CHAPTER 1

574 16 0
                                    

CHAPTER 1

DAMIEN JACOB's POV

" Ang boring naman pre!" Winisikan ko naman siya ng tubig saka ko nagdive sa malalim.

" Gusto ko mang chicks! Pero di naman mawala sa isip ko yung grade ko sa Algebra ko tsk! GUSTO KO MAGRELAX!" Pagpaparinig niya pa. Napaisip tuloy ako sabagay isang linggo narin ang nakalipas simula nung nag umpisa ang klase at sobra nga talaga ang hirap. Iba pala talaga ang senior high. Kung wala lang K-12 dapat college na kami.

" Gusto mong kaltukan kita? Para kang bakla" sabi ko habang nagfo-floating papunta sa kanya.

" Weeee! Umahon ka na! Mangchicks na tayo! Let's Parteeh!" Sabi pa niya habang nakataas ang kamay.

" Pagbumagsak ka sa Algebra mo tatawanan lang kita" Sabi ko saka umahon.

Dumiretso naman agad ako sa banyo saka ginawa ang dapat kong gawin. Nagbihis nalang din ako ng simpleng white shirt saka pants.

Pagbaba ko nakita ko si Davis nanonood ng basketball.

" Tara bakla" asar ko saka kinuha sa tabi ng TV yung susi ko. Tumayo na naman siya saka lumapit sakin at batukan ako.

" Sino bakla ha! Sinong bakla!? LALAKE AKO!" Sinuntok suntok niya pa ang dibdib niya na animoy siya si kingkong pero tumigil din kalaunan at umaray. Siraulo kasi!

" Oo nalang pre, tara na" hinila ko nalang siya sa tshirt at natatawang binitawan siya sa harap ng kotse niya.

" San tayo nito? Gusto ko yung mabubutas ang bulsa ko saka yung tipong sobrang daming chicks" nagtaas baba pa siya ng kilay habang naka angkla ang braso sa pinto ng kotse niya. Halos lahat naman ng bar na napuntahan ko mahal, syempre depende parin sa kung ano at gano karami ang iinomin. Pero the best na bar ngayon at pinakasikat ay ang ..

" KaDria nalang pre, sa south" ngising ngisi naman akong sumakay sa kotse ko saka pinaandar.

" Sa dami ng chicks dun ako na naman ang titilian nako Damien, damien ang gwapo mo talaga hahaha" di ko alam kung bakit tuwang tuwa ako ngayon dahil ba ngayon nalang uli ako makakapagbar o dahil para makaiwas sa gawain sa school? TSK PANIGURADO PAREHAS! Sarap lang batukan ng ulo ko dahil kinakausap ko sarili ko.

" Tsk tsk major turn off yan Damien! Kaya habang maaga pa iwasan mo na kausapin ang sarili mo ah? Gwapo gwapo mo pa naman ngayon! Tsk tsk" Umiling iling pa ko para mas convincing.

Maya maya lang nakita ko na ang maliwag na ilaw na nanggagaling sa pangalan ng KaDria Point. Medyo natagalan kami sa pagpapark dahil punuan. Nung nakahanap ako ay nagpark agad ako medyo malayo ang nagpagpark-an ni Davis sakin pero halos sabay lang kami lumabas ng mga sasakyan namin.

" Pakshet pre! Labas palang ang ganda na! Pano pa yung loob!?" Nakangisi ko naman siyang nilingon saka nagtuloy tuloy sa loob. Pag harap ko sa kanya halos lumuwa yung mata niya ng makita niya yung kabuunan nung loob ng bar.

Kakilala na ko dito dahil barkada ko ang nag aya sakin dito noon bagong bukas saka kakilala nila Katsumi yung may ari kaya pinapasok agad kami binigyan nga din nila ko ng card para makapasok.

" Matagal ka na ba dito? Bat ngayon mo lang ako sinama! May pa card card pa! Dapat nung nalaman mo to sinama mo na ko nung next na punta mo para meron narin ako niyan! Kainis ka naman eh! Bagot na bagot na ko sa mga bars ko!" Tinawanan ko nalang siya kaya sinuntok niya ko sa braso.

" Ikaw tong mahilig magbar! Manong nagbar hopping kasi! Nawala ka na tuloy sa uso! Hahaha" susuntok niya pa dapat ulit ako pero natatawang iniwasan ko nalang saka ko dumiretso sa lagi kong pinupwestuhan. Nakabusangot na sumunod naman sakin si davis.

" Isang Jack Daniel's nga!" Binatukan ko naman siya saka ko umorder ng vodka.

" Si Damien yan diba? Omayghad ang gwapo niya pala talaga sa personal"

" Gaga! Kahit naman sa picture gwapo yan"

" Lilipat na talaga ko ng school para sa kanya! Lapitan natin!"

" Ano ka ba nakakahiya! Saka hinaan mo nga boses mo baka marinig tayo!"

Siniko naman ako ni Davis kaya nawala ako sa concentration sa pakikinig sa kanila. Dami ko talagang fans! WAHAHAHA

" Pre kanina ka pa pinag uusapan dun oh" Nginuso niya naman yung mga babae na pinapakinggan ko kanina.

" Pinapakinggan ko nga sila kung di mo lang ako siniko eh"

" Ano pre?" Ano daw? Nasabi ko ba yung nasa isip ko? AISH!

Tinignan ko nalang yung mga babae kanina saka sila nginitian. Pagbalik ko ng tingin nakarinig pa ko ng tili kaya napatawa nalang ako.

Pagtingin ko kay Davis, ABA! May babae ng kasama! Tsk tsk mas gwapo naman ako diyan no hahaha.

Napadako naman ang tingin ko sa entrance at maya maya eh nakahati ang tao. Tatayo na sana ko para tignan kung ano ang meron kaya lang nagvibrate bigla ang cellphone ko kaya tinignan ko muna.

From: MArMAlite
Anak nakauwi na kami ng papa mo. May importante lang kaming aasikasuhin at dapat ay kasama ka dun. Bukas after lunch sa The Knight. Nakareserve na yun. Love lots <3

Nakakunot noo ko namang binasa ng paulit ulit yung text. Nandito na daw sila? Kailan pa!?

KILLUA CECILIA's POV

" SHUT!" Sigaw ko saka sinuntok yung pader na katabi ko.

Hindi ko akalain na ganito lang mangyayri sa buhay ko na bandang huli didiktihan din pala nila kung ano ang gagawin ko.

Nanggagalaiting nagtype ako sa cellphone ko saka sumakay sa motor ko at pinaharurot paalis.

Pagdating ko nandun parin ang mga sasakyan nila. Mga kaibigan ko nalang talaga ang kaagapay ko ngayon.

Hindi ko na inayos yung parking at saka naglakad papasok. Hindi muna ko pumasok at tumayo lang ako sa bukana papasok. Dun naman unti unting napalingon ang mga tao sakin saka sila humawi at binigyan ako ng daan.

Mabuti naman at nakikiayon kayo. Dahil wala na ko dun kung may magawa ako sa inyo.

Nagtuloy tuloy lang din ako hanggang maka rating ako sa VIP room para samin.

Pagpasok ko palang ay natahimik na agad sila. Yung mga babae ni Yael ay pinalabas na muna ni Janica. Wala sa sariling naupo naman ako sa usual seat ko saka tinungga yung una kong nahawakan na shot glass.

Tahimik ang paligid tila ba nakikiramdam din sila sakin. Mas mabuting magpakalasing muna ko bago ko sabihin. Tahimik din akong inuubos yung mga shot glass sa mesa ng may pumigil sa kamay ko.

" Queen"

Wala sa sariling napatingin ako sa may hawak ng kamay ko saka ko tinignan yung kamay niya. Binitawan niya naman yun kaya tinuloy ko lang ang pag inom.

" Pakibatukan nga si Kade para sakin" walang ano ano'y sinunod nila ang sinabi ko.

" ARAY! TEKA-AISH! Oy wala akong ginawa!- ah" parang natauhan naman siya nung binanggit niya yung huling linya.

" Hoy KADE! Ano ginawa mo!?" histeryang tanong ni Janica kay Kade pero dinedma ko nalang yun saka nagpatuloy sa pag inom. Ramdam ko naman ang titig ni Kade sakin.

" Nagkatotoo" hindi makapabiwalang sambit niya. Punyeta kasing bunganga mo eh! Tuwing may biglaan kang nasasabi nagkakatotoo!

" Alin?" Tinignan ko naman ang magiging reaksiyon ni Kade sa tanong nung apat bagong dating.

" Yung sa kasal nagkatotoo" pikit matang sabi niya saka uminom sa boteng hawak niya.

" ANO!?"

Edited Chapter 1 ✔

LOVING HERTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon