CHAPTER 6

232 13 2
                                    

CHAPTER 6

DAMIEN JACOB's POV

" I'm Cecilia. Nice to see you all" saka sniya binaba ang ulo niya ng bahagya saka nakapamulsa paring umatras.

Bat di buong pangalan? Naexcite pa naman ako!

" Is that all? What's your last name?" Sa tingin ko ay pati si Maam eh nanghinayang din sa sinabi niya.

Napakunot noo ako at inantay ang sagot niya.

" Berdin miss" simpleng tugon nito saka lumingon sakin. Hindi ko yun inaasahan kaya hindi ko agad na iwas pero kalaunan ay napagtanto kong di siya sakin nakatingin kundi sa likuran ko.

May gusto pa ata to kay Evan!

" Okay." Nakita ko ang pagfrown ni miss ng marinig ang apelyido niya tinignan niya muna yung apat bago bumaling samin. Naghahanap na ata ng mauupuan nila.

" Miss Berdin seat beside Mister Padua. Miss Mandrano seat on the other side of mister Padua and Mister Rustan seat beside her. Mister Fontanilla you can seat on the other side of Miss Berdin"

Kinabahan ako. Katabi ko siya mauupo. Okay. Okay lang talaga.

Dapat di mo pakitang naapektuhan ka, pag upo lang yan saka magkasama nga kayo sa iisang bahay eh! Saka ano bang espesyal sa kanya para kabahan ka? Eh ni buong pangalan nga niya di mo alam.

Magkakasabay pero hiwahiwalay ang daan nilang lahat. Nagtaka ang iba at kasama na rin ako dun. Bago lang sila pero sinabi lang ni Maam ang apelyido ko hindi niya naman tinuro.

" Kilala nila si Damien?"

" Tange halata ba? Malamang!"

" Ni hindi nga tinuro ni miss pero alam nila"

" Sabay sabay pa kamo"

Nagpatuloy lang ako sa pakikinig ng usapan nila at napansing malapit na sila sa pwesto ko. Medyo nasa gitna ako nakaupo. May isang buong hilera pa bago ang grupo nila Evan na sadyang pumwesto sa pinaka likod.  Dalawahan lang ang upuan at ginawang alternate, babae sa kaliwa at lalaki sa kanan. Merong apat na column at limang row sa kwarto namin. Magkakalayo kada upuan. Hindi okupado lahat ng upuan, tantya ko ay nasa bente tres lang kami ngayon. Konti kumpara nung nakaraang linggo.

Tumunog ang upuan sa gilid ko at paglingon ko ay nakita ko si Cecilia na deretso ang tingin sa unahan. Sabay sabay silang naupo at deretso lang ang tingin sa unahan kaya napatingin na din ako. Pinapaliwanag ni Miss ang mga nakapaloob sa isang Research o Investigatory project also known as IP.

Nung nakaraan lang may kasama pa kong nakaupo sa row ko. Ngayon? Natakot ata kila Evan.

Pag mga gangster ba eh nananakit talaga? Kahit walang dahilan? Ano yun power trip?

Nung unang araw ay hindi pumasok sila Evan pero tahimik pa rin ang classroom dahil mga hindi pa magkakakilala ang iba, yung iba pamilyar pero hindi ko naman kilala ng personal. Nagulat nalang kami ng pangalawang araw ay pumasok sila.

" This may help other people--"

Natigil at napalingon kaming lahat sa pintong biglang bumukas na siyang lumikha ng ingay na nagpatahimik sa amin. Maski si Miss Cruz ay nagulat sa biglang pagbukas nito.

LOVING HERTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon