MAPAMINTAS NA MUNDO
Humakbang ka palayo sa makabagong mundo
Para makita mo ang tunay na halaga mo
Hindi mo kailangang ipagsisikan
O ipagtulakan ang iyong kasarian
Dahil kung may utak sila
Miintindihan ka nila
Hindi lingid sa kaalaman ng iba
Na hindi basehan ang itsura para sa pag laya
At hindi mo rin kailangang magbago para sa kanila
Dahil kung totoo sila, matatanggap ka nila
Wag kang magbago para sa mundo
Dahil minsan talaga gagaguhin ka nito
Ang pagbubulagbulagan sa panga-api sa mga karamihan
Ay isang kasalanan, na kung tawagin ay katangahan
Wag mong hayaang mapanis ang laway mo
Magsalita ka para sa sarili mo at para sa nasa paligid mo
Hinding masamang magalit, hindi rin masama maging masaya
Pero siguraduhin mong wag kang tatapak ng iba
Dahil kung ikaw nga ayaw mo ng nahuhusgahan ka
Wag mo ring gawin sa iba dahil baka mas kapintas pintas ka
Ang pagtula ay parang pagkanta
May tono at may lirika
Pero ang pinagkaiba
Ay mas malaya ka kesa sa mga nota
Wag mong ipako ang sarili mo
Sa mga taong kumakanta na hindi naman alam ang kahulugan nito
Minsan mas okay pang kahalubiblo ang pipe at bingi
Dahil mas alam pa nila ang importansya ng ibang tao
Kaya muli kang humakbang palayo sa kanila
Hanapin kung saan ka nga dapat talaga
Dahil ikaw lang ang nakakaalam
Ng magiging lirika ng sarili mong kanta at tula
YOU ARE READING
Poems
PoetryTagalog poems that you can relate. Poems that i will publish is mine. Hope you like it guysssss E N J O Y