5th

2 0 0
                                    

PANGARAP PARA SA BAYAN


Ang pangarap ay isang patimpalak

At ang manalo ay isang pangarap

Wag kang magpapanggap kung hindi mo kayang gumanap

Dahil maraming gustong pumalit at magpakasakit

Kahit mapait ang maging kapalit


Lahat ng bahid ng pagod at panlalait

Ay iyong matatamo

At maiisip mo

Gusto ko pa ba tong ginagawa ko?


Hindi sa lahat ng oras happy ending ang magiging takbo ng storya mo

Di man kasing puot ng storya ni Andres Bonifacio na baldado

O ni Jose Rizal na pinatay pagkatapos ipaglaban ang bansang to

Baka mas malala pa ang mangyari sayo


Dahil sa tagal ng panahong malaya tayo

Tila wala ng saysay ang lahat ng kanilang sakripisyo

Dahil patuloy pa rin tayong naabuso

At ang mga pilipino'y walang ginagawa laban dito


Hanggang dito nalang ba talaga ang bansang to?

Makakabangon pa kaya tayo?

Napapagod ka na bang maghirap dito?

At kung oo, matuto kang tumayo at ipagsigawan ang nais mo


Hindi namin kailangan ang awa ng kahit sino

Ang kailangan namin ay malinis ng gobyerno

Kung gusto mong mamahala rito

Paki tanong ang sarili mo, kung malinis ba ang intensiyon mo


Wag kang magnakaw sa kaban ng bayan

Dahil ikaw rin ang mahihirapan

Hindi ka man maparusahan ng sistema ng mundong to

Ang Diyos naman ang maniningil at hahatol sayo


Wag na nating palakihin pa ang problema ng bansa

Bakit di nalang kasi tayo maging mapayapa

Ayusin ang buhay ng bawat isa

At maging huwarang pilipino sa mga madla


Mahalin,Galangin

Ipaglaban at tulungan

Bansang to ay hindi lang isang islang tinatapakan

Kundi isang tahanan ng sarili mong Inang Bayan

You've reached the end of published parts.

⏰ Last updated: Oct 24, 2019 ⏰

Add this story to your Library to get notified about new parts!

PoemsWhere stories live. Discover now