LONELY DANCING SHOE (The Rhythm of Love) CHAPTER 2

61 0 1
                                    

            Nagmamadaling pumunta sila Ken at Ned sa Dance Club kaya’t hapong-hapo sila ng makarating sila sa pinto. Sa kabila noon, napansin pa rin agad ni Ned, si Vetsy.

            “Oy Ken, yung babae kanina.” Bulong ni Ned.

            “Wag ka ngang maingay dyan.” Pabulong na sagot ni Ken. “Ah..sorry we’re late!” pagpaumanhin ni Ken.

            “Sorry po late kami.” Pahabol ni Ned.

            “Sige na, maupo na kayo.” Sagot ni Jes.

            Payukong dumaan sila Ken at Ned sa harapan at doon naupo malapit board.

           “Ok, ayun na nga,” Pagpapatuloy ni Jes. “ Kaya tayo nandito ay para sa darating na Foundation Day. Magkakaroon ng dance contest ang bawat dance department. Maglalaban-laban lahat..classiccal, hiphop, dance sports, pole dance, techno...etc… Gaganapin yung event sa gymnasium. Pwedi nyong bisitahin yun anytime para sa blockingz. You may even start your reahersals today. Mga dance choreographer nyo na ang bahalang mag-usap sa schedule ng oras ng mga reahersals nyo. That’s all for now, If you have any questions, violent reactions, etc.. sakin kayo lumapit. Ok!”

            “Ok!” sagot ng lahat.

            “Ok, you may go.” Pagtatapos ni Jes.

            Naglabasan na ang lahat at nahuli lumabas si Vetsy. Sinadya nya talagang magpahuli lumabas dahil kinakabahan syang makita sya ni Ken. Paglabas nya, wala na doon sila Ken kaya’t nakahinga na sya ng maluwag at dumiretso na sa kinakainan nilang magkakaibigan(sila Alice, Carlin at Raisa) sa Tindahan ni Aling Nena(karindirya).

*----------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------*

            Habang naglalakad si Vetsy, di pa rin nya mapigilang isipin si Ken.

            "Geeeeeeeeezzzzzz!!!! Kalaban namin sila Ken! That means… that means… pwedi kaming magkita sa gymnasium!!!!!! Wha!!!!!!!!!!!!!! P..pero…dipende yun kay choreo Ysa.” Kausap ni Vetsy ang sarili at di namalayang lumagpas na sya sa Tindahan ni Aling Nena. Mabuti at nakita sya ni Pammy(classmate din nila na close din sa kanilang magkakaibigan).

           “Vetsy!” sigaw ni Pammy.

            Lumingon naman si Vetsy. “Oy, Pammy.” Napatingin sya sa lugar at napansing nakalagpas na sya sa pupuntahan. Patakbo syang lumapit kay Pammy.

           “Saan ka pupunta Vetsy?”

           “Ha..? ah..eh… wala.. ditto talaga ako pupunta sa Tindahan ni Aling Nena. Di ko lang napansin na lumagpas na ko.” Sabay kamot sa ulo. “eh, ikaw..bakit ka nandito?’”

           “May bibilin lang ako sa kabilang tindahan.”

           “Sige, antayin kita ditto. Dalian mo ah..”

           Sa loob ng Tindahan ni Aling Nena, kumaway si Raisa, para Makita sila nila Vetsy. Sumagot naman din ng kaway si Vetsy, at sumenyas na inaantay nya si Pammy at susunod na sila doon.  

            Pagbalik  ni Pammy.

          “Tara na.” pagyayaya ni Pammy kay Vetsy.

          Tumango lang si Vetsy at pumasok na sila sa Tindahan ni Aling Nena.

(sarap ulit-ulitin ng Tindahan ni Aling Nena! Haha! Isa pa.. Tindahan ni Aling Nena! Tindahan ni Aling Nena! -- Tomo ne nge.. para na kong timang! Bwohoho! XDDDDD)

Lonely Dancing ShoeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon