LONELY DANCING SHOE (The Rhythm of Love) CHAPTER 7

15 0 0
                                    

Foundation Day na ng National Music College for Young Artists(NAMCYA). Nagsimula na rin ang program para sa araw na ‘yon. Sa opening ceremony, isang malakas na fireworks ang naghudyat ng simula ng totoong kasiyahan. Nagbukas na ang iba’t ibang booths ng mga mag-aaral. May horror booth, Wedding booth, may mga bilihan ng maiinom at makakain na puro istudyante ang naghanda.           Nagsimula na rin ang parade ng bawat year at colleges. At bawat klase ay may kanya-kanyang kulay ng T-shirt na nagrereprisinta ng major course na tinitakeup nila. Meron din silang mga tarpauline ng kanilang mga courses at year levels.

Pagkatapos ng opening ceremony, busy na ang lahat sa pag-e-enjoy sa mga booths…maliban syempre sa mga participants ng competition at kabilangdoon sila Vetsy. Habang abala ang lahat sa kasiyahan, sila Vetsy, naman at ang ibang participants ng competion ay naghahanda na, nagbibihis sa nag-aayos na. Nagtutulungan anggrupo nila Vetsy, mag-ayusan ng buhok, nagme-makeup at nagpapawala ng kaba, nagdadasal..ang iba’y tumatalon, naglalagay ng barya sa sapatos at kung ano-anu pang paraan upang mawala ang kaba. Maya-may’y tumunog na ang bell na hudyat na dapat ng pumunta lahat ng participants ng competition sa gymnasium; na sinundan ng pagtawag sa kanila ng event organizer mula sa malaking speaker. “Tinatawagan ang mga participants ng competition, maaari po lamang na pumunta na sa gymnasium. Magsisimula na po ang kompitisyon.”

Sa gymnasium, nagsimula na ang ceremony ng competition, malakas at masayang tugtugin at mga emcee na magigiliw. Nirecognize ang pagdalo ng presedente ng University, pinakilala ang mga judges at sinimulan ang competition. Habang nagpeperform na ang ibang naunang grupo, hinanap ni Vetsy sila Ned, para batiin ng Good Luck. Nakita nya ng mga ito sa gilid malapit sa backstage. “Oy, Ned, Ken. Good Luck ah..!” nakangiting pagbati ni Vetsy. Dahil medyo busy sila Ken, at medyo malayo din sa kinaroroonan ni Vets, nginitian lang nila si Vetsy bilang sagot sa pagbati nito. Di naman inaasahan na nakita ni Vetsy ang kapatid nyang si Jacy(na doon din nag-aaral). Ang alam ni Vetsy, hindi papasok si Jaycy, dahil tinatamad syang manood ng program ng Foundation Day. “Oy Jacy, kala koba di ka papasok?”

“Dapat nga hindi eh..kaya lang may attendance daw eh..” sagot ni Jacy, na halatang badtrip dahil may attendance pa sila.

Out of the blue, naisipang ipakilala ni Vetsy sila Ken at Ned, kay Jacy. (actually, si Ned, lang talaga ang gusto nyang ipakilala kay Jacy. ) “Wait lang, papakilala kita sa mga friends ko.”

“Eh?”

“Basta!”

Hinila ni Vetsy, si Jacy, palapit ng konti kila Ken at Ned. “Ken, Ned!” Pagtawag nya sa dalawa. Lumingon naman sila.

“Oy!” sabay kaway kay Vetsy.

Tinuro ni Vetsy si Jacy sa kanila at ipinakilala. “Si Jacy, nag pala, kapatid ko.”

“Kaya pala kamuka mo.” Sagot ni Ned.

“Syempre kapatid ko nga eh, alangan namang kamuka ng kapitbahay ko.” Sabay tawa. “sige, alis na kami.” Kumaway lang sila Ken at Ned na senyas ng OK, kay Vetsy, dahil masyado silang busy dahil malapit na silang magperform.

Hindi alam ni Vetsy at hindi rin nya maintindihan kung bakit pumasok sa isip nyang ipakilala sila Ned at Ken sa kapatid nya. Ni minsan, wala pa syang pinakilala na  kaibigan nyang lalaki sa mga kapatid nya. At ang pinaka pinagtatakahan nya, kung bakit talagang si Ned, lang ang gusto nyang ipakilala. At sobrang excited at kabado sya nung ipinakilala na nya sila. Lutang pa sya ng makabalik sya sa grupo nila, kamuntik na nyang mabangga si Droj, buti na lang nakita sya nito at naiwasan. Sinundan sya ni Droj, dahil napansin nyang wala sa sarili si Vetsy. “Hoy Vetys!” Panggugulat ni Droj.

“Oy Droj, kaw pala.”

“Ba’t tulala ka dyan?’

“ha…? Eh…”

Lonely Dancing ShoeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon