Chapter 18

3.2K 87 1
                                    


'Hinding hindi na ako magtatagal sa bahay na ito, hindi ko na kilala si mommy, napakaselfish niya para ipamigay ako sa iba para lang masalba siya, napaka walang kwenta niyang Ina, how could she do that! at sa sarili pa niyang anak! to think na kababalik ko palang and 3 years kaming hindi nagkita'

Nag eempake na si Brian, wala rin siyang balak magpaalam, aalis siya sa bahay na ito, pupunta siya sa kahit saan makaalis lang siya sa bahay na ito. Bigla niyang naalala si Betty, isa sa mga namasukan sakanila dito sa maynila. Nang makapagempake siya ay hinanap niya ang personal files ng mga katulong nila sa opisina ng parents niya dito sa loob ng bahay nila. Nagdasal siya na nandoon pa iyon kahit wala na dito ang mga dating katulong. Nang makita niya ito ay agad niyang hinanap ang contact number ng yaya Betty niya at address nito. Iniayos niya ang mga files sa dating pwesto nito.

May pera naman siya kahit papaano. Mag checheck in muna siya sa isang hotel malayo sa bahay nila. Bukas na siya pupunta sa bahay ni Manang Betty.

Nakapagcheck in na si Brian sa isang hotel. Inoff niya ang cellphone niya at nagpasyang magpahinga na.

"Ma'am Brian! naku mabuti naman at bumalik kana! naku namiss ka namin bata ka!" kaso napatigil ito ng makitang may mga gamit siyang dala.

Ikinwento niya dito ang lahat ng nangyari, nagkwento rin ito sakaniya.

"Hindi kami makapaniwala na mangyayari ito sa pamilya niyo. Sorry ma'am Brian."

"Naaalala ko po sainyo ang isang tauhan sa Hacienda. Betty rin po ang pangalan niya." pag iiba nito.

"Nanay Betty parang awa niyo napo tulungan niyo ako. Wala na po akong malalapitan, hinding hindi ko na po kayang manghingi ng tulong kay Tita Letty, lalo na at nagdesisyon narin ito at nagpunta na ng Canada. Malayo na po siya sa Pilipinas at ayokong idamay siya sa mga nangyayari dito." ngumiwi si Betty.

"Hindi mo kailangang makiusap señora, pwedeng pwede po kayong manirahan dito, Sunday lang akong umuuwi dito, wala kang kasama dito okay ka lang ba dito?" kumunot naman ang noo ni Brian.

"San po kayo nagpupunta?"

"May malaking bahay na gaya ng sainyo medyo may kalayuan dito ma'am namamasukan ako doon bilang katulong at nakakauwi ako dito ng linggo minsan hindi na rin ako umuuwi at naglalagi nalang doon, mababait ang mga bago kong amo. Mabuti na lamang at saktong andito ako sa bahay at nadatnan niyo ako dito."

"Isama niyo po ako." walang kagatol gatol na sabi niya.

"Huh? ano pong ibig niyong sabihin?"

"Ipasok niyo po ako bilang katulong, gusto kong may matirhan ako kasama ka nanay Betty, gusto kong simula ngayon ay paghirapan ko ang bawat araw ko, magtrabaho ako para saakin, ayoko na pong umasa sa iba at lalong ayokong maging pabigat. Please nanay Betty baka pwedeng ipakiusap niyo ako"

"Señora pag isipan niyo po muna.. isa pa hindi kayo bagay na maging katulong." pag aalala nito.

"Alam ko pong lahat ng bagay ay nakukuha ko dati, dati iyon nanay Betty, pero nung naglagi ako sa hacienda lahat natutunan ko. Please nanay Betty, hindi ako magiging pabigat sainyo, ipinapangako kong hindi ako gagawa ng mali sa trabahong ibibigay niyo saakin. Please naman ho." bumuntong hininga si Betty.

"Señora bakit hindi nalang po kayo mag apply sa mga kumpanya, sigurado akong—"

"Kilala po ako ng karamihan sa mga kumpanya. At higit sa lahat ay hindi papo ako nakapagtapos sa pag aaral, parang awa niyo naman po Nay Betty."

Sa huli ay napapayag niya rin ito.

Nangako si Nanay Betty na siya na raw ang bahala dito. Nagkasunduan rin sila na iibahin nito ang pangalan niya "Eunice Heneroso" yan ang pangalang napagkasuduan nila at ipapakilalang pamangkin ni nanay Betty.

Ang Pag Ibig ko sa Villa Hacienda (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon