Prologue

17 2 1
                                    

Hannah's PoV

"Ate... Ate.. Hoy! Gising na daw!"

"Hhhmmm.. mamaya na.. maaga palang.." sino ba tong nanggigising saken! Naaantok pa ako ehh.

"Gising na kasi! Ate... Ate..." di parin tumitigil! Pindot parin ng pindot sa pisngi ko.

Uughhhh! Ano ba naman yan!

"Tss.. Oo na! Bumaba ka na nga doon! Istorbo kang bata ka!" sigaw ko sa kapatid kong si Hayley.

"Pagkatapos mong mag-ayos jan baba ka sabay na tayong kumain." At nagsimula na siyang maglakad palabas ng kwarto ko at isinarado ang pinto.

Pagkalabas niya kinuha ko yung phone ko malapit sa lamp ko beside ng higaan ko.

"Ambayan! 9:26 pa nga lang eh!" Sabi ko sa sarili ko. Wala na akong magawa kundi ayusin ang higaan ko at kinuha ang towel at maliligo nalang sa CR.

Pagkalabas ko sa CR nagbihis na agad ako at kinuha ulet ang phone ko at suklay. Habang nag-susuklay ako ng buhok binuksan ko ang phone ko kung may nag-text ba. Wala naman. Kaya in-off ko nalang.

Naglakad ako papuntang salamin habang sinusuklay ang mahaba kong buhok.

Ako nga po pala si Hannah Antoinette Alvarez. 16 yrs young hhmmm ano pa ba?

Ah! Fav colors are black and pink. Mabait sa mga mababait, maganda sa mga pangit, masipag at matalino. May pagka-short tempered at higit sa lahat maganda!

Pagkatapos kong magsuklay ng buhok ko kinuha ko alet ang phone ko at nilagay sa bulsa na shorts ko at bumaba na.

Pagkababa ko gamit ang hagdan nakita ko si Hayley nakaupo sa sofa at hawak ang phone niya na naka-headphones.

Lumapit ako sa kanya at umupo sa tabi niya. Tumingin siya saken at tinanggal ang headphones niya.

"Tara kain na tayo! Gutom nako!" Sabi niya at tumayo papuntang kusina.

Bat di man lang siya kumain kanina? Hinintay niya pa talaga ako? Duh?

Pagpunta ko ng kusina naamoy ko kaagad ang pancit canton.

Nakita ko si Manang na naglalagay ng tubig sa mga baso namin. Nakita niya ang kagandahan ko.

"Good morning hija.." bati ni Manang saken.

"Good morning rin po!" Bati ko sa kanya pabalik.

"Kumain na kayo." Sabi niya.

Umupo nako at nagsimulang kumain.

"Sabay na po tayo Manang." Sabi ko.

"Wag na. Salamat nalang. Nag-kape na ko kanina." Sabi niya. Pipilitin ko pa sana kaso sa tagal ni Manang Jovy dito kilala ko na siya. Pag-ayaw niya, ayaw niya never give up eh. Matagal narin kaming binabantayan ni Manang Jovy.

"Ahh sige po." Nag-smile siya at pumunta na ng kusina at may ginawa.

"Ansaraaapp!" Napalingon ako sa nag salita. At sino pa ba eh itong kapatid kong si Hayley!

"Tumahimik ka nga!" Pagsasaway ko sa kanya.

Dinilaan niya lang ako at tumahimik na. Minsan talaga nakakainis tong babaeng to!

Yan nga pala ang kapatid ko. Hayley Anne Alvarez. 13 yrs young. Mahilig sa mga koreanong hilaw. Mahilig sa mga kdramas. Madaldal, makulit, may itsura (malamang tae nga may itsura siya na kaya) wag kayo maganda yang kapatid ko syempre nag-mana kami kay Mama!

Ahh! Nga pala ang Mama namin ay wala dito. Nasa SK siya dun sa Daegu. May boutique kasi kami doon, ang plano niya nga ay magpatayo nalang kami dito para hindi na siya malayo samin. Kakaalis niya lang 3 days ago. Ang sabi niya kasi ay dun siya ng 1 week so 4 days nalang! Babalik na siya!

Ang Papa ko naman ay wala dito andun na siya sa lugar na tinatawag na HEAVEN. Wala na kaming Papa naaksidente siya nung papunta siya sa Garduation ko nung grade 6 pa ako...

Ahh! Basta! Nagiging emotional ako pagkinu-kwento ko siya eh!
Napalaki naman kami ni Mama ng maganda at healthy! Proud kami kay Mama kasi kahit wala na kaming Papa ay nakayanan niya ring magtrabaho para sa amin.

Nung nawala ang Papa kasi namin walang araw na hindi tumitigil si Mama kakaiyak. Kaya kapag nakikita ko si Mama na umiiyak sumasakit ang puso ko habang naririnig ang mga hikbi niya tuwing gabi. Pero nakayanan niya rin mag-move on at kami rin. Kahit mahirap ginawa namin kasi yun ang nakabubuti. Pero hindi naman ibig sabihin nun na kinalimutan na namin si Papa no! Nag-move on kami for the better at tanggap na namin ang totoo.

Sana lang ok si Papa sa Heaven no?

Pagkatapos namin kumain ay niligpit na ni Manang ang mga plato at tinulungan ko naman siya. Babaeng kilos rin to no? And as usual si Hayley diretso lang sa sala at nanood ng k-pop! Grabe masipag yang kapatid ko!

Pagka-tapos kong tulungan si Manang ay pumunta na ako ng sala at kinuha phone ko sa bulsa at inopen.

Nakita ko na nag-text saken si Karen. Best friend ko.

Karen: good morning!🤗

Agad ko naman siyan nireplyan.

Me: good mornin rin! Kakagising mo lang?

Wala pang 2 minutes ay nag-reply na ang bruha.

Karen: yep obviously! Kumain ka na ba??

Me: yes ikaw?

Karen: oo! Anong ginagawa mo ngayon??

Me: heto sitting pretty sa sofa naming malambot.. ikaw???

Karen: heto rin eating pretty ang peg habang katext ka.

Gaya-gaya amp!

Rereplyan ko sana si Karen ng biglang sumigaw si Hayley.

"Wwaaahhhh mianhaeeeeeeee SUGA! Ang kyooot ni JIMIN di ko kaya!!" At sino naman yun?!

Lumapit ako sa kanya at tinanggal ang headphones sa tenga niya.

"Pede ba?! Tigilan mo yang kakasigaw mo?! Sino bayang mga binabanggit mo?!" Tanong ko sa kanya.

"BTS Ate! Ano ba! Amina nga yan! Panira na moment amp!" Sabi niya saken at kinuha ang headphones sa kamay ko.

At ako pa ang panira ng moment niya?!

Sino bayang BTS na yan?! Lagi nalang yan yung dahilan niya tuwing tinatanong siya kung sinong yang mga sinisigaw niya!

Kaburaot tong babaeng to! Umupo na ko sa dating kong upuan ng biglang tumunog ang phone ko. Nakita ko si Karen na nagtext.

Karen: punta si me jan sa inyo ahh?? Pagkatapos kong kumain???

Wala naman akong gagawin ngayon.. bored rin ako.

Me: sige! Hintayin kita ah??

Karen: yes! Thanks!! Dla ako snacks? Movie tayo jan! Maghanda ka na ng pwde natin panoorin!

Aba! Nang-uutos tong bruhang to!

Karen: wag mokong matawag na bruha! Wag kang magreklamo jan!

At alam niya!

Biglang tumunog ulet phone ko.

Karen: tlgang alam ko! Maganda ako eh!

Anong konek?? Hindi ko nalang nireplyan ang kasinungalingan niya at hinintay nalang siyan pumunta sa amin. Tamayo ako at nag-hanap ng pwede naming panoorin.


----------
Sana nagustuhan nyoo!!

Salamat mga KAFATIID!!

-MABIYA/마비야❤️❤️❤️

Pinky PromiseTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon