CHAPTER 3

463 16 4
                                    

CHAPTER 3

DAMIEN JACOB's POV

🎵 That it was just a summerthing ten ne nen ten ten ten 🎵

" Hmm" nilabas ko naman yung kamay ko sa ilalim ng unan ko saka kinapa kapa yung tumutunog at nung nahanap ko naman ay pinindot ko agad para tumigil sa pagkanta saka ko nagconcentrate matulog ulit.

🎵 That it was just a summerthing ten ne nen ten ten ten 🎵

" Ano!?" Walang tingin tingin na sinagot ko ang tawag.

" Aba! Bumangon ka na!" Napadilat naman ako sa narinig kong boses.

" Mama?" Tinignan ko pa yung caller at tama nga si Mama!!

" Jusme! Bakit may iba ka pa bang kilala na ganito kalakas ang boses!? Nako! Bumangon ka na yung usapan natiiiin!" Naalis ko naman sa tenga ko yung cellphone pero rinig na rinig ko parin yung sigaw niya.

" Opo" dali dali naman akong bumangon at saka dumiretso sa CR.

Bat ba sa lahat ng makakalimutan ko yun pa? NAKOOO! Baka mapingot ako nito!

Pagkalabas ko naman ng banyo ay napatingin agad ako sa orasan.

Putik na malagkit!

Dali dali naman akong nagbihis ng shirt na sinamahan ko ng leather jacket, ripped jeans saka converse.

Nung naayos ko na lahat ay lumabas na ko ng condo ko at pumunta sa parking.

" Good afternoon ser" nginitian ko naman yung guard saka ko nagpatuloy maglakad.

Bat ba malayo ang pinarkingan ko! Patay ako kay mama nito!

Habang madali akong naglalakad naramdaman kong nagvibrate yung cellphone ko. Pagtingin ko si JC.

" BREGS!" sabay sabay na sigaw nila. Nasan na ba tong mga to? Kala ko may flight pa sila?

" Kala ko ba may flight kayo?" Sabi ko habang lumilinga linga kung nasan ang kotse ko.

" Meron! Eh mamimiss ka namin kaya tumawag kami!" Nagmamalaki pang sabi ni Seth. Nung matanaw ko naman ay halos lakad takbo ang ginawa ko.

" Eh saka si JC lang may load kaya siya nalang pinatawag namin hukhukhuk" nahawa naman ako sa tawa ni Kats. Pinatunog ko naman yung kotse ko saka ko pumasok.

" Oi bregs pag may problema wag mong kalimutang tawagan kami ah"

" Lam mo namang laging nandyan ang wonder pets para sayo" natatawang sabi ni JC

" Si Lini"

" Tac"

" At si mingming"

" Ang wonder pets tutulong sa iyo~" saby sabay na kanta nila.

Nasa airport na daw sila hinihintay na tawagin kaya ako muna ang ginugulo tutal daw ay mamimiss nila ko ng sobra. Nung tinawag sila ay saktong nasa tapat na din ako ng The Knights Hotel. Kaya naghanap nalang ako ng pag paparkingan saka ko nagpark.

Saktong pag baba ko ay ang pagbaba din ng taong nasa katabi kong parking space. Ngingitian ko sana siya kaya lang tumalikod sakin saka may kinuha sa compartment ng kotse niya kaya umiwas nalang ako ng tingin.

Pahiya ako dun ah!? Tsk!

Napatingin ako sa relos ko. Shooot! Mag aala una na.

Naglakad na naman ako papasok at napansin kong nasa likod ko yung babaeng katabi ko sa parking space. Hanggang sa makapasok ako.

LOVING HERTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon