LONELY DANCING SHOE (The Rhythm of Love) CHAPTER 12

38 0 3
                                    

Lingo ng hapon, kasama ni Vetsy, ang mga SC friends nya na sila Belle, Gararldyn, Elise, Lovie at Lyzzy, sa Bay Walk. Hindi naman karaniwan na magkita-kita ang mga SoCute friends pag lingo, pero sa pagkakataong ito, kinontact silang lahat ni Vetsy, para lang magkita at magkwentuhan tungkol sa kani-kanilang mga buhay. Nakaupo lang sila sa gilid ng BayWalk at nakatingin sa palubog na araw habang nagkukwentuhan. Dahil si Gerarldyn, ang katabi ni Vetsy, sya ang pinakanakakausap nito.

“Musta naman ang buhay mo Vetsy? Parang busyng-busy ka na ah.. Buti naisip mong magkita-kita tayo ngayon.” Sambit ni Gerarldyn.

“Oo nga eh.. busy-busyhan lang!” Sabay tawa. “Pero hinde, seryoso na…may ikikwento ako..”

“Oo nga daw..nabanggit na nila Belle, sa text nung nakaraan.. natutulala ka raw bigla.” Sabay tawa na parang kinikilig. “Aaaaaaaaaayyyyeeeeeeeee!!!! In love ka na bakla!!!!!!!!!!!!!” Pang-aasar ni Gerarldyn.

Ngiti lang ang isinagot ni Vetsy, sa pang-aasar na iyon ni Gerarldyn..Hindi nya alam kung aaminin na nyang in love nga sya kay Ned.

“Sige na Vetsy!!!!!!! Umamin ka na.. kayo na ba?”

“Hindi noh..”

“Tsss! Hindi PA!..pero… nanliligaw naman?”

“Hindi.”

“Pano nga magiging kayo nyan kung di naman pala nanliligaw… wait! Ano nga palang name nun?”

“Ned.” Sinambit nya ang pangalan ni Ned, na may kasamang matamis na ngiti.

“Aaajjuuuuuuu!!!!!!! Kinikilig ang bakla!!!!!!” pang-aasar ulit ni Gerarldyn na halatang sya ang kinikilig para kay Vetsy.

“Hindi kaya ako kinikilig…never akong kinilig sa baboy nay un noh!”

“Baboy? Bakit, mataba ba ‘yon? At hindi ka kamo kinikilig…? Eh, bakit ngiting-ngiti ka dyan? Hhhhhhhhmmmm!!!!!!???”

“Oo bakla, mataba ‘yon si Baboy!” Sabay tawa si Vetsy. “and wait! Ako? Nakangiti?” sabay turo sa sarili…”Hindi kaya..” (matanggi lang eh, noh! XDDD)

“Naku ka Vetsy, wag ka ng magdeny…halatang halata ka na.. ibang-iba ang glow mo! Tignan mo..nagbublush yang pisngi mo oh! Aaaayeeeeeeeeee!!!!!!!!!”

Napahawak pa sya sa pisngi nya na parang makikita nya na namumula nga ang pisngi nya. Habang nakahawak sya sa pisngi nya, biglang pumasok na naman sa utak nya si Ned..at napangiti na naman sya bigla.. nang mabalik sya sa kanyang ulirat, nahuli rin nya ang sarili na nakangiti habang iniisip si Ned. “Ai kamote! Nakangiti nga ako!” Iyon na lang ang nasabi nya sa sarili..

“Ohhhh..kita mo na Vetsy… Sabi sa’yo eh! I told you! So..Kwento na bakla..” kinikilig na sabi ni Gerarldyn, habang tinutusok-tusok nya si Vetsy, sa tagiliran ng kanyang hintuturo. Habang si Vetsy, naman ay nakikiliti.

“Oo na nga po! Magkukwento na! Wag mo na kong kilitiin!” Nang marinig iyon ni Gerarldyn, tumigil na sya sa pagtusok kay Vetsy. “Ganito kasi…” at napakamot sya sa ulo.. “pano ko ba sisismulan… hmm..”

“Pano mo, ba sya nakilala?”

“Nakalaban namin sa sayaw nung Foundation Day. Pero hindi naman talaga sya yung crush ko nung una.. friend sya nung crush ko dati na kahawig ni Orlando Bloom. Naku! Ewan ko ba! Ni hindi ko nga naging crush yun si Boboy, kahit kelan. Inis na inis nga ako dun dati eh.. pero… Ewan! Napapasaya nya ko ehh..ewan ko ba.. kakaiba nga Geh, eh..”

“Baka sya na ang iyong Only Exception”

Noong mga panahon na sinabi ‘yon ni Geh, hindi pa naririnig ni Vetsy, ang kantang The Only Exception ng Paramore..kaya iba pa ang nasa-isip nya..As is lang.. yung words na ‘yon….“ONLY EXCEPTION”. Pero hindi pa rin nya maamiin sa mga kaibigan nya ang kanyang nararamdaman, marahil ay dahil sa gusto muna nyang malaman ang nararamdaman ni Ned, para sa kanya.

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Nov 13, 2012 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

Lonely Dancing ShoeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon