MUNDO
Sa pagpihit ng kamay ng orasan
Sa pag agos ng tubig sa dalampasigan
At sa pagtingin ko sa kalangitan
Humiling ang isang tulad kong wasak at bigo na sana makahanap ng tulad mo.
Pero di ko inaasahang makakahanap nga ako.
Sa mga karakter lamang sa libro ko
Nakikita ang tulad mo
At di ko alam na may nageexist pa palang tulad mo
Dito sa mundong puno ng manloloko
Napapangiti mo ko na namiss ko mismo sa sarili ko
Napapatawa mo ko na di nagawa ni sino o ni kahit siya na minahal ko
Pinaniwala mo akong arapat dapat akong mahalin at di paasahin
Oo alam ko
Oo naiintindihan ko pero sa paglipas ng panahong magkausap tayo
Bakit napalapit ng todo yung loob ko sa tulad mo
Pero teka
Ayokong masanay sa ganto
Ayokong masanay na lagi kang anjan sa tabi ko
Ayokong masanay na may nakikinig sa mga binabato kong biro
Na kahit sobrang korni tinatawanan mo
Ayokong masanay sa mga ngiting to na alam kong di kalaunan
Babawiin rin ito ng lungkot
Na mararamdaman ko kapag nawala ka na
Kapag nawala ka na sa mundo ko
Kapag nagbago na ang lahat ng ito
Kapag nag iba na ang pagpihit ng oras
At di muna magawang bigyan ako ng oras
o masingit jan sa schedule mo
Ayokong masanay sa gainto
Kapag ang dating pag agos ng tubig sa dalampasigan ay maging alon
At tangayin ang ikaw palayo sa ako
Ayokong masanay sa ganito
Na kapag titingin ako sa kalangitan ay makikita ko ang muka mo
Uulitin ko ayokong masanay sa ganito
Ayokong masanay sa bagay na alam kong di magtatagal
Ayokong masanay na sa paggising ko sa umaga
Hindi na ikaw ang dahilan nitong ngiti na to
Ayokong mapalitan ang lahat ng kirot,puot,sakit,at luha
Na sabi mo di ko dapat nararamdaman
Patawad kung natatakot ako
Pero napanatag ako sa sinabing mong
Wala namang rason para magbago ako diba
At yung ang pinanghawakan kong linya
Na dadalhin ko habang nakakapit ang ako sayo
Na baka nga di magiba ang ikot ng kamay ng orasan
Na baka di naman mag iba ang pag agos ng tubig sa dalampasigan
At baka sa susunod kasama na kitang titingala sa kalangitan
YOU ARE READING
Poems
PoetryTagalog poems that you can relate. Poems that i will publish is mine. Hope you like it guysssss E N J O Y