Harry's pov"Wow. Wow as in wow talaga miss. Wow magic! hindi ko naman alam na dito ka pala nakatira sa mansyon." hindi makapaniwala kong sabi habang nakatingin sa kanya na nakaupo dito sa ng likod ng mansyon, pinasadaan ko siya ng tingin magmula ulo pababa. Nakawhite t shirt siya nakamaong shorts nakalugay ang mahabang kulot na buhok niya, namumula mula ang kanyang mga pisngi, at ang kanyang mga labing mala Angelina Jolie.
"Ang ganda ganda mo pa din kahit nakasimangot ka, naisip ko tuloy ano pa kaya kung nakangiti kana, sa totoo lang mukha kang artista at sa tingin ko bagay tayo." Kumunot pa lalo ang noo niya at tska bumuntong hininga.
"Hoy lalake bat ang hilig mong magsusulpot, ang aga aga pa para mambwisit ng ibang tao oh, at tsaka bat dimo muna try na magtanong kung gusto ba kitang kausap." yun lamang ang sabi niya at ng akmang aalis na, hinarangan ko siya.
"Miss.. maganda sigurong pakinggan kung Harry nalang ang itawag mo sakin, at mas maganda siguro kung alam ko pangalan mo, tutal alam ko naman na address mo." sabi ko sabay turo sa mansyon. "Ang ganda ganda ng sinag ng araw sarap siguro mangabayo baka gusto mong date tayo." Kung nakamamatay lang ang tingin siguro patay na ako ngayon, ang sarap niyang asarin, magbubuka na sana siya ng labi ngunit biglang may dumating, si señora Letty.
"Oh Harry, nakakatuwa naman at bumalik ka dito sa hacienda" tumingin siya kay miss mataray. "Oh Brian kilala mo na ba si Harry? tauhan natin yan dati, tumutulong siya dito, pamangkin siya nila manang Betty at manong Bert. Harry pamangkin ko si Brian anak siya ng nag iisa kong kapatid."
"Brian..napakagandang pangalan." nginitian ko siya at saka bumaling kay señora.
"Señora natutuwa nga din po ako at nakabalik ako dito sa hacienda, mas lalo pa pong gumanda ang paligid." sumulyap ako kay Brian. "Napakaganda.."
"Ano itutuloy mo ba talaga ang pagpupulis mo? bagay sayo ang maging modelo, sa height mong yan at itsura mo eh bagay na bagay sayo." umubo si Brian sabay palihim na umirap sakin.
"Oh Brian okay ka lang?"
"Ah opo tita, sa totoo lang may naisip na po akong ibang pagkakaabalahan ngayong bakasyon gusto ko pong matuto magjudo, karate, taekwondo, gusto ko po magsisipa at magsusuntok ngayon."
"Aba delikado, bat naman yun pa naisip mong gawin hija."
"Para narin po sa proteksyon ko, nagkalat napo kasi ngayon ang mga ADIK sa paligid." natawa nalang ako ng malakas, napatingin naman ang señora at si Brian saakin.
"Kung gusto niyo ako na po ang magtuturo sa pamangkin niyo señora, may subject po kasi kami dati na martial arts, pinagpatuloy ko po iyon at black belter napo ako, marunong rin po ako magjudo." nagulat naman si Brian sa kanyang narinig at agad na nagprotesta.
"Nagbago na isip ko tita, pag aaralan ko nalang yung mga tinuturo niyo sakin na pamamahala dito sa hacienda, ahmm pasok napo ako tita, excuse me." tinapunan muna niya ako ng nakamamatay na tingin bago tuluyang umalis. Hindi ko naman mapigilan ang mapangiti.
"Hindi ko alam anong nakain nun, ang gulo ng utak, pabago bago, o siya asan nga pala si manong Bert? may ipapagawa sana ako sakanya."
"Dadating narin po iyon maya maya señora inaayos lang po kanina yung mga gamit nilang mag asawa, salamat po ulit sa pagtanggap niyo saakin dito, una na po ako maam, baka nakakaistorbo narin po ako sainyo."
"Naku walang anuman, o pag isipan mo ha, may mga kaibigan akong may model agency sigurado ako tanggap ka dun, ikaw bahala magdesisyon." nakangiting sabi ni ma'am Letty
"Naku salamat po pero pagpupulis po talaga ang gusto kong tahakin."
Pagkatapos kong magpasalamat nagpaalam narin ako ng maayos at saka umalis ng mansyon.
BINABASA MO ANG
Ang Pag Ibig ko sa Villa Hacienda (COMPLETED)
Roman d'amourSi Brian ay isang nag iisang anak, mayaman at nakukuha lahat ng gusto niya ang kaso dumating ang araw na bumaliktad ang sitwasyon, nawalan sila ng pera at nasubukan niyang mag apply bilang katulong..Naging sila ng amo niya pero niloko siya nito, pe...