1st

19 0 0
                                    


HAWLA



Marahil luma na ang mga salitang ginagamit

Sa pagbanggit ng mga salitang masasakit

At ang pamagat kong tilay niluma na ng panahon at pait

At palagi mo nalang naririnig sa mga tenga at bibig ng mga nagsasabi


Ang kwento natin ay kaparehas lamang ng sa iba

Simple lang at umiikot sa saya at drama

Na para bang wala ng makakapaglayo pa

Sa ating dalawa


At siguro'y isa lamang itong pantasya

Dahil ni minsan di ka naman napasakin sinta

Ngunit patuloy parin akong umasa

Dahil baka pwedeng maisalba pa


Sino nga ba ang mahaba ang pasensya

At sino nga ba ang lagi nalang pumupuna

Hindi na naman ito mahalaga

Basta't hindi ka mawawala


Sa bawat pag dilat ng mat among maririkit

Ang puso koy tumitibok ng sobrang bilis

Gusto kang ayain

Na kumain man lang sa labas kahit saglit


Pero hindi ko magawa

Dahil alam kong hindi ako katulad ng mga tipo mong lalaki

At hindi rin ako tulad ng iyong angkan

Na may magagarang kotse't damit


Sana ako naman ay iyong mapansin

At di puro mga gwapong ginoo sa tabi tabi

Malinis ang aking intensyon

Sana ay ikay aking makumbinsi


Kung sa lumang panahon

Nagsisibak sila ng kahoy

Sa panahon ko kahit puso ko ang masibak gagawin ko

Para lamang sa iyo


Kung noon ay nagiigib sila ng tubig

Para maipakitang sila ang dapat

Ngayon

Kahit tawirin ko pa ang kahit anong anyong tubig

Makuha ko lang ang matamis mong oo ay aking gagawin


Sanay wag mong baliwalain

Ang aking tulang pinagpupuyatan gabi gabi

At ang mga liham kong pagkahaba haba

Na minsay tinatamad ka ng basahin


Alam kong sinaktan ka niya

Pero sana naman ay maniwala ka

Na hindi ko kaya iyong gawin

Dahil hindi ako hayop tulad niya


Handa akong maging pansamantala

Kahit hanggang kelan pa

Basta makita lang kitang masaya

Dama ko na rin ang tamis sa iyong mga mata


At alam ko rin naman

Na mas sasaya ka sa piling niya

Ano pa nga ba ang magagawa

Kundi palayain ang sarili sa binigay mong hawla

PoemsWhere stories live. Discover now