PROLOGUE

1.1K 19 9
                                    

PROLOGUE

* BROOOM - BROOOM *

" Kita nalang tayo dun-" di ko na siya pinatapos, pinaharurot ko na agad ang motor ko. Kahit na gustong gusto ko na mapag-isa hindi ko naman pwedeng iwan nalang basta ang mga kaibigan ko, tsk.

Nung natanaw ko na ang KaDria ay binagalan ko na ang pagpapatakbo. Dumiretso naman agad ako sa private parking at dun pinarada ang motor ko saka ko pumasok.

" Good Evening Ma'am" tumango nalang ako saka dumiretso sa office ko sa loob ng bar.

At maya-maya ay nakarinig na ko ng ingay. Soundproof to kaya mahahalata agad kung may papasok dahil maririnig ang ingay sa labas. Tsk maingay sa labas hanggang loob ba naman? Psh. Isa-isa na silang nagsidatingan at umupo sa kani-kanilang pwesto tumingin sakin.

" Ano bang pag uusapan?" Nakataas na kilay na tanong ko sa kanila.

" May pinapatrabaho satin" pinapatrabaho? Sino naman ang nag utos sa kanila at kinuha nila yun?

" Ahm.. Mag babantay lang naman tayo pero hindi niya alam"

" Tsk" dagdag trabaho tsk.

" Bukod sa ang laki ng bayad, hindi narin namin natanggihan dahil anlaki din ng utang na loob natin sa kanya" Sa kanya? Kaya pala hindi sila naka hindi.

" Bat di pinaalam sakin?" Takang tanong ko.

" Alam mo namang dumadaan muna sakin lahat bago makarating sayo diba? Saka nagpapagaling ka nun nung kinausap kami" mahabang paliwanang ni Janica saka tumingin kay Kade na parang may sinesenyas.

" At halos lahat, okay lahat kami agree dun kaya tinanggap na namin. Ginawa namin ang part namin, ginawa naming sobrang ganda nung offer para pag nalaman mo eh hindi ka na tatanggi" wala na talaga kong takas kung ganun?

Nanatali akong walang emosyon. Kitang kita ko naman sa mga ekspresyon nila ang kaba.

" Sino ang babantayan?" halos mapangisi ako ng makita ko ang mga mukha nilang na relieve.

" Damien. Damien Jacob Padua"

* Yeh, Alright Say the Name SEVENTEEN! Ye-*

" Ne?" Di ko na tinignan kung sino sinagot ko na agad. Masyadong kasing na occupied ng utak ko yung pangalan nung pinapabantay samin eh. Parang narinig ko na kung saan? aish di ko lang talaga alam.

Translation: Yes

" Cecilia.." Napaayos naman ako ng upo nung marinig ko ang boses niya.

" Appa" Pinanatili kong malamig ang boses ko kahit na parang sasabog na ko sa loob. Paniguradong alam niya na ang pinapautos samin.

Translation: Papa

" Are you free to night anak? May pag uusapan lang tayo. Pwede ka?" Ramdam na ramdam ko naman yung titig ng mga kasama ko sakin. Nakikiramdam din.

" Yes pa" Tipid na tugon ko, inaantay ang susunod niyang sasabihin.

" Arasseo, we are here in the Green Spot. Hihintayin ka namin"

Translation: Okay

" I'll be there in a thirty pa.Bye" Inintay ko namang magsalita siya pero ninaba niya na agad. Walang emosyong binaba ko naman ang cellphone ko galing sa tenga saka nila ko sinalubong ng mga tanong.

" Ano daw meron?" Nang iintrigang tanong ni Janica saka lumipat ng upuan at tumabi sakin.

" Kumokorean na naman ang lola niyo! Malamang importante diba?" Dagdag niya pa saka nilagay ang kamay sa baba at pinaningkitan ako ng mata.

" Eng-eng! Kahit naman di importante kumokorean yang si Kill no!" Gatong pa ni Yael sa kanya.

" Mga sira baka ipapakasal na sa di kakilala yang si Cecilia kaya tumawag si Appa" Sinamaan ko naman ng tingin si Kade at tinawanan niya lang kami.

" Alam mo di magandang biro yan. Kaimbyerna to! Mauuna ka munang makalbo bago mangyari yun!" Linapitan naman ni Janica si Kade saka niya sinabunutan pero nanatili parin akong masama ang tingin sa kanya.

" TEKA! Lumabas nalang bigla eh- AROUCH!"

" ARAY! HAHAHAHA napapala ng mga madadaldal kasiii! Nung nakaraan si Janica ginanyan mo nagkatotoo. Tas kahapon ginanyan mo ko ano nangyari sakin!? Nagkatotoo rin! Totoo pre manghuhula ka o mangkukulam?" Di ko na pinansin pa ang mga bangayan nila at tumayo na saka walang ano ano'y dumiretso sa pinto. Pero di ko maiwasang kabahan dahil totoo nga yung sinabi ni Yael. May sa mangkukulam ata yang si Kade eh tsk!

Bumungad naman sakin ang maingay na tugtog mula sa naglalakihang speaker sa bar. Nagdirediretso naman ako at nahagip ng mata ko ang relos ko. Tsk twenty five minutes!

Nung makarating ako sa pinagparkinan ko sumakay na agad ako saka to pinaharurot.

Nung mapadaan ako sa madilim na kalye ay parang may nag uutos saking huminto pero nilaban ko hanggang makarinig ako ng ingay, dun ako huminto.

Nineteen minutes! Shut!

Tanging sa motor ko lang nanggagaling ang liwanag sa buong kalye. Nakarinig na naman ako ng kaluskos sa bandang likod ko at pagharap ko dun.

" Ahhh!" Bago pa niya ko matamaan ay umilag na agad ako saka siya sinikmuraan.

At saka sila sunod sunod na sumugod.

" Magaling Queen" Di ko makilala at hindi ko rin siya makita kung saan. Medyo hinihingal pa ko dahil dun sa mga nakalaban ko. Shit! Lima laban sa isa!? Sinong di hihingalin!?

May bigla namang lumabas mula sa gilid ng motor ko at iniabot sakin ang isang papel. " Eto ang letter para sayo Queen. Nalampasan mo ang cover ng sulat kaya maaari mo ng basahin. Yun lamang" saka siya muling bumalik sa dilim at may lumabas na lalaki saka inalalayan ang mga napatulog ko na kasamahan nila.

Tsk eight minutes nalang!

Dali dali naman akong sumakay sa motor ko at saka ito inikot at dun ko nakita ang mga lalaking nakaitim. Paniguradong galing sa society to. Malapit na nga pala ang ranking.

Di na ko nagaksaya la ng oras dumiretso agad ako sa Green Spot mall. Pagkapasok ko palang may nagbow na agad sakin. Bodyguard nila papa. Iginaya naman nila ko sa isang mamahaling restaurant at dun ko sila nakita.

" Yoboseyo" Napatingin naman sila sakin, kasama sila mama at papa saka yung dalawa pa nilang bisita na mukhang mag asawa din, at saka ko nginitian ginantihan ko naman yun ng isang tipid na ngiti.

Translation: Hello

" Maupo ka muna hija" bumeso muna ko sa kanilang lahat bago ko umupo.

" Sa tingin ko kailangan niya na malaman bago pa natin sila pagkilalanin" sabi nung katapat ni papa, yung lalaki niyang bisita.

Nanatili naman akong nakikinig lang hanggang biglang lumingon sakin si papa. " Ikakasal ka na anak, sa anak nila"

Nanigas ako sa kinauupuan ko

" MWOYA!?"

Translation: What!?

Revise version of prologue.

04.11.16

LOVING HERTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon