. Lagi niyang sinasabi sa akin na three candies only for a day para hindi masira ang ngipin ko." Natawa siya at napailing. Parang may humaplos sa puso ko sa mga sinabi niya. "He's very charming when we were still a kid. Ang mga bagay na gusto ko ay ibinibigay niya sa akin para hindi ako umiyak." Pagpapatuloy pa niya. "Lagi siyang galit sa mga nanloloko kay Tracey. Lagi siyang nakikipag away para sa bunso namin. When it comes to Kuya Thunder, he's always cold.. Pero minsang umuwi si Thunder sa bahay namin na may pasa ay nagwala si Kuya Ram. Damn that Delubyo!" Aniya at natatawa.
"Dapat ay umuwi na siya sa inyo. Josiah, after all, he's still your Kuya. Dapat ay patawarin siya ng Mommy niyo kung ano man iyon." Sabi ko kay Josiah habang ngumangata siya ng Lollipop.
"Mom will accept her. Dad don't. I missed him so much. Lalo na noong mga oras na nasa bahay lang siya.. ngayon ay wala na talaga.." Aniya at napailing.
I can sense awkwardness lalo na noong nasa Classroom kami. Lahat ay umiiwas kay Delubyo. Takot ang mga estudyante sa'kanya. With his bulky eyes, narrow shoulders talagang matatakot ka! Samahan mo pa ng mga earrings na iyan!
"So this is Proficiency in English III." Ani ng Guro sa harap. Narinig ko ang bayolenteng tikhim ni Ram Atayde sa likuran ko. "Baby thesis, iyon ang kailangan niyong matapos bago kayo hatulan sa Cards.." Aniya at ngumiti.
"Miss!" Nagulat ang lahat nang biglang nagtaas ng kamay si Ram Atayde. "Baby Thesis for Third Year High School? Paanong meron na noon?" Sarkastiko niyang sabi.
"Well, Mr. Atayde.. Noong panahon mo ay wala pa nito, pero ngayon ay mayroon na. So just follow it." Narinig ko ang halakhak ni Josiah sa harap. Tumayo ang kapatid niya at pinandilatan siya.
"Tumigil ka Josiah ah!" Napipikong sabi ni Ram.
Tumahimik ang klase.
"Sumunod na lang kasi kesa pagtawanan." Mahina kong bulong at sinigurado kong narinig iyon ng lalaki sa likuran ko.
"Hey ano ang binubulong mo diyan?" Pasinghal niyang bulong sa akin.
"Nothing." Kibit balikat ko at ngumiti. Dumapo ang mga mata niya sa labi ko at pinandilatan ako.
"Don't you dare smile at me again, Ingrid!" Nagulat ang mga kaklase ko noong sumigaw na lang siya basta basta. Tumayo si Josiah dahil sa gulat.
"People at the back! What's happening?" Tanong ng Teacher namin. Tumayo si Ram Atayde. Ano ba ang ginawa ko? Ngumiti lang naman! "Brat!"
"Hey Miss! Don't call my brother like that!" Nagulat naman ako sa isa pang dumagdag si Josiah sa sigawan sa Classroom.
"Then get out! You two! Magreunion kayong magkakapatid! Tutal si Tracey Atayde ay nasa Guidance's Office rin naman!" Umirap ang Teacher at nagsimulang magsulat.
Ram and Josiah went out. Kinabahan ako. Tracey is also my friend! Ano ang dahilan kung bakit na Guidance ang isang 'yon? Kaya noong naglunch ay hindi ako nagpaawat na puntahan siya sa Guidance.
Ram, Josiah and Tracey's outside. Josiah and Tracey is yelling at each other. Naabutan ko ang punit na long sleeves ni Tracey.
"Kuya wala nga iyon!" Sigaw ni Tracey kay Josiah. Napahilamos si Josiah. Ngayon ko lang nakita ang baklang ito na nanlilisik ang mga mata. Na para bang papatay dahil sa umapi aa kapatid niya.
"Sasabihin mo lang!" Ani Josiah.
"Wala nga-"
"Sasabihin mo o ako mismo ang hahanap kung sino gumawa sa iyo niyan?" Malumanay na tanong ni Ram at iniintay ang sagot ni Tracey.
"Kuya.." Umiyak si Tracey. Pinunasan niya ang luha niya at humagulgol kay Josiah. "Si Bryan kasi eh.. Nakipag away siya dahil sa akin.. Sa huli ay ako ang ginantihan ng mga babae.." aniya at naiiyak.
"Sinong Bryan?" Malumanay pa rin tanong ni Ram.
Pagkatapos noon ay nakita ko na lang na umakyat si Ram Atayde sa stage kung saan punupwesto ang mga nagdadasal tuwing Flag Ceremony.
Mabilis niyang hinatak ang speaker sa tabi niya at inayos ito.
"Bryan Pascual. Paging.. Bryan Pascual." Aniya sa Microphone habang ang mga estudyante ay isa isa nang nakiki usyoso. "Bryan Pascual!" Kasabay nang pagsigaw niya ay ang pagkidlat ng malakas.
Apat na lalaki bitbit bitbit si Bryan Pascual ang inilagay sa stage. Tumingin ang walang ekespresyon na si Ram doon.
Ang nga teacher ay naglabasan sa Faculty upang manuod! Hindi upang umawat!
"Kuya!!" Sigaw ni Tracey at pinigilan ang Kuya niya kahit wala pa namang itong ginagawa.
"Nasaan ang nanakit sa kapatid ko?" Malumanay na tanong ni Ram kay Bryan. "Nasaan ang nanakit sa kapatid ko!" Sumigaw siya na mas nagpatahimik sa lahat. Ang pagkwelyo niya sa kay Bryan Pascual ay nakakatakot.
Galit na galit siya. Para siyang papatay dahil sa nanakit sa kapatid niya. Nang gigigil siyang ibinagsak ang katawan ni Bryan habang ang mga babaeng mukang nakaaway ni Tracey ay umaakyat sa stage.
Takot, pagsisisi! Iyon lang ang mga makikita mo.
"Calling the attention of Mrs. Yco of Discipline Office." Ani Ram na pinapakinggan ng lahat. "I want these three girls, and this Bryan Pascual.. out of this school." Then his word marked with finality. Walang sagot ang mga teachers pero kinabukasan ay hindi na nagpakita ang mga babae at si Bryan Pascual sa school.
Damn Ram Atayde!