Harry's pov(Pamangkin siya ni manong Bert. Graduate ng Criminology at kakapasa lang sa board exam ang kaso 2 years pa bago magkaroon ng quota ang pulis. Pangarap ni harry ang maging pulis kaya naman aantayin niya talaga na magkaroon ng recruitment ang PNP)
"Sure po ba kayo tito Bert na pwede po akong maglagi muna dito? baka naman po kasi eh nakakahiya sa señora Letty."
"Ano kaba naman iho, kilala mo naman yang si señora, parang hindi ka naman niya naging tauhan dati."
"Sabagay, pero alam na po ba niya na dito muna ako mamamalagi sa hacienda nila tiyo?"
"Abay oo naman. Sinabi ko na sakanya kahapon pa. Natuwa nga siya at pagtapos ng anim na taon eh nagbalik ka ulit dito, sabi niya din pasyal ka daw sa mansyon." masayang kwento ni tito Bert saakin, napangiti naman ako at sa wakas may mapagkakaabalahan na ako at hindi lang yun, magkakapera pa bago magkaroon ng quota sa pulis. Malaki lagi bigay ng señora sa mga tauhan niya na nagaalaga at katulong niya sa pag aayos ng pamamalakad sa hacienda, kaya naman ito kaagad yung naisip ko na puntahan noong malaman kong di pa ako makakapasok sa pagpupulis.
"O siya tiyo, umpisahan ko na po ngayon yung bilin niyong tignan yung manggahan. Salamat ulit tiyo! baka bukas ho ako pupunta ng mansyon." yun lamang at nagpaalam na ako.
Brian's pov
Nakasandal ako sa puno ng mangga iniisip ko lahat ng mga narinig ko kay tita kanina, isa lang ang napansin ko, konting sakit lang ang naramdaman ko, siguro dahil nag expect narin ako dati pa na wala na nga akong importansya sakanila. Tumigil narin ako sa pag iyak. Isa na lang ang gusto ko ngayon. Ang makausap si mommy at daddy at alamin lahat ng nangyari.
Tatayo na sana ako nang may marinig akong lalaki sa paligid.
"Diko naman akalain na may magandang binibini pala dito sa loob ng hacienda" napasulyap agad ako sa pinanggagalingan ng boses na narinig ko. Nabaling agad paningin ko sa mukha niya pababa sa paa niya at pabalik sa mukha niya ulit. Nasa 5'11 siguro ang height niya, may malapad na balikat, makapal ang kilay, matangos ang ilong, tapos nakangiti pa.. yung ngiting abot hangang tenga..itsura niya? okay lang naman, siguro pwede siya idescribe na tall dark and handsome, or pwede na?
"Hi miss beautiful" nakangisi niyang sabi at sinabayan pa ng kindat. At mayabang.. oo mayabang nga, bat hindi ko kaagad napansin yun e yung paraan palang ng pagkakatitig niya sakin ang presko na. Napaismid nalang ako at tska tumayo.
"Im harry" sabi niya ulit at saka inabot pa ang kanyang kamay.
"Wala akong panahon at lalong wala ako sa mood makipagkilala." mataray kong sabi at linagpasan na siya kaso hinarangan niya ulit ako. Aba't sinusubukan ata ako nito.
"Kilala ko lahat ng mga tao dito sa Villa Hacienda.." tinitigan ako sa mukha. "Sinong nanay at tatay mo? I mean san ka banda nakatira dito sa hacienda? tagabantay karin ba ng manggahan? nagbabakasyon ka lang ba dito? ako kasi naparito lang pero siguro magtatagal din ako--"
"Alam mo diko akalain na maiirita ako sa taong hindi ko naman kakilala, kung makapagkwento ka parang close tayo ah!" naiirita na ako sa ungas na to. Kumakabog nairin ng malakas ang dibidb ko sa hindi maipaliwanag na dahilan. Mas lalo pa akong nainis ng bigla siyang tumawa ng malakas. Napakagat naman ako sa labi ko para pigilan ang galit ko at lihim na nagbilang para kalmahin ang sarili ko.
"Tsk tsk tsk tsk hindi ko akalain na sa napakagandang mukha mong iyan eh kabaliktaran ng ugali mo, nakikipagkilala lang naman ako miss, hindi naman siguro masama iyon."
naiiling niyang sabi at sinabayan pa ng kanyang pagyuko para magtapat ang mukha namin."Aba't-- hoy lalaki! wala kang karapatan na husgahan ako! Oo nga't nakikipagkilala ka pero ang tanong gusto ba kitang makilala? HINDE!!" binulyawan ko siya at pinagtuturo at saka ako umalis.
BINABASA MO ANG
Ang Pag Ibig ko sa Villa Hacienda (COMPLETED)
RomanceSi Brian ay isang nag iisang anak, mayaman at nakukuha lahat ng gusto niya ang kaso dumating ang araw na bumaliktad ang sitwasyon, nawalan sila ng pera at nasubukan niyang mag apply bilang katulong..Naging sila ng amo niya pero niloko siya nito, pe...