LONELY DANCING SHOE (The Rhythm of Love) CHAPTER 4

22 0 0
                                    

Pagkatapos ng program, nag-CR  saglit si Vetsy. Pagbalik nya, napansin nyang wala na doon sila Raisa at nakita nyang kusap ulit ni Irna, si Ken at Ned, pero wala doon si Paul. Tinawag ulit sya ni Irna, tutal magkakilala na sila ni Ken, lumapit na sya ng walang pag-aalinlangan.

            “Irna, asan na sila Raisa?” Nagtatakang tanong ni Vetsy.

            “uhm..umuwi na sila, di ka na daw nila maantay..” Nakangititng sagot ni Irna.

            “Bakit naman kaya sya nakagiti…?” nagtatakang tanong ni Vatsy sa sarili.

            “Sumabay ka na lang daw kila Ken at Ned, tutal pareho lang naman ang way nyo pauwi.” Pagpaptuloy ni Irna.

            Napangiti na lang si Vetsy…. “Mga bruha tong mga kaibigan ko na toh! May masama pa lang balak sakin! Humanda kayo sakin bukas.” ..habang kausap ang sarili.

            “Sasabay ka diba…?” Pangiting sabi ni Irna kay Vetsy, halatang namimilit.

            “Isasabay nyo sya diba?” Nakangiting pakiusap nya kila Ken at Ned.

            “Sige, sasabay na lang ako sa inyo.” Sabat ni Vetsy, para tumahimik na si Irna.

            “Ayan! Ok, na! sabay na kayo ha.. Ingatan nyo yan si Vetsy.” Tuwang-tuwang sabi ni Irna. “Sige, bye-bye!” at nauna na syang umuwi.

            Kumaway na lang ang tatlo sa kanya. Pagkalayo ni Irna..

            “Tara na!” Pagyayang umuwi ni Vetsy.

*---------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------*

            Sinamahan nila Ken at Ned, si Vetsy maglakad hanggang sakayan kahit na hindi naman talaga sila naglalakad hanggang doon. Sumakasay sila hanggang sakayan, kahit na maari naman iyun lakarin. Sadyang kuripot lang talaga si Vetsy. Sa daan nila pauwi, maayos naman sila mag-usap. Walang ilangan at all, para silang magtotropa.

            “So, ilang taon na kayo?” Tanong ni Vetsy, sa dalawa.

            “Ako, 20 na.” Sagot ni Ken.

            “Ikaw Ned?”

            “Ikaw muna, ilang taon ka na?”

            “18 years old, ako. Ikaw?”

            “19, na ko. Bakit, di ba halata?”

            “Hindi.” Sagot ni Vetsy.

            “Anong year nyo na?” Tanong ulit ni Vetsy.

            “Second year,” Sagot ni Ned.

            “Ikaw Vesty?” Tanong ni Ken.

            “Third year.” Napaisip si Vetsy, at narealize nya na matanda na ang edad nila Ken at Ned para sa year, nila. Pero hindi na lang nya masyadong pinansin dahil naisip nyang wala pa syang karapatang magtanong ng tungkol duon. Baka isipin pa nila na masyado syang nanghihimasok sa pribado nilang buhay nila.

            “Vetsy, bakit mag-isa ka lang umuuwi?” Tanong ni Ned.

            “Anong bakit mag-isa lang…? Alangang magdalawa.. duh!”

            “Hindi yun… I mean, nasan yung boyfriend mo?”

            Napailing si Vetsy, sa tanong na yun ni Ned. “Huh? Eh? Wala akong boyfriend noh. Never pa kong nagkaboyfriend.  Dakilang NBSB, ako eh.”

Lonely Dancing ShoeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon