Chapter 4

4.8K 108 0
                                    


Nakahiga lang ako sa kama ko, 30 minutes narin siguro ang nakalipas na ganto parin ang ayos ko. Wala paring tumatawag sakin.
Bumangon na ako at pumunta sa bintana at binuksan ito. Ramdam na ramdam ko ang sariwang hangin, napangiti ako dahil tanaw na tanaw ko ang malawak na lupa na sakop ng hacienda. Napansin ko na may mga bahay rin sa di kalayuan.

*tok tok tok

"Ma'am Brian nakahanda na po ang makakain, baba na raw po kayo sabi ng daddy niyo"
Sinara ko na ulit ang bintana at saka binuksan ang pinto. Sumabay na ako sa kasambahay pababa ng bahay.

"Halika ka hija, kain kana" sabi ni daddy

"Pagtapos mo kumain Brian wag ka muna aakyat. Magstay ka muna sa garden at ipapaayos ko kay manong Bert at manang Betty yung mga gamit mo sa taas" sabi ni mommy at saka tinapunan ng tingin si Letty. "Sis, ang laki ng improvement ng hacienda, tama lang talaga na ikaw ang namahala rito"

"Mababait ang mga nakuha kong tauhan dito sa hacienda sis, nakakatuwa naman at napansin mo ang pagbabago" natutuwa na sabi ni tita Letty habang nagbabalat ng saging. "And im pretty sure magugustuhan ng napakaganda kong pamangkin ang pagsstay dito, fresh na fresh ang hangin, at malay mo balang araw mas gusto na niya ang hacienda kesa ang siyudad, baka nga magpumilit pa siya na dito na lang habang buhay!" pagpapatuloy niya kinindatan pako at tsaka tumawa.

"Habang buhay? no way tita Let, mag aaral lang ako dito ng 4 YEARS at saka babalik ng maynila, yun ang deal namin ng dad and mom, right mom??" sabi ko at nagkibit balikat lang ang tatlo saka tumawa.
Pagtapos namin kumain ay napansin ko may mga kasambahay pa palang iba. Tatlong babae na nasa 20+ siguro at isang 30+ na babae plus siyempre si Manang Betty at Manong Bert. Nalaman ko na mag asawa sila manang Betty at si manong Bert at walang anak.
Dumeretso na ako sa likod ng bahay. May pool at may mga upuan, sa kabila naman may isang malaking fountain at may mga bulaklak na pananim. Malaki rin ang likuran ng mansyon. Naupo ako sa isa sa mga upuan na naroon. Naisip ko bigla yung sinabi ni tita Let. Na baka magpumilit pa ako na dito na magstay habang buhay. Naisip ko maganda ang paligid, napaka peaceful, pero hindi naman siguro ako ma oobsessed at manatili dito ng pang habang buhay dahil lang sa paligid. Naisip ko rin, kukuha ako ng kursong business management. Naghikab ako at saka pumikit.

Ang Pag Ibig ko sa Villa Hacienda (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon