Hannah's PoV
Nung nag 1:30 pm na ng hapon ay nagsimula na kaming mag-handa ni Hayley. Nauna na siyang pumunta sa kwarto niya at ako naman ay heto na paakyat na papuntang kwarto ko.
Pagkapasok ko sa kwarto ko kinuha ko agad ang towel sa likod ng pintuan at nilagay ang phone ko sa higaan. Pumasok nako ng CR.
Pagkatapos kong naligo ay nagbihis nako. Off shoulder na black at ripped jeans sa tuhod na black rin. Shoes ko black rin, then twin braides na hairstyle syempre black rin na tali para match. Wala namang patay, feel ko lang talaga magsuot ng black.
Bakit pag may patay lang ba nag-susuot ng black? Fav ko black diba? Duh.
Kaya naman heto nako ulet ngayon sa harap ng salamin at pinagmasdan ang nakatayong DYOSA.
"Haaayys.. ganda ko!" Kinuha ko yung phone ko sa higaan ko at tinignan ang oras.
"2:10 na pala?" At bumaba nako. Di nako nagtataka kung bat ang tagal ko. Syempre diba tinalian ko pa yung buhok ko? Mahaba rin tong hair ko. Syempre sa ganda kong to marunong rin ako magtali ng buhok sa sarili ko. Duh.
Kaya naman pagbaba ko syempre gamit ang hagdan nakita ko na si Hayley na nakaupo sa sofa at naka earphones ang bruha habang nakangiti. Napansin niya siguro yung kagandahan ko kaya tinanggal niya yung earphones niya at nilagay sa bulsa niya.
"Sa pagkakaalam ko.. mall ang pupuntahan natin at hindi patay?" Ayan na naman siya..
Umupo lang ako sa sofa.
"Text ko lang si Karen." sabi ko nalang. Syempre, Ate rin ako no? Di rin ako pumapatol sa mga taong INSECURE. Duh.
Si Hayley ay nakasuot ng crop top na light pink, naka jeans na white, shoes niya ay white rin tapos naka ponytail na hairstyle.
Kaya naman inopen ko yung phone ko at tinext si Karen.
Me: hoy ready na kami dto. San kana???
Tapos bigla siyang nag-reply.
Karen: andito nako sa mall..
Me: bat di mo kami dinaanan dito?????
Karen: wla ka ng magawa andito na ko eh.. cyaa later na lng..😅😅😅
Grabe tong babaeng to! Di man lang kami dinaanan dito!
"Andun na daw si Karen sa mall. Tara na." Sabi ko sa kanya.
"Eh? Bakit hindi niya tayo dinaanan dito?" Tanong niya saken.
"Wala tayong magawa.. nangyari na eh.." sabi ko nalang.
Nagsimula na kaming maglakad papuntang pintuan namin. Nakita namin si Manang na nag-shoshower sa mga halaman. Mainit kasi baka mamatay yung mga plants niya diba? Wala na kaming garden.
"Manang aalis na po kami.. naghihintay na po si Karen doon.." sabi ko sa kanya.
In-off niya yung hose tapos lumapit sa amin.
"Oh sige mag-iingat kayo ha? Balik kaagad at wag mag-papagabi." Paalala niya samin.
"Oo naman po! Promise po yan." Sabi naman ni Hayley at tumango lang ako.
BINABASA MO ANG
Pinky Promise
RandomAno nanamang pinagsasasabi nitong lalakeng to? Siya daw si JD? Is he kidding me? Ang kapal nang mukha niyang sabihin niyang siya si JD! As far as the Universe know.. nasa ibang bansa na si JD! Teka pede naman silang bumalik ah? Duuh? Pero napaka-im...