3rd

2 0 0
                                    

Ang kasarinlan at kalayaan ng bansang ito ay sobrang hirap hangarin

Dahil mismong kapwa ay siya ring kalaban natin

Hindi na magbabago ang naging simula nito

Pero sana'y huwag na natin pang palalain at ito'y ibago


Huwag na tayong magpaalipin pa sa mga karatig ibayo

Dahil sila lang ang magpapalala ng sitwasyon na ito

Hindi natin kailangan ng tulong ng mga traydor na dayo

Ang kailangan natin ay pagkakaisa't katapatan ng mga tao


Totoong kawawa ang Inang Bayan

Dahil hindi tayo naging tunay na makabayan

Dugo't pawis ang dapat na ialay

At hindi pagiging makasarili habang buhay

PoemsWhere stories live. Discover now