LONELY DANCING SHOE (The Rhythm of Love) CHAPTER 3

42 0 0
                                    

            Unang araw na ng rehearsal ng mga participants sa darating na dancing competition. Dumating sila Vetsy ng mas maaga ng isang oras sa time rehearsal schedule nila, uwian na rin naman kasi nila kaya dumiretso na sila sa venue. Pagdating nila doon…

            “Oh My Gaoush!” Pabulong na nasabi ni Vetsy. Nalaglag pa ang hawak nyang bag dahil nakita nya ang crush nyang si Ken.

            “Oy Vetsy, si Ken oh..” Kinikilig na pang-aasar ni Droj. Tinawag nya ang mga kagroup nila at patagong itinuro si Ken.“Guys, yun yung crush ni Vetsy. Wag kayo masyadong pahalata…ayun oh! Yung maliit na nagsasayaw.. yung cute guy nay un.”

            “Gwapo nga!” Pagpupuri ni Carlin, kay Ken. “Pero…maliit nga sya.” Panghahamak naman ngayon. (ewan tuloy kung pinupuri or hinahamak nya si Ken… hohoho! XDDDD)

            “Ok lang yun.. at least kahawig ni Orlando Bloom!” Pagtatanggol ni Vetsy.

            “Kamuka ba talaga? Parang di naman.” Sagot ni Carlin.

            “Di ko naman sinabing kamuka, sabi ko KAHAWIG nya.” Pagpapaliwanag ni Vatsy.

            “Bahala ka. Ewan ko ba sa mata mo.” Patawang sabi ni Carlin.

            Dahil mas maaga sila sa schedule, naupo muna sila sa bench. Sa tinagal ng pag-upo nila doon, halos walang ibang ginawa si Vetsy, kundi tumitig kay Ken. (Haizt! Kakakilig! Nga nemen..pag may crush ka telege noh! Hoho! XDDDD)

            “Grageh! Kahawig talaga nya si Orlando Bloom! Sayang lang..kulang sa height!” Kausap ni Vetsy, ang sarili habang nakatitig kay Ken.

            “Hoy Vetsy!” Pang-gugulat ni Raisa. “baka matunaw si Ken nyan.” Sabay tawa ng pag-aasar.

            “Di naman..” Pagtatanggol ni Vesty sa sarili. Bigla na naman syang natulala kay Ken. “Grabeh talaga! Naku, dapat maging close kami ni Ken! Wahaha! Sisiguraduhin kong magiging close kami! Bwahahahaha! Kaya dapat maging close ko rin yung asungot na lagi nyang kasama. Baka yung asungot pa na yun ang maging dahilan ng paglalapit namin ni Ken!!!!!!! *evil smile*” Parang ewan na kausap nya ang sarili. (Mga imagination talaga neto ni Vesty, oh! Tsk tsk!)

           Habang kung anu-ano ang iniisip ni Vetsy, biglang nagtanong si Alice. “Girl, sobrang crush mo ba talaga yang Ken, na yan? Para kasing kanina mo pa sya tinitignan eh..”

          Saglit na napaisip si Vetsy. “uhm.. Di naman masyado.. kahawig lang talaga nya si Orlando Bloom. You know. Pero di ko naman talaga sya crush na crush.”

         “Eh, bakit parang kilig na kilig ka dyan at titig na titig ka sa kanya...?”

          “Wala lang. Syempre ang gwapo nya kaya.. Lam mo yan, pampaganda ng araw ko mga fafa yummy!” Sabay halakhak. “At mukang maganda syang friend..tingin ko kasi mabait sya. I-friend natin sya ha.”

          “Ok, sabi mo eh.. pero ikaw na lang makipag friend dun. Dahil wala akong balak suportahan ka dyan.”

          “O..o…Ok…” Napangiti na lang sya.. maya-maya, nakatitig na naman sya kay Ken.

          “Whow! Ang galling nyang sumayaw! Astig! Pati mga steps ng babae, alam nya! Saya nya siguro kasayaw.” Mga papuring di masabi ng malakas ni Vetsy kaya sinasarili na lang. Manghang-mangha sya habang nanonood sa pagsasayaw ni Ken.

            Pagkalipas ng halos isang oras na pagtitig at pagpapantasya ni Vetsy kay Ken, sa wakas at time na ng schedule nila. Masaya ang lahat dahil tapos na ang paghihintay..maliban  kay Vetsy, dahil uuwi na si Ken.

Lonely Dancing ShoeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon